Nandito ako sa terrace ngayon gusto ko kasing mapag isa. Habang si jho nandun sa baba kasama si tita lovel nanunuod ng teleserye. Nandito ako kasi naalala ko na naman yubg nangyari after that day hindi na nawala sa isip ko yung pag introduced sa akin ni jho sa papa niya parang sirang plakang paulit ulit na umuulit sa utak ko, kasi para sa akin umpisa palang ng laban ko pero sa sinabi niyang yun,
Game over na yata ako.Hindi ko binago pakikitungo ko kay jho ganun pa din ako kanya. Kahit masakit itutuloy ko pa din to. Sobra na akong napamahal sa kanya ngayon pa ba ako susuko.
Naputol ang pag iisip ko ng biglang marahan akong tinapik ni jaja kapatid ni jho
"Oy! Mukhang malalim iniisip mo ate bea ha" she said I just smiled at her as a reply
"Share ka naman dyan. I'll listen and you know what. Magaling ako sa advice advice na yan" She proudly said and we both laughed "Seriously I'm good at that" Dugtong niya.
"Talaga? Okay may problem kasi yung friend ko" I said
"Then?" mag sasalita na dapat ako pero nagsalita ulit si jaja "I'll guess Is it about lovelife?" She giggled and tumango ako "I knew it. That's a common problem na lagi nalang sinasabi sa akin ng mga taong gustong humingi ng advice sa akin" she said
" So yun na nga I have a friend na may problem about love life kasi base sa sinabi niyang story. May bestfriend daw siya then di niya inaasahang na mahulog siya sa besfriend niya" I said and I took a deep breath bago magsalita ulit pero naunahan ako ni jaja
"Tapos natatakot siya na baka mareject siya ng bestfriend niya kapag nalaman yung nararamdaman niya?"
"Woa! How did you know?" naniniwala na talaga akong magaling to mag advice. Mukhang alam niya lahat ng problem sa mundo.
"Alam mo ate bea sabihin mo dyan sa kaibigan mo. di niya naman masasabing irereject siya kung hindi niya itrtry na mag open up about sa nararamdaman niya. Malay mo mag work diba?"
"Eh paano kung ireject siya?" mahina kong sabi
"Edi na reject siya, atleast nasabi niya yung nararamdaman niya kaysa naman lagi siyang umaasa sa mga possibleng mangyari mas masakit yun"
"Eh paano kung layuan siya?"
"No, Hindi mangyayari yun kasi kung tunay siyang kaibigan maiintindihan niya at rerespetuhin niya kung ano man yung malalaman niya. Kaya nga tinawag Bestfriend kasi best siya sa lahat thru thick and thin kasama mo siya. For sure maiintindihan niya yun" She said
May point naman si jaja pero natatakot pa rin ako siguro I'll wait for the right time para sabihin kay jho yung feeling ko about her.
"Hey ate bea youre spacing out. Teka nga sa kaibigan mo ba talaga yang may problema?" Bigla namang akong kinabahan sa tanong ni jaja at agad na sinabing
"S-Sa K-kaibigan ko talaga tong problema na to" nauutal kong sabi "Ewan ko ba dun bakit ayaw pang sabihin" Palusot kong sabi
"Hay nako ate bea basta sabihin mo yan sa kaibigan mo wag siya matakot, mas nakakatakot kapag naunahan na siya ng iba. Wala na siyang laban dun"
Maunahan? Di naman ako papayag na mangyari yun. Huminga ako ng malalim bago ulit mag salita.
"Thanks ja! Hayaan mo sasabihin ko sa kaibigan ko yun" Mag sasalita na sana ulit ako ng biglang dumating ang taong pinag uusapan namin
"Ano tong usapan na to? Bakit di ako kasali?" Pag tataray niyang sabi and natawa naman kaming dalawa ni jaja sa inasta ni jho na parang batang di sinali
"Wala ate binibigyan ko lang si ate bea ng malulupet kong advice" jaja proudly said at nag tawanan kami
"Sus bakit ano bang problema mo boo?" Jho asked me.
Jho ikaw ang problema ko gusto ko sabihin sayo na mahal kita pero di ko alam kung paano at takot na takot ako.
"Wala boo. Yung friend ko yung may problema nanghingi lang ako ng advice dito kay ja tinest ko kung talaga magaling siya mag advice and mukhang magaling nga tong kapatid mo" I said at sabay akbay kay ja
"Sabi sayo e" Pag mamayabang sabi ni ja
"Sus mas magaling ako dyan" Bigla namang lumaban tong si jho kaya nag tawanan kami.
Medyo nabuhay ako sa mga sinabi ni jaja, pwera lang sa sinabi niyang baka maunahan pero ngayon kailangan ko lang mag antay ng right time to confess my feelings about her.
Sa ngayon inienjoy ko muna yung bakasyon ko dito sa batangas kasama si jho.
Nanatili kami sa terrace nila jho. Hanggang na nag paalam na ai jaja na mauuna na kasi sinusundo na daw siya ng antok. At kami nalang ni jho ang naiwan dito.
"Boo di ka pa ba inaantok?" tanong ko sa kanya habang nakatingin kami pareho sa langit para tignan ang mga bituin.
"Hmm di pa naman" sabi niya mag sasalita na dapat ako ng biglang nag salita ulit ai jho "Boo may tanong ako sayo" mahinahon na sabi niya pero nanatili ang tingin namin sa mga bituin. Bigla naman ako kinabahan sa sinabi niya
"Ano yun?"
" Tama naman yung desisyon ko na iwan siya diba?" bigla naman napalitan ang kaba ko sa pag kalito. Baka si abraham ang tinutukoy nito.
"Tama sa mga mata ng ibang tao. Pero ikaw mismo makakasagot niyan kung tama ba yung ginawa mo kasi ikaw yung makakaramdam kung tama ba."
"Feel ko naman na tama kasi sobra na siya e." Mag sasalita na dapat ako pero naunahan ako.
"Pero parang may kulang e. At may mali"Hindi ko maintindihan mga sinasabi ni jho sa akin. Para bang may pinapahiwatig siya pero di ko malaman kung ano. Di ko alam kung nag sisis ba siya or hays ewan di ko talaga maintindihan.
Bakit di mo nalang diretsyuhin jho.
BINABASA MO ANG
Everything will be okay (ON HOLD)
Fanfic"Might not be tonight. tomorrow or the next day but everything's gonna be ok"