"Boo! Bilisan mo Inaantay na tayo nila mama sa baba. Nandun na daw yung bangka sa beach" sigaw ni jho. Dito ako ngayon sa cr, nag papalit ng pang swimming. Nakayayaan kasing mag swimming banda lang din dito sa batangas. Naka black na two piece ako then nag short muna ako saka ko nalang huhubatin kapag nakapunta na kami sa island.
"Okay boo. Mabilis nalang to"
Nang natapos na akong mag palit diretsyo agad kami sa bangkang sasakyan namin papunta sa kabilang isla. Pag dating namin dun nag swimming then gumawa ng bonfire habang nakaupo sa nakalatag na kumot tapos kwentuhan then nag kayayaang mag inuman hanggang sa kami nalang ang natira ni jho kasi nag sipasukan na sila sa kanikanilang tent.
kaya eto naiwan kaming dalawa nag kkwentuhan habang yung bonfire unting unti ng nawawalan ng apoy kaya unting unti na namin nakikita yung bituin sa kalangitan. Di ko na malayang kanina pa pala nag sasalita si jho napansin ko lang ng biglang niya akong marahang tinapik.
"Boo nakikinig ka ba kanina pa ako salita ng salita dito" She said ang cute niya kapag nagtatampo siya.
"Sorry boo. Ganda kasi ng mga stars e. So where are we?" I said sabay hug sa kanya para iparamdam na di ko sinasadya na di makinig.
"It's okay. Sabi ko lang naman naalala ko nung dinala mo ko sa reliever mo. You know what sobrang ramdam ko that day napakaspecial kong tao. Thank you boo kasi pinaramdam mo yun" She said
"It's my pleasure na nakikita kang masaya boo. Kung pwede nga lang ayokong nakikitang kang malungkot e"
Bigla naman akong nakaramdam ng init ng biglang sumandal sa akin si jho at pinulupot ang kamay niya sa bewang ko para yakapin ako.
Mas nanginit naman ang aking katawa at biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng sinabi ni jho na
"Alam mo boo kung lalaki ka lang matagal na kitang pinatulan. Sa sobrang sweet mo at bait mo pasok na pasok kana sa mga tipo ko e" Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi sa sinabi niyang yun pero napaisip ako di ba pwedeng mahalin niya ako ng ako? As bea deleon?
She took a deep breath bago nag salita ulit habang ako nanatiling tahimik
"Basta boo. Wag mo akong iiwan ha. I mean gusto lahat na ng nangyayari sa buhay ko nandun ka kasama kita pwede naman yun diba kahit mag kaibigan lang tayo?" She said at di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha niya.
Inaayos ko ang pag kakaupo namin para makaharap siya then I gently wiped her tears and kiss her forehead.
"Shh don't cry. Kahit di mo naman sabihin yan, Ganyan din yung gagawin ko e. Di kita iiwan boo. Lagi lang akong nasa tabi mo. I'll be there for you with each beat of my heart. I'll promise I'll be there for you in times both bright and dark and I'll be there when you just want to talk. I'll be there for you I swear it on the star" I said and I kissed her forehead again then hugged her.
Jho di kita iiwan gusto kong malaman mo yan at I won't stop loving you because I can't stop loving and I love you. Nothing, and nobody. Not even time will change that.
Natapos ang gabi na yun at sumapit ang umaga.
Pag kagising ko nakayakap si jho sa akin habang ang braso ko ang nag sisilbing unan niya. Ayoko ng matapos ang oras na to. Kung pwede lang ganito nalang kami. Agad ko naman niyakap din si jho ng mahigpit at hinalikan ang forehead niya.
Bigla namang naalinpungatan si jho at nag smile sa akin. Babangon na dapat ako ng bigla akong pigilan ni jho.
" Tulog pa tayo boo. Antok pa ako. May hang over yata ako" nag mamakaawang sabi ni jho habang nakapout ang bibig at habang nakapikit siya. Hay ang cute niya kapag ganyan siya.
"Kukuha kita ng gamot dun boo. I'll be back"
Marahan ko naman tinanggal ang pag kakayakap ni jho at pinahiga ang kanyang ulo sa unan.
Buti nalang pinabaunan ako ni mom ng medicine para sa hang over. She knew na di mawawala ang inuman sa ganitong bakasyon.
"Boo bangon kana inumin mo to para mabawasan yung hang over mo then mag ayos na tayo baka parating na din yung bangkang sasakyan natin"
Hindi naman ako pinakinggan ni jho kasi parang ang himbing ng kanyang pag kakatulog hinayaan ko nalang muna siya at ako na ang nag ligpit ng kanya mga gamit. Habang nag liligpit ako ng mga gamit di ko inaasahang marinig ang pag vibrate ng isang cellphone agad ko tong hinanap at nakita ko cellphone pala ni jho ang nag vivibrate.
Biglang namang kumirot ang puso ko ng biglang bumungad sa akin yung picture ni abraham at ang masakit pa dun nandun pa din yung heart sa tabi ng pangalan niya.
Biglang tumigil sa pag vibrate ang phone ni jho. Hindi ako masyadong nangangaelam ng phone lalo na kay jho kahit na alam na alam ko ang pin sa phone pero napilitan akong tignan ito. Bumungad sa akin ang 3 new message galing kay abraham ng buksan ko ito. Dun na ako napaluha. Dahil sa nabasa ko.
From: baaham <3
Babe papaalala ko lang. Friday 6pm sa may up town.
From: baaham <3
Sunduin ba kita or hindi na
From: baaham <3
Basta update mo ko ha. Take care always <3
Sobrang sakit baka ito na nga yung pinapahiwatig ni jho about sa pag usap namin nun pero akala ko ba iniiwasan na ni jho. Akala ko ba nag karoon na sila ng closure ni abraham bakit ganito yung mababasa ko.
Sobrang sakit jho, gusto kong sabihin sayo na ang unfair mo pero wala naman akong karapatan e. Kasi alam ko isa lang akong hamak na bestfriend para sayo. Gustong ibuhos lahat ng luha ko ngayon pero pinipigilan ko kasi baka anytime magising si jho kaya binabuti ko nalang pigilan muna. Pero sa pag pigil ko sa mga luha ko yun naman sakit ng dibdib ko na para bang di ako makahinga at makalunok sa sobrang sakit.
Minabuti kong mag bihis at mag ayos na at agad akong umalis sa tent. Pag kalabas ko agad akong nakita ni tita lovel.
"Oh bea anak. Si jho? mga 30 mins daw nandito na ang bangkang sasakyan natin pabalik. Nakapag ayos na ba kayo?" sabi ni tita pero parang isang hangin lang si tita sa akin kahit kahit isa sa sinabi niya wala ni isa akong narinig para bang natulala ako.
"Bea anak? Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni tita para akong tinapik ng mundo at bigla ko na ito narinig
"Ahh ehhh tita O-okay l-lang po ako hangover lang siguro ito. Punta lang ako dun lalakad lakad" nauuatal kong sabi at nag palusot nalang ako na dahil lang to sa hang over pero ang totoo dahil to sa anak niya.
"Sigurado ka ba? Ay siya sige balik ka agad at baka dumating na yung bangka"
"Opo tita"
Agad namang ako nag lakad palapit sa dalampasigan. Sobrang sarap ng simoy ng hangin. At sobra ko na din gustong gustong ilabas ang mga luha ko na.
Hindi ko maintindihan bakit lagi nalang ako ganito. Lagi nalang narerejct. Siguro nga nasa akin na yung mali. Gusto ko pang ipaglaban ang nararamdaman ko para kay jho kaya kong mag pakamartir para sa kanya pero parang tadhana na talaga ang pumipigil sa akin.
-----------
Thank you sa pag support pa din.
Comment and Vote.
Follow me guys. Thank youuu
BINABASA MO ANG
Everything will be okay (ON HOLD)
Fanfiction"Might not be tonight. tomorrow or the next day but everything's gonna be ok"