Ashley's POV
Patungo na sana ako sa bahay ng may biglang umakbay sa'kin.
>>BOOGSSHHH<<
>>BOOGSSHHH<<
>>BOOGSSHHH<<"ARAY, ARAY, TAMA NA, ARAY!" Pagsisigaw ng pamilyar na boses ng lalakeng hinampas ko.
"Juan ikaw ba yan?" Tanong ko sa kanya, "Ay sus ikaw nga, bakit bigla bigla ka nalang nang-aakbay sa ganitong oras ha?"
"Eh hindi ko naman akalain na bugbog ang makuha ko sa'yo." Sabi niya.
"Ikaw kasi eh!" inis na sabi ko
"Saan kaba nanggalin, at bakit naglalakad kang mag-isa?" tanong niya
"Eh kasi... Ahhhh ano,,, uummm basta" utal kong sabi sa kanya.
"Wala ka bang trabaho ngayon? Ang aga mo ah?" sunod-sunod niyang tanong.
"Eh anong oras na ba?" Tanong ko.
"8:30 pm" sabi niya pagkatapos tignang yung relo niya.
"Sino yung taong kaharap mo ngayon?" Tanong ko nanaman.
"May tao ba akong kasama ngayon? Eh wala naman ah?" Pang iinis niya sa'kin
"Eh tadyakan kaya kita diyan? Gusto mo?" Paghahamon ko sa kanya, nakakainis eh.
"Hehe, joke lang naman eh. Tara hatid na kita sa bahay ninyo." Pag-aalok niya.
"Marami ba ako kaya ninyo ang tinawag mo sa'kin?" pagpipilosopo ko sa kanya.
"Oo ang dami niyo nga" lumapit siya sakin tapos tinuro turo ang mga pimples ko "siya, siya, siya at siya, diba sila yung mga kasama mo?"
"Heh! Bahala ka na nga!" Iniwan ko siya sa kinatatayuan niya.
"Oi, oi, oi joke lang naman hahahaha" hinabol niya ako dahil binilisan ko na ang lakad ko.
Nakakainis talaga 'tong si Juan. Si John Christian de Silva ang kinakainisan kong tao. Nakasanayan ko nang Juan ang tawag ko sa kanya dahil sa totoong pangalan niyang John. Siya lang naman ang taong super super mangulit sa akin. Ewan ko ba kung bakit ang kulit kulit nito pag magkasama kami. Hindi naman siya pangit, hindi rin siya gwapo. Sakto lang pwede na, pangboy sa bahay, hahaha, ang sipag kasi eh, masunurin at matulungin sa iba, lalong lalo na sa mga mas nakakatanda. Naalala ko pa nga noong bata pa kami, bagong lipat lang kami dito sa baranggay. Tutulungan sana niya akong makatayo kasi noong oras na yun ay nadapa ako sa harap ng bahay namin.
"Oy, bata anong ginawa mo diyan?" Tanong ng isang bata sa'kin.
"Nagpapractice kasi akong lumangoy kaya ganito ang posisyon ko." Umaakto akong lumalangoy habang nakadapa parin sa daan na hindi lumilingon sa kanya.
"Baliw ka ba? Eh wala kanaman sa tubig eh." Nalilitong sabi niya
"Alam mo palang wala ako sa tubig eh, bakit ka pa nagtanong?" Sabi ko naman sa kanya.
YOU ARE READING
I Really Don't Care
Novela JuvenilMay mga tao talagang late nabibiyaan ng Diyos. Yun bang, sa physical appearance ay talagang nasa huli sa listahan ng kagandahan. Alam mo yun? Kasi, sabi ng iba, pwede ring, nagmamadali Siya sa paggawa ng tao, o kaya deadline na kaya hindi na niya bi...