PROLOGUE

191 20 9
                                    


"Ilang sombrero?" tanong ng sarhento habang inaayos ang nakasabit na tsapa sa kanyang dibdib. Hinawakan nito ang baso ng ice cream sa lamesa't bahagyang nilayo sa kulot na binatilyong nakaupo sa kanyang harapan.

"Dadi..." napakamot ulo ang paslit. Tinatayang nasa labindalawang taong gulang.

"Anong Dad dad!?!? Ilang sombrero??" giit ng pulis. Nakatawa. "Sabihin mo sa akin kung ilan, then bibilhan pa kita nito..." turo sa malamig na rocky road. Tinakpan ng ama ang mata ng anak para siguraduhing hindi ito sisilip.

"Walang dayaan ha..."

Kakaibang laro ng mag-ama.

"Isa sa may pasukan, pagpasok natin kanina. Pulang sombrero na may drawing ng toro, dalawa sa may counter naka upo, habang umiinom ng coke na nasa lata... white saka blue. Yung waitress na gumagalang may dalang tray. Yung security guard sa labas. Sa may likod mo, may matanda na may suot na parang lone ranger, isa sa limang magbabarkada na magkasama na nakasuot na parang robin padillang pabaliktad at saka..."

"Saka?..." naghihintay ng sagot.

"Saka yung dala mo..." bulalas. "Sombrero mo, daddy..." hawak mo kanina.

"Magaling!" bati ng tatay habang ginugulo ang buhok ng anak. "...ngayon sagutin mo yung tanong ko: ILANG Sombrero?"

Natigilan ang bata. "Ngyii...alam mo namang mahina ako sa Math eh..."

Natawa lang ang tatay saka binigay ang tamang sagot:

"Dalawa..."

"Bakit naging dalawa?"

"Well, technically, ang sombrero lang dito is yung mamang naka parang lone ranger sa likod ko... at yung nasa may pasukan na kulay pula na may picture ng toro. Yung dalawa sa counter na umiinom ng coke zero in can eh naka bonnet na blue at white, yung waitress naka net cap, pati yung isa sa limang magbabarkada...gets mo? At itong akin..." habang pinapakita sa anak. "Hindi to sombrero, helmet 'to..."

"Andaya mo naman, daddy..."

"Hindi ah, in fact, ibibili pa kita ng ice cream for the effort!" Kumakaway habang tawag ang waitress. "... tandaan mo anak, observe your surroundings and understand the question... only then you will get the right answer. PERO dahil hindi mo nasagot yung tanong ko na ILAN...yung regular lang yung bibilhin ko sa'yo...

* * * *

Hawak ang mga notebook, nakaabang ang mga pulis sasusunod na sasabihin ng lalaking nakabrown na jaket sa kanilang harapan.

Nakapamulsa habang palinga-linga sa bawat sulok ng puting silid na namantsahan ng pulang dugo ng biktimang nakahandusay sa sahig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakapamulsa habang palinga-linga sa bawat sulok ng puting silid na namantsahan ng pulang dugo ng biktimang nakahandusay sa sahig.

"The victim is?" Tanong nito.

P.I.BOXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon