Alas singko ng hapon. Financial district.
Metro.
Ikinurdon ang bahagi ng kalsada kung saan naganap ang pamamaril kay mayoral runner Gusto Justo. Sa utos na rin ni Capt.Cortez, ipinarada sa mismong spot ang motorcade kung saan una lumipad ang punglo at tumama sa kawawang tudla. Ito rin ang tinayuan ng mag–asawang Justo, lahat ito upang ire-enact ang buong pangyayari at masubukan ang hinihinalang salarin.
Bagamat sandamukal na kapulisan ang nakapalibot, hindi pa din maiiwasan ang pangilan-ngilang miron na patayo-tayo at paselfie-selfie sa daan.
Nandoon na din sina Makoy, Lt. Sajonas at Capt.Cortez. Hindi palagay si Gustavo sa kanyang pagkakatayo. Panay ang paypay ng asawa.
"So why are we summoned here? I hope this will not be a waste of time! May zumba session pa si misis mamaya." Pahayag nito.
"No Mr. Justo. Definitely not." Sagot ng kulot. "We are here to tell you what happened."
"Then get on with it please." nagmamadali.
Pamaya-maya pa'y dumating si Sherwin Torres, ang campaign manager. Tumayo sa gilid at tila hindi payak kung bakit siya andun. Suot ang coat and tie, pumwesto sa bahaging may silong ang CM. "So what is this? Another show? Tell us kung bakit kami andito!" Yabang ng huli.
Tumango lamang ang kulot at sumenyas sa CM. Intayin mo lang... mwestra niya.
Nagbigay ng hudyat si Cortez.
At ngayong andito na ang lahat, nagsimula ng magpaliwanag si Makoy.
****
"Rizza Yu was going over the books and she found an anomaly, something that doesn't add up. As part of the process she needs to talk to the person in charge..." humarap kay Sherwin Torres. "Kinausap ka niya."
Nagulat ang CM.
"Rizza Yu, spoke to you of what she found but she was brushed off immediately right after. Unliquidated funds... tsk, tsk... It's possible din that you accused her for stealing the money... and so she steps out."
"Can you believe this guy? Seriously" kita ang inis sa mukha ng CM.
"You started to worry na baka magsumbong siya o magsalita. you couldn't buy her off kasi meron siyang tinatawag na... INTEGRITY."
"Integrity?" lingon ni Jonas kay Sixto.
"Integrity!" Sabi ni Sixto kay Jonas.
"In—teg—ri---ty..." habang sinusulat ng tinyente sa kanyang maliit na notebook.
Word for the day.
Patuloy si Makoy: "You then decided it was time to hire somebody to shut her off... kill her... Pero sino kaya?"
Tahimik lang si Sherwin. Ramdam ang mabigat na aura sa paligid. Andun ang ilang pulis. Niluwagan ni Mr.Torres ang kanyang necktie.
"You want someone who can actually do the job. Someone who knows how to fire a gun. You then thought about Gustav's bodyguard. Nagbaka sakali ka kay Mark Dapiton."
Nagtinginan ang lahat. Si Dapiton ang kawawang bodyguard na nabaril nung araw na iyon nung naganap ang insidente.
"The problem is--- he turned you down."
Puyos sa galit, tumalikod si Sherwin para umalis. . Agad siyang pinigilan ni Capt. Cortez. "I'm not going to stay here and listen to this crap!" mariing sabi.
"But you do.. you do." Sambit ng kapitan. Hinawakan sa balikat. Walang nagawa si Sherwin kundi ang mag stay at makinig. Ramdam ang takot.
"You kept on looking for someone to do your bidding... until you found a professional: Raymond Nombre."
BINABASA MO ANG
P.I.BOX
Mystery / ThrillerMystery, adventure, action and humor combined. Join Makoy and Pakoy as they unravel nail biting, blood curdling, balloon twisting mysteries and puzzles against the Metros unpredictable criminals. Illustrations/pictures by: JomVega