A Candidates Case -Part 1

119 18 8
                                    

Nagmamadaling tumakbo para humabol sa elevator ang isang di kilalang lalaki suot ang puting jumpsuit at katerno nitong cap.

Tila may hinahabol na oras.

Dala ang isang balde ng mga gamit pang linis, nakasukbit sa balikat nito ang tila malaking case na binalot sa trapal na kulay gray.

Dire diretso ang lalaki  sa isang bakanteng silid saka pumwesto sa may bintana kaharap ng kalsada. Binaba ang dalang balde at tinanggal ang trapal na kanina pa niya tangan para ilabas ang  kinukubling panganib.

Isang Weatherby Fibermark rifle!

Mabilis itong nilagyan ng bala at saka itinali ang dulo sa lubid ng window blinds para maging steady ang kanyang pag hawak. Minamasa-masahe nito ang kanyang batok para tanggalin ang stress habang naka abang sa kanyang pakay.

Sa labas sa ibaba, katapat lamang ng gusali ay saktong padaan na ang float na sinasakyan ng napaka busy sa pag kaway at paghagis ng wristband na si mayoral candidate Gustavo Justo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa labas sa ibaba, katapat lamang ng gusali ay saktong padaan na ang float na sinasakyan ng napaka busy sa pag kaway at paghagis ng wristband na si mayoral candidate Gustavo Justo... o mas kilala sa tawag na Gusto Justo.  Hindi magkamayaw sa paghiyaw ang kanyang mga constituents. May umiiyak sa galak, hinihimatay at may ilang andun lamang para mag abang sa mga hinahagis na give away.

Sa kanyang tabi ay ang  misis n'yang si Melba kasama ang kanyang campaign manager na si Sherwin Toledo.

"Hanggang ilang ikot itong ruta na 'to Sherwin?" Tukoy sa parada. "Pinupulikat na ang pisngi ko sa pag sma-smile..." pasimpleng pahayag, ayaw ipahalata sa mga tao. Tuloy lang ang kaway.

"Better be patient now Mel, after all this, you will be walking sa Malacanang." Pasimpleng bulong din ng kausap. "And when it happens siguradong hindi na pilit ang ngiti mo."

"It better be... malapit na akong makomang sa kaka-wave."

Inalalayan ni Sherwin si Mel papunta sa kabilang side ng float. Naghagis ng mga wristbands at t-shirts.

Walang sabi-sabi'y humaginit ang unang bala na muntik ng tumama sa mukha ni Gustavo! Sapul ang head bodyguard ng aspiring mayor! Sapul sa dibdib!  Nagpulasan ang lahat sa unang putok ng riple! Tila mga langgam na nagtakbuhan ang mga ito! Kanya-kanyang tago. Umalingawngaw sa ere ang malakas na tunog na tila nagmula sa iba't-ibang direksyon! Sa taas ng mga gusali , distansya nito sa float at libo-libong bukas na bintana sa oras na iyon,  imposibleng malaman kung saan saktong nagkukubli ang sniper. Ang pangalawang punglo ay tumama sa may podium. Tumalon si Mr.Justo para kublihan ang kanyang misis. Kasabay nun ay kinumpulan din siya ng iba pang bodyguards habang sinusubukang hanapin kung saang direksyon nagmula ang punglo! Pangatlong bala sa railing ng float.

Nagkalat ang media para sa exclusive. Larawan kaliwa't kanan. Nakuhanan din on live tv ang buong eksena.

"Ayuuun!" turo sa itaas ng campaign manager. Iniumang ang kamay habang tinuturo kung san nya namataan ang gunman!
"Ayun siya!!!" Kanyang sigaw.

P.I.BOXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon