"I'm in."Naguguluhan naman itong tumingin sa akin. "I'm in for what?"
"Seducing my gay best friend."
Her lips twitched at my statement.
"Yan ang gusto ko sayo girl palaban!" She said and slip her hands in my arms. Para tuloy kaming bata.
"Jean!"
My body froze when I recognize the voice who spoke my Godly name.
"Pauwi na ba kayo Jane?"
I turned around and saw him running towards me. I stiffened. Nakita naman ni Jane na napatigil ako.
"Oo pauwi na kami ni Jean dahil may girls night out kami." Jane said.
Di parin ako kumikibo. My eyes focused on his pleasant face. I immediately look away. Ang tanga-tanga ko dahil sinundan ko pa siya rito!
"Sama ako!" He said.
"Hindi pwede dahil 'GIRLS' lang ang pwede." Sabi naman ni Jane ng may diin sa salitang GIRLS.
"I'm a girl." He said.
I saw Jane rolled her eyes. "I mean biologically." She said at hinila ako.
Guilt rushed in my veins as I saw his pained expression. "Mag sorry ka." I ordered Jane.
"Hindi." Matigas na sabi niya at hinatak ako.
"One step ito sa plano mong pag-seduce sa kanya. You must learn how to treat him like a proper boy!" She said.
"Huh?" Naguguluhang tanong ko.
Pumara ito ng taxi at agad pumasok. Hinila nama niya ako kaya napaupo ako ng wala sa oras.
"I mean you need to point out to him that he's really a boy! Paano mo masagawa ang pag-seduce sa kanya kung ikaw mismo tinatrato siyang bakla." She explained.
Napaisip naman ako sa sinabi niya. I really didn't encourage him to change his mind about his 'gender'. Hindi naman kasi magawa ito ng overnight.
"Sa istoryang nabasa mo Jane nagkatuluyan ba ang babae at ang bakla?" I asked out of the blue.
She smiled. "It's for you to do it and for us to find out." Makahulugang sabi niya.
"Eh? Title nalang ng story at author." I asked.
Umiling ito. "Hindi ko sasabihin."
Nag pout naman ako sa sinabi niya. This woman and her secrets!
Tumawa naman ito sa aking reaksiyon. "Sa inyo ako matutulog since wala pa ang bago mong roommate." Sabi niya.
Tumango naman ako. Kilala na siya ng landlord dahil palagi siya sa apartment ko. Pinapalipat na nga siya ng landlord namin eh pero ayaw daw niya dahil malapit lang ang apartment niya sa bahay ng crush niya. Sus maryusep, sawi rin kasi ang love life nitong best friend ko.
Pumasok na kami sa apartment at binigyan ko siya ng bibihisang damit pantulog.
Di kami marunong magluto kaya bumili lang kami sa labas ng barbeque at kanin.
"Alam mo ba bes yung crush ko nag break na sila ng kanyang girlfriend." She said while eating. Malungkot ang pagkasabi nito.
Kumuha ako ng isang isaw at nagsalita. "Aba bakit parang malungkot ka?" Tanong ko sabay subo ng ulam at isaw. Nagkamay lang kami dahil mas masarap kumain ng barbeque kung naka kamay.
"Dahil bes huhuhu." Sabi niya sabay iyak.
Oo umiyak talaga ito at maraming luha ang tumutulo sa mata niya. Si Owen Guzman ang kanyang crush, heartthrob ito ng school at team captain ito sa swimming.
BINABASA MO ANG
Seducing my Gay Best Friend! (Completed)
Short StorySi Jean Cassandra Switz isang Nursing student sa Mandaluyong Medical University na na-inlove sa kanyang best friend. Typical? Cliche? Oo isang babae'ng nainlove sa kanyang guy best friend. Pero what if hindi siya type ng best friend niya dahil...