Nash Sandra Martinez: Imagine she is the girl of Twice, Tsuyu from Twice. A 17 years old girl, she is weird, nerd, mabaho, golden teeth, etc.. Basta nasa kanya na lahat. Feeling niya siya na ang pinakamalas sa buong mundo.
🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷Bumangon sa higaan si Nash ng bigla na naman niyang napanaginipan ang hindi niya gustong panaginip.
Bakit ba palagi nalang ganoon ang panaginip ko? Wala na bang ibang mabigay si god sakin kundi yun lang? At syaka, kaano-ano ko ba talaga yung magandang babaeng yun?
Sabi ni Nash sa kanyang isipan.Madami siyang tanong na gusto niyang ipasagot sa kanyang mommy.
Sino ka ba talaga? Magkaano-ano ba talaga tayo?
Biglang tumunog yung phone ni Nash, nagpaalarm kasi ito kaya sakto na nakagising siya, dahil din dun sa masamang panaginip na napanaginipan niya.
Pumunta na siya sa banyo para maligo at inihanda yung sarili para sa bagong araw. Bukas na ang pasukan pero wala pa rin siyang uniform dahil hindi pa niya alam kung saang school siya papasok, sa Private ba o sa Public?
Naisipan niyang huwag nalang munang magtoothbrush dahil tinatamad ito kaya bumaba na siya.
"Good morning mom, where Kuya?" Maling english nito, sa totoo lang hindi talaga marunong mag-english si Nash.
"Kuya mo, umagang-umaga nasa barkada na niya agad" sabi ni Breana na mommy ni Nash.
"Sa barkada niyang gangsters, ganyan naman lage eh! Lage nalang siyang bumibisita sa barkada niya, kung mapapahamak sa ospital yung punta, eh paano kung mabaril? Sa impyerno ba o sa langit?" Sabi ni Nash at tumungin kay Breana "ano sa tingin mo mommy?" Dagdag nito habang kunot-noong tumingin sa kanyang ina.
"Naku! Tumahimik ka nga dyan Nash, kumain ka na nga lang" sabi ni Breana "Aling Linda, ikaw na bahala dito ah may pupuntahan lang ako" dagdag nito at umalis dala ng mahiwaga niyang bag.
"Kaya naman pala eh, alams na kung saan nagmana buti pa ako good girl lang always. Ano ba kasing laman ng bag na yan at saan gawa? Grabe, bata pa ako hanggang ngayon buhay na buhay pa yung bag na yun ah, mahiwagang bag?" Bulong ni Nash at sumubo ng isang kutsarang ulam at kanin pagkatapos ay inubos niya yung isang basong gatas at tumayo na kaagad.
"Ma'am, saan po kayo pupunta?" Tanong ng isa sa kanilang katulong. Tinignan niyang ang paligid.
"Saan pa ba, edi dito lang" sabi ni Nash "ayoko ng kumain, pakiligpitan nalang ah" dagdag nito.
"Po? Ayaw niyo na? Eh, maliit lang po yung kinain niyo ma'am" sabi ng katulong.
"Busog na ako eh" sabi ni Nash at pumunta si Aling Linda sa kanila para tignan kung anong nangyari, si Aling Linda kasi ang leader ng mga katulong sa bahay.
"Anong nangyari dito?" Sabi ni Linda.
"Aling Linda, ipamigay mo nalang yan sa mga batang nangangailangan ng pagkain sa labas, ayoko ng kumain" sabi ni Nash.
"Ma'am, are you sure? Baka magugutom na naman kayo mamaya" sabi ni Linda.
"Kung ayaw mo ako nalang ang magbibigay niyan" sabi ni Nash. Biglang tumunog yung doorbell nila, bubuksan na sana ng isa sa mga katulong nila yung pinto kaya lang pinigilan ito ni Nash, sinabi nitong siya nalang ang magbubukas at pumayag naman yung katulong. Pagbukas ni Nash ay tumambad naman ang masiglang mukha ng kanyang best friend na si Sophia.
Sophia Lopez: Imagine she is the girl of Twice, Hirai Momo of Twice. Also known as 'SOPHIE' Nash's best friend, 17 years old. Mahilig itong magpaganda kaya madami siyang manliligaw pero wala siyang sinagot kahit isa, hindi niya kasi type ang mga boys. Siya yung palaging nagtatanggol kay Nash.
👩👩👩👩👩👩👩👩👩👩👩👩"Hi Best friend!" Sabi ni Sophia habang nakangiti ng malaki, kapag nakita niya kasi ang best friend niya kumpleto na agad yung araw niya, tanging yung best friend niya lang ang makakapagpasaya sa kanya.
"Oi! Sophie! Nandito ka pala, tara pasok ka, buti nandito ka para naman may kausap ako mahirap ng mapag-isa" sabi ni Nash na parang nagmakaawa yung tuno sa huli.
"Aaw~ hindi ko naman hahayaang magiging lonely ang best friend ko" sabi ni Sophia at sabay tingin sa paligid.
"Bakit?" Sabi ni Nash.
"Nandito ba ang kuya mo?" Tanong ni Sophia.
"Wala, alam mo na. Nandun siya sa barkada niyang mga gangsters" sabi ni Nash.
"Buti naman" sabi ni Sophia at agad namang tinignan ni Nash si Sophia "I mean, buti naman wala siya. Alam mo na boy siya, hindi ako comfortable kapag may boy sa bahay na to" pagpapaliwanag nito.
"Alam ko naman yan" sabi ni Nash at biglang bumukas yung pinto. Nakita nila ang Kuya ni Nash at ang mga barkada nito papasok ng bahay.
"Kung makapasok ng bahay ang yabang din" bulong ni Nash.
"Oo nga, at syaka yung mga kaibigan niya" bulong ni Sophia. Napatingin si Keilvin sa dalawa kung bakit tinignan sila nito ng nagkasalubong yung kilay.
Keilvin Fujiwara: Imagine he is the boy of EXO, he is Byun Baekhyun of EXO. Isa siya sa myembro ng EXO, 19 years old at brother ni Nash. Hindi magkakasundo yung dalawang magkapatid dahil sa ayaw nila sa isa't-isa.
👦👦👦👦👦👦👦👦👦👦👦👦"Why are you looking?" Sabi ni Keilvin sa dalawa.
"Bakit, masama bang tumingin?" Sabi ni Sophia.
"Matapang ka ah, bahay mo ba to?" Sabi ni Keilvin.
"Kuya tama na! Wala kang respeto sa bisita ko!" Inis na sabi ni Nash sa kapatid.
"Bakit yan may respeto?" Sabi ni Keilvin at pinuntahan yung dalawa "alis dyan" dagdag nito dahilan kung bakit napaalis yung dalawa.
Sana kapag nasa labanan kayo sasabog yang mukha mo!
To be continued :)
👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇•Yung sa EXO, yung mga EXO-K lang ang ipinalabas ko sa story na to. Sorry sa mga EXO-M lovers dyan, ✌✌ tayo 😁😁•
BINABASA MO ANG
Haters Gonna Hate (V Fanfic)
RomanceHi! I'm Nash Sandra Martinez, 17 years old. Isa akong Weird na babae, makulit, palaging bully, at iba pa. Basta ipinanganak akong malas. Tanging si Sophia lang ang tagapagligtas sakin sakaling may nag-aapi sakin, 17 years old din siya, siya lang yun...