Matapos ang klase ni Nash ay sinabihan niya si Sophia na mauna nalang ito sa pag-uwi dahil kukunin siya ni Bryan sa classroom, umupo muna si Nash sa classroom ng mag-isa dahil hinintay niya talaga si Bryan, makalipas ang ilang minuto ay wala pa si Bryan kaya napag-isipan niyang pumunto sa SSB, kinuha niya ang kanyang bag at lumabas ng classroom. Biglang nagtitilian ang mga estudyante at nakita niya ang kanyang kuya na si Bryan, napangiti nalang ito habang tinignan ang kanyang kuya na naglalakad.
"Let's go..hindi alam ni mommy na pupunta ka ng mansion" nakangiting sabi ni Bryan, nginitian din siya ni Nash.
"Let's surprising with her" sabi ni Nash habang nakangiti. Kumunot and noo ni Bryan.
"Ano?" Sabi ni Bryan, ngumisi si Nash.
"Sorry, me not good with english" sabi ni Nash, ngumiti naman si Bryan.
"No need to speak english, tara" sabi ni Bryan at sumakay na sila ng sasakyan.
"At the mansion, please" sabi ni Bryan sa driver.
"May sarili ka din palang driver Kuya" sabi ni Nash. Tinignan siya ni Bryan.
"Nash, is it okay with you kung dun ka na tumira sa mansion?" Seryosong sabi ni Bryan. Tinignan siya ni Nash habang hinimas-himas yung buhok.
"Seryoso ka kuya?" Sabi ni Nash.
"Oo naman, kung pwede ako ang magpapaalam sa nagsisilbing mommy mo ngayon" sabi ni Bryan.
"Wag, sa totoo lang sinabihan ko na si mommy tungkol dyan at pumayag naman siya, kung saan ko daw gusto" nakangiting sabi ni Nash.
"That's good to hear" sabi ni Bryan at tumingin naman si Nash kay Bryan dahil sa english nito..
"Oh! Walang english pala" sabi ni Bryan.
Makalipas ang ilang minuto ay nandito na sila sa mansion. Napabukas ang baba ni Nash sa nakita niyang malaking mansion na nasa harap niya ngayon.
Mas maganda pa 'to sa amin ah.
Sabi ni Nash sa kanyang isipan.Pumasok na sila sa loob.
"Tawagin mo si mommy, sabihin mo may bisita siya" utos ni Bryan sa isa sa kanilang maid na nasa pintuan.
"Opo" sabi naman nito at pinuntahan si Ayesha sa kwarto nito.
Umiiyak ngayon si Ayesha dahil sabik na sabik na siyang makita ang kanyang bunsong anak na babae. Biglang kumatok yung maid nila.
"Ma'am, bumaba po kayo, may naghihintay po sa inyo na isang bisita" sabi nung maid at agad naman na pinunasan ni Ayesha ang kanyang luha. Tumingin muna ito sa salamin para tignan kung halata bang umiyak ito pagkatapos ay bumaba na.
"Umupo ka muna dito, aantayin lang natin si mommy na bumaba" sabi ni Bryan at umupo si Nash sa isang malaking sofa. Bumaba na si Ayesha at nakita naman ito ni Nash kaagad.
Pagbaba ni Ayesha ay napatingin siya kay Nash at agad na lumabas ang luha sa kanyang mga mata.
"Dinala ko po siya dito para makita niyo siya, ito na po ang hinahanap niyo" sabi ni Bryan at pumunta si Ayesha sa harap ni Nash at hinawakan ang pisngi nito habang umiiyak.
"Anak" sabi ni Ayesha.
"Mommy" sabi ni Nash habang pinigilan niya ang kanyang luha. Nagyakapan silang dalawa. Masaya naman ngayon si Ayesha dahil tinawag siya ni Nash ng Mommy, natatakot kasi ito na baka magalit ang kanyang anak at hindi siya kilalaning magulang nito.
"Wala ka bang nararamdamang galit ngayon Anak?" Sabi ni Ayesha.
"Sa totoo lang, masayang-masaya po ako dahil nakita ko na po kayo. Sabik na sabik ko na po kayong mayakap at mahawakan" sabi ni Nash.
"Nash, wag ka na ulit lumayo sakin ah. Sorry kung pinamigay kita noon, hindiㅡ" pinutol ni Ayesha ang kanyang pagsasalita dahil nagsalita na si Nash.
"Wala kang dapat ipaliwanag mommy dahil alam ko na ang lahat. Maayos naman ang pag-aalaga sakin ni mommy Breana" sabi ni Nash.
"Pwede bang dito ka nalang? Wag mo na akong iwan" sabi ni Ayesha.
"Gagawin ko po ang gusto niyo, okay lang po si mommy dun" sabi ni Nash dahilan kung bakit napangiti ng malaki ni Ayesha.
"Thank you Bryan, hinanap mo talaga siya" sabi ni Ayesha.
"No need to say that mom, ginawa ko din yan dahil sabik ko ng makasama siya at alam ko din na sabik mo na din makita at makasama siya kaya wala na tayong problema ngayon, okay na" sabi ni Bryan habang nakangiti "Makulit yan sa school" dagdag pa nito.
"Kuya naman, hindi kaya" sabi ni Nash at nagtatawanan sila bigla.
To be continued :)
BINABASA MO ANG
Haters Gonna Hate (V Fanfic)
RomanceHi! I'm Nash Sandra Martinez, 17 years old. Isa akong Weird na babae, makulit, palaging bully, at iba pa. Basta ipinanganak akong malas. Tanging si Sophia lang ang tagapagligtas sakin sakaling may nag-aapi sakin, 17 years old din siya, siya lang yun...