Umuwi muna si Nash sa mansion at agad naman siyang sinalubong ng mga katulong. Titig na titig yung mga katulong sa mukha ni Nash.
"Ma'am Nash, ikaw po ba yan?" Sabi ng isang katulong. Tumingin si Nash sa kanya.
"Oo, don't worry ako parin ito" sabi ni Nash at pumasok na sa loob. Tamang-tama ay nagkasalubong sila ni Keilvin, nabigla si Keilvin sa kanyang nakita.
"Sino ka?! Bakit ka nakapasok dito? Guard! Guard!" Tawag ni Keilvin sa Guard at agad namang pumunta yung dalawang Guard sa gilid ni Keilvin.
"Sir" sabi nila.
"Hulihin niyo yan, magnanakaw yata yan eh!" Sabi ni Keilvin.
"Ang acting mo kuya, ako lang to si Nash" sabi ni ni Nash.
"Nash?" Sabi ni Keilvin sabay hawak kay Nash "Ikaw nga" sabi nito at tumingin sa nga Guard "Balik sa trabaho" kalmadong sabi ni Keilvin at umalis na yung dalawang Guards na tinawag niya.
"Bakit ganyan na ang itsura mo? Hindi kapani-paniwala. Sinong may gawa sayo niyan?" Sabi ni Keilvin.
"Keilvin, aalis muna akoㅡ" naputol ni Breana ang kanyang pananalita ng makita niya si Nash.
"Keilvin! Diba sabi ko sayo wag kang magdala ng kung sinong babae dito sa mansion?!" Galit na sabi ni Breana.
"Mom" sabi ni Nash at nagkasalubong ang dalawang kilay ni Breana ng marinig ito si Nash.
"Mommy naman, ako ito, si Nash" sabi ni Nash.
"Nash anak?" Sabi ni Breana.
"Oo" sabi ni Nash.
"Ano bang nangyari sayo, bakit...bakit ganyan ka? Ikaw ba talaga yan? Nagpapanggap ka lang siguro?" Sabi ni Breana na hindi parin nakapaniwala sa kanyang nakita ngayon.
"Mommy naman eh, hindi lang ako nakauwi kagabi hindi na agad makapaniwala eh. Nagpatulong ako sa kaibigan ko na magtransform, so ito ako ngayon" masayang sabi ni Nash.
"Hindi ka nagpa-plastic surgery or ano?" Sabi ni Keilvin.
"Hindi, wala.. Mukha ko ito" sabi ni Nash.
BINABASA MO ANG
Haters Gonna Hate (V Fanfic)
RomanceHi! I'm Nash Sandra Martinez, 17 years old. Isa akong Weird na babae, makulit, palaging bully, at iba pa. Basta ipinanganak akong malas. Tanging si Sophia lang ang tagapagligtas sakin sakaling may nag-aapi sakin, 17 years old din siya, siya lang yun...