Habang naglalakad sa hallway ay hindi maiwasan ni Nash ang mga tingin ng mga estudyante sa kanya.
Ito na naman.
Sabi niya sa kanyang isipan.Umiwas lang sila ng mga tingin nang papalapit si Sophia sa kanya habang nakangiti.
"Good morning Nash" sabi nito sabay ngisi.
"Oh! Ano ba yang ngiti na yan?" Sabi ni Nash.
"Bakit? Masama bang ngumiti kapag nakita ko ang best friend ko?" Sabi ni Sophia.
"Ang sweet mo talaga kahit kailan" nakangiting sabi ni Nash.
"Kailan pa ba ako hindi nagiging sweet sayo?" Sabi ni Sophia. Biglang tumunog yung bell dahilan kung bakit nanlaki ang mata nung dalawa.
"PAKTAY NA!" sabi nung dalawa habang nanlaki ang mga mata. Dali-dali silang tumakbo papunta sa flag ceremony pero huli na ang lahat, nahuli sila sa flag ceremony. Napahawak si Sophia sa kanyang noo habang nagmamadali namang huminga ni Nash dahil sa kanilang pagtakbo.
"Sigurado akong hahanapin tayo ng BTS" sabi ni Sophia na may halong kaba. Napatingin si Nash sa kanya habang kakaiba yung ngiti.
Tumingin naman si Sophia sa kanya na parang hindi alam yung ibig sabihin ng pagngiti ni Nash.
"What's up with that smile?" Sabi ni Sophia at tumingin naman sa langit si Nash.
"May smile ba sa taas?" Sabi ni Nash.
"Hayst!" Napakamot ng ulo si Sophia "I mean, bakit ganyan ang ngiti mo?" Dagdag nito. Ngumiti na naman ito.
"Sophie, tara" sabi nito habang nakangiti.
"Anong tara?" Sabi ni Sophia habang magkasalubong ang dalawang kilay.
"Takas tayo para hindi tayo mahanap ng BTS" sabi ni Nash habang nakangiti pa rin.
"Anong tatakas? Wag ah baka magalit si Dhwight satin, ang kailangan lang nating gawin ngayon ay kumalma at humarap sa kanila tapos magpaliwanag, yun lang" sabi ni Sophia.
"Hayst! Nakakainis talaga yang Dhwight na yan" sabi ni Nash habang nakasimangot.
"Bakit?" Sabi ni Sophia.
"Basta, hindi ko maipaliwanag. Gusto ko siyang sipain sa mukha ng malakas na malakas, yun bang masisira talaga yung mukha niya" sabi ni Nash. Ngumiti na lang si Sophia. Pagkatapos ng flag ng mga estudyante ay naghiwalay muna sila dahil papasok na sila sa kanilang mga classroom.
"Magkita nalang tayo mamaya" sabi ni Sophia sabay ngiti.
"Okay, ingat ka" sabi ni Nash at lumakad na papalayo para pumunta sa kanyang classroom.
Habang magsisimulang magdiscuss ang professor nila Nash ay may narinig siyang tili sa unang kwarto, dahil dun ay napatingin sa bintana yung mga classmates niya at hinihintay ang BTS dahil alam nilang sila yun. Nanlaki ang mga mata ni Nash ng huminto ito sa harapan ng kanilang classroom.
BINABASA MO ANG
Haters Gonna Hate (V Fanfic)
DragosteHi! I'm Nash Sandra Martinez, 17 years old. Isa akong Weird na babae, makulit, palaging bully, at iba pa. Basta ipinanganak akong malas. Tanging si Sophia lang ang tagapagligtas sakin sakaling may nag-aapi sakin, 17 years old din siya, siya lang yun...