"Wag ka na munang pumasok ngayon Nash, grabe ang lakas ng ulan pati na yung hangin" sabi ni Bryan habang tumitingin sa labas ng bintana.
"Para yun lang Kuya? Mas gustohin ko pa nga maligo kaysa pumasok eh" sabi ni Nash.
"Just stay here, wag ka nalang pumasok" sabi ni Bryan.
"Pero kuya paano yung record ko sa school?" Sabi ni Nash.
"Si Dhwight na bahala dun, yun din ang utos niya sakin na wag ka munang papasukin" sabi ni Bryan.
"Utos? So siya ang nag-utos sayo na wag akong papasukin? At bakit niya naman nagawang wag akong papasukin?" Sabi ni Nash habang magkasalubong ang mga kilay.
"Um...eh... Basta, makinig ka nalang sakin okay? Ipapaliwanag ko sayo pagbalik ko dito" sabi ni Bryan, dahil dun ay nagsimulang tumibok ang puso ni Nash dahil sa kaba.
"Kuya, ano ba talagang nangyari ngayon?" Sabi ni Nash.
"Nash, nagmamadali ako wala na akong oras para ipaliwanag sayo" sabi ni Bryan.
"Kuya, sabihin mo na sakin para maprotektahan ko ang sarili ko" sabi ni Nash habang hinawakan ang braso ni Bryan, tinignan siya ni Bryan ng seryoso ang mukha.
"Sumunod ka nalang sakin para hindi ka mapahamak. Wag kang pumasok ngayon dahil sumugod ang GOT7 at posibleng may gagawin silang masama sa school kaya wag matigas ang ulo okay? Ayokong mapahamak ka" sabi ni Bryan, dahil dun ay hindi nakapagsalita si Nash at sinunod nalang ang utos ng kanyang Kuya. Naalala niya bigla ang kanyang best friend.
Paano si Sophia?
Paalis na sana si Bryan pero tinawag siya bigla ni Nash.
"Kuya" sabi ni Nash at napaharap si Bryan at tinignan ang kapatid. "Si Sophia" sabi nito.
"Don't worry, hindi siya pinapasok ni Jimin" sabi ni Bryan at umalis na.
Nakatanggap ng tawag si Dhwight galing sa isang lalake kaya agad naman itong pumunta sa isang lugar kung saan walang tao at tahimik. Hindi siya nagdala ng mga kagrupo niya at tanging siya lang ang pumunta.
"Saan si Dhwight?" Sabi ni Bryan pagpasok sa SSB.
"Umalis muna siya, hindi tayo pinasama eh" sabi ni Jimin.
"Si Nash, hindi mo ba siya pinapasok?" Nakangiting sabi ni Tyron at sinulyapan lang siya ni Bryan..
"T*ngina mo! Nagawa mo pang ngumiti eh delikado na ang sitwasyon ngayon" sabi ni Jimin sabay hampas sa ulo ni Tyron.
"All we need to do is be ready" sabi ni Aaron. Si Aaron muna ang substitute leader nila dahil wala si Dhwight.
"Nagsimula na silang umatake" sabi ni Alden. Klarong-klaro sa mukha ng BTS na inis na inis na sila dahil madami pang kalokohan ang gagawin ang GOT7 bago sila harapin nito.
"D*mn it!" Napasuntok si Alden sa pader.
Habang naglalakad papasok sa lumang buhay na walang bubong ay biglang tumawag na naman yung lalake.
"Nandito na ako! Saan ka ba?! Ang dami mong palabas dyan! Harapin mo ako! Lumabas ka!" Galit na sabi ni Dhwight. Tumawa lang yung nasa kabilang linya.
"Chill! Lalabas na nga, ito na" sabi nito.
"Psst!"
Humarap si Dhwight sa kanyang likuran para tignan yung lalakeng palaging tumatawag sa kanya.
"Kamusta, munting kaibigan?" Sabi ni Jackson. Kumunot ang noo ni Dhwight ng makita niya ulit ito.
"Ano, nakahanda na ba yang skwelahan mo?" Sabi ni Jackson.
"Wag mo akong paabutin dyan kung gusto mo pa makarating sa leader mo ng buhay! Sabihin mo na ang dapat mong sabihin!" Sabi ni Dhwight.
"Well, may nagtanim lang naman ng kami ng bomba sa paaralan mo pero, parang sa gilid lang din" nakangiting sabi ni Jackson. Susugurin niya nasa si Jackson pero may dalawang lalaking nakaharang sa kanya. Dahil dun ay nakilala na agad ni Dhwight yung dalawang lalake na nasa harap niya ngayon.
Inis na tinignan ni Dhwight ang mga ito. Linapitan siya ni Jackson sabay bulong kay Dhwight."Mag-isa ka lang, tatlo kami. Paghandaan mo na ang buhay mo" sabi ni Jackson at dahil sa inis ni Dhwight at hinablot niya agad ang kwelyo ni Jackson, tinignan lang siya ni Jackson na parang mayabang parin.
"Kaya ko kayong kataubin isa-isa" sabi ni Dhwight. Inihagis ni Dhwight si Jackson papalayo.
"Let' go!" Sabi ni Dhwight dahilan kung bakit kumunot ang noo ni Jackson dahil hindi niya maintindihan kung anong sinabi ni Dhwight. Biglang lumabas ang BTS, nanlaki naman ang mga mata ni Jackson, Mark, at Bambam. May linagay kasing maliit na recorder si Dhwight sa jacket niya kaya marinig ng BTS ang lahat ng pinag-usapan nito.
"Sophia, sigurado ka bang walang masamang mangyari kay Kuya?" Sabi ni Nash, hindi ito mapakali dahil sa kalagayan ng kanyang Kuya na nakikipaglaban ngayon sa GOT7.
"Ano ka ba Nash, umupo ka nga dito, ako ang nahihilo sayo eh" sabi ni Sophia habang hinila ang braso ni Nash para mapaupo ito.
"Sophie hindi talaga ako mapakali kay Kuya eh" sabi ni Nash. Binigyan ni Sophia ng phone si Nash.
"Tawagan mo" sabi ni Sophia kaya agad naman itong kinuha ni Nash at tinawagan ang kanyang Kuya. Hindi ito sinagot ng kanyang Kuya kaya mas lalong kinabahan si Nash.
Kuya wag naman ganun, alam mo namang hindi ako sanay na mapaaway ka eh. Okay lang kung si Dhwight lang yung masaktan, wag lang ikaw please. Ingatan mo ang sarili mo.
To be continued :)
BINABASA MO ANG
Haters Gonna Hate (V Fanfic)
Storie d'amoreHi! I'm Nash Sandra Martinez, 17 years old. Isa akong Weird na babae, makulit, palaging bully, at iba pa. Basta ipinanganak akong malas. Tanging si Sophia lang ang tagapagligtas sakin sakaling may nag-aapi sakin, 17 years old din siya, siya lang yun...