Dahil sa sinabi ni Dhwight ay napangiti si Sophia, nakaramdam naman ng kaba si Nash dahil sa mukha niya.
"Sophie! Ano bang nginingiti-ngiti mo dyan? Tulungan mo akong i-reject yung sinabi ni Dhwight! Halika hanggat nakikita pa natin sila" sabi ni Nash at hinila ni Sophia. Sinadya ni Sophia na hinaan ang pagkilos nito para hindi nila masundan ang BTS.
"Wala na, hindi na natin sila nakita kaya hindi mo na sila mahahabol" sabi ni Sophia sabay ngiti.
"Aaarggh! Nakakainis ka din minsan eh noh?" Sabi ni Nash sabay padyak sa kanyang paa na parang bata, ngumiti ng todo si Sophia.
"I'm sure hindi ka na maiinis sakin pagkatapos ng gagawin ko sayo, tara!" Sabi ni Sophia at hinila ang kamay ni Nash.
"Hoy! Saan mo ako dadalhin" sabi ni Nash at hindi sumagot si Sophia, sumakay nalang sila sa sasakyan at pumunta sa bahay ni Sophia.
Nandito na sila sa bahay ni Sophia.
"Anong gagawin natin dito?" Sabi ni Nash.
"Akong bahala, halika pasok" sabi ni Sophia habang nakangisi. Pumasok na nga si Nash ng mansion ng LOPEZ.. Nasa living room nila ang mommy ni Sophia.
"Hi mom" sabi ni Sophia at humalik sa pisngi ng kanyang ina, dahil dun ay naalala ni Nash ang kanyang totoong ina.
"Ito nga pala ang sinasabi ko sa inyo mom, si Nash my one and only best friend" sabi ni Sophia habang nakangiti pa rin.
"Magandang gabi po sa inyo" sabi ni Nash sabay mano.
"So, ikaw pala ang palaging kinukwento sakin ng anak ko" sabi ni Veina na pangalan ng mommy ni Sophia.
"Um.. Mom, Prom Date namin bukas" sabi ni Sophia.
"Oh tapos?" Sabi ni Veina.
"Gusto ko lang po sana baguhin yung mukha ni Nash" walang hiyang sabi nito sa ina. Nabigla si Nash sa kanyang narinig.
"Sophia, wag na! Kaya pala pinapunta mo akoㅡ" naputol ni Nash ang kanyang sasabihin ng biglang nagsalita si Veina.
"Sure" sabi nito at tumingin kay Nash "She must be beautiful" dagdag nito habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Haters Gonna Hate (V Fanfic)
RomanceHi! I'm Nash Sandra Martinez, 17 years old. Isa akong Weird na babae, makulit, palaging bully, at iba pa. Basta ipinanganak akong malas. Tanging si Sophia lang ang tagapagligtas sakin sakaling may nag-aapi sakin, 17 years old din siya, siya lang yun...