Makalipas ang ilang oras ay umalis na ang dalawang magkaibigan sa canteen.
"Sophie, mauna ka nalang muna ah pupunta pa ako sa SSB" sabi ni Nash.
"Magingat ka Nash, be strong" sabi ni Sophia.
"Ito naman, parang saan lang ako eh. Haharapin ko lang ang mga Mokong este ang mga BTS pala" sabi ni Nash habang ngumisi. Nginitian siya ni Sophia.
"Okay, sabihan mo nalang ako bukas kung anong nangyari" sabi ni Sophia habang ngumiti at tumalikod na para umalis.
Nagsimula ng lumakad ni Nash para pumunta sa SSB.

Klarong-klaro na ni Nash ang Building kung saan nandun ang BTS. Agad naman siyang pumasok dun para makauwi na siya ng maaga. Habang nasa loob na ng building ay napaisip siya dahil sa madaming saradong pinto ang nandun at hindi niya alam ang office kung saan ang BTS.

Saan ba dito?
Sabi niya sa kanyang isipan.Natagalan siya ng pagpasok dahil paikot-ikot pa siyang nagmasid, hinintay niya ang mga taong pumasok at umalis dun sa mga office, napasandal siya sa pader. Makalipas ang ilang oras ay nagsimula na naman siya umikot..
"Di bale na nga, papasok nalang ako sa second door" sabi nito at binuksan ang pinto. Hindi siya nagkamali ng pinasukan dahil pagpasok niya ay agad niyang nakita ang nakasandal na malaking larawan sa pader.

Hindi niya nakita ang BTS dahil hindi pa siya tuluyang nakapasok. Nakita siya ni Tyron kaya napangiti ito at hinila si Nash papasok."Nandito na si Crush" sabi ni Tyron habang nakangisi. Nakita niya ang BTS na kanya-kanya ang ginawa. Si Brent ay nakatingin sa salamin habang inaayos yung buhok, si Alden at Kurt ay may nilaro, si Aaron naman ay nakatingin lang sa kanila habang si Dhwight ay nakatingin kay Nash.
"Bakit mo ako pinapunta dito?" Mahinang sabi ni Nash at napahinto sa ginagawa yung lahat. Tinignan ni Dhwight si Kurt.
"Tawagin mo si Bryan" malamig na sabi nito at agad naman na kumilos si Kurt para tawagin si Bryan sa kwarto nito.
"May dapat kang malaman" sabi ni Dhwight.
BINABASA MO ANG
Haters Gonna Hate (V Fanfic)
RomanceHi! I'm Nash Sandra Martinez, 17 years old. Isa akong Weird na babae, makulit, palaging bully, at iba pa. Basta ipinanganak akong malas. Tanging si Sophia lang ang tagapagligtas sakin sakaling may nag-aapi sakin, 17 years old din siya, siya lang yun...