--- Continuation of Flashback ---MIKA
"Ang ganda-ganda talaga ng anak ko!", my mother exclaimed as she looked at me from head to toe.
"Syempre naman, Ma. Kanino pa po ba magmamana, diba?", I replied with a smile.
It's the night of Athlete's Ball. This is already my fourth time pero ewan ko ba kung bakit ngayon pa ako kinabahan. Ang nagbago lang naman eh yung fact na UAAP season starter na siya. In the previous years kasi, hinohold nila 'tong event kapag natapos na lahat ng sports.
Ay, may isa pa palang change. May date ako this year.
Na hindi ko rin maintindihan kung bakit. Bakit all of a sudden, inaya akong maging date ni Jeron. Dahil ba this year lang kami naging friends talaga? I mean, matagal naman na kaming close nun. Yun nga lang, we were more of enemies than friends.
"Ma! Mika! Nandito na si Jeron! Hindi pa ba kayo tapos diyan?", I heard my father shout from downstairs.
"O andyan na pala date mo, anak. Halika na.", Mama said as she handed me my purse.
"Pababa na po!", I shouted back.
Nasa hagdan pa lang ako nung nakita ko si Jeron na nakaupo sa sofa namin. He was smiling while sharing a conversation with my father. Kung di ko lang kilala 'to, iisipin kong mukha siyang manliligaw ngayon eh.
Papa stood up when he noticed us and of course he said the same thing my mother told me earlier. Naha-hype na po ang ganda ko, charot.
"At talagang damit pa lang, eh partner na kayo ni Jeron ah!", dagdag pa ni Papa.
"Eh itanong niyo po diyan sa magaling niyong inaanak.", sagot ko.
Jeron chuckled and turned to me.
"You look really stunning tonight, Ye.", he said.
"Ikaw rin. Mukha kang tao ngayon."
"Mika!", sita sakin ni Mama.
"Joke lang po."
Pero ang totoo, head turner naman talaga 'tong si Jeron. Hindi lang naman siya King Archer dahil siya yung team captain, or dahil magaling siyang mag-basketball. He's also a guy who would make girls wish na para sa kanila yung mga mid-range jump shots niya. Sandamakmak kaya fangirls nito.
"Don't worry, Tita. Sanay na po ako kay Mika.", Jeron answered.
Tch, forever pa-good shot talaga 'to sa mga magulang ko.
"Sige na. Umalis na kayo at baka abutan pa kayo ng traffic", sabi ni Mama habang naglalakad kami papunta sa pinto.
"Ay teka!", she suddenly exclaimed.
"Bakit po, Ma?"
"Picture muna kayo, dali!"
Akala ko naman kung ano. Mababaliw ako sa trip ni Mama.
Jeron and I stopped by our front door as my parents stood across us.
"Ok, 1, 2, 3, smile!"
"Closer naman! Parang di kayo sabay lumaki nyan eh.", kantiyaw ng tatay ko.
Hay grabe.
BINABASA MO ANG
21 Minutes
FanfictionThe fun and sporty couple lets us in on their love story. Starring: Jeron Teng & Mika Reyes Start Date: June 28, 2016 End Date: October 12, 2017