--- Continuation of Flashback ---MIKA
"Salamat sa paghatid.", I told Jeron as he pulled over in front of our house.
"Thanks sa pagpayag.", he replied with a smile before getting off.
Jeron opened the car door on my side and walked me to our gate.
In-unlock ko yung gate at papasok na nang mapansin kong nakasunod pa rin siya sa akin.
"Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?", tanong ko.
"Nagtext na ako kay Mommy. Mag-mamano lang ako sa parents mo tapos alis na rin ako.", he informed.
I wasn't able to do anything but nod my head and let him in.
The walk to our front door was quiet, but it was a comfortable kind of silence.
Pagbukas ko ng pinto, naabutan namin sina Mama at Papa na nagkkwentuhan sa sala. Lumapit kami agad para magmano.
"O Jeron. Salamat sa paghatid mo dito sa dalaga namin ah.", sabi ng Papa ko.
"No problem po Ninong. Sige po, una na po ako. Tita Baby.", he acknowledged both my parents before turning to me.
"Sabay na tayo bukas, Ye. Same time naman first class natin."
"Ay, wag na. Ihahatid naman ako ni Kuya Jojo.", I declined.
"Naku, anak. May lakad pala kami ng Papa mo bukas. Baka di ka na maihatid ni Jo.", biglang sabi ni Mama bago siya tumingin kay Jeron.
"Jeron, ok lang bang isabay mo ulit si Mika?", paalam ng nanay ko.
"Of course, Tita.", Jeron immediately responded.
"I'll pick you up at seven.", he told me before finally leaving our house.
As soon as he left, my mother pulled me to sit on the couch.
"Kumusta ka anak? Ginabi ka yata. Nag-dinner date ba kayo ni Jeron?", sunud-sunod niyang sabi.
"Ma. Saan naman po galing yan? Ginabi po kami dahil sa traffic. At opo, nag-dinner po kami pero hindi naman po date yun. Kasama po namin sina Ara at Thomas.", I explained.
"Ah, better! Nag-double date pala kayo!", kilig na sabi ng nanay ko.
Mapapa-kamot ulo na lang talaga ako. Hay grabe.
"Pagpasensiyahan mo na yang Mama mo anak kung mas excited pa sayo. Unang manliligaw ba namang umakyat dito sa bahay."
Nagulat ako sa sinabi ni Papa.
"P-po??? Manliligaw???"
Shoot. Nakarating kaya sa kanila yung nangyari sa Athlete's Ball? Pero malabo yun. Unless kinwento ni Jeron sa Mommy niya at kinwento ni Tita Susan kay Mama.
Hay, mababaliw yata ako.
"Nagpaalam sa amin si Jeron na liligawan ka nga niya. Siguro naman nasabi na niya sayo?", tanong ni Papa.
"Uhm, opo."
Bakit ba oo lang ako ng oo ngayong araw? Ang totoo hindi naman talaga ako sure. Malay ko ba kung seryoso yun.
"Basta anak. Kung kami lang ng Papa mo eh botong-boto kami sa batang yon. Pero siyempre, ikaw pa rin ang masusunod. Susuportahan ka namin sa anumang desisyon mo. I-promise mo lang na wag mong kalilimutan ang priorities ah.", my mother reminded.
BINABASA MO ANG
21 Minutes
FanfictionThe fun and sporty couple lets us in on their love story. Starring: Jeron Teng & Mika Reyes Start Date: June 28, 2016 End Date: October 12, 2017