Ilang daang taon na ang nakalipas ngunit tila hindi natatapos ang digmaan sa mundo ng Encantadia. Marami na ang nagbuwis ng buhay para sa kapayapaan ng buong kalupaan; mga magulang na nawalan ng mga anak, mga anak na naulila, mga asawang nawalan ng kabiyak, at mga kaharian na nalagasan ng hukbo.
Ngunit sa gitna ng kaguluhan ay isinilang ang dalawang sanggol na nakatadhanang tapusin ang kadilimang matagal nang namamayani sa Encatandia at ang kasamaan na ipinalaganap ng mga hathor, sa pamumuno ni Hagorn. Magkaiba man ang lahi ay pinagdugtong na ng kapalaran ang kanilang mga palad, ganyun narin ang kanilang mga puso. Sila Amihan ng Lireo at Ybrahim ng Sapiro, kapwa mga dugong bughaw ang siyang nakatakdang maging tagapagligtas ng buong encantadia.
Sa isang parte ng lupain ay ang isang napakagandang hardin ni Cassiopeia, ang kauna-unahang Hara (Reyna) ng Lireo (Kaharian ng mga diwata). May ipinakita ang kanayang balintataw, isang propisiya na siyang magpapabago ng buhay ng mga mamamayan ng encantadia.
Sa gitna ng digmaay tatlong lahiy magsasanib, dalawang pusoy magiging isa. Kapayapaan ang mananaig sa buong kalupaan ngunit wagas na pag-ibig ay sadyang di itinakda. Sabi ni Cassiopea habang lumiliwanag ang kanyang noo. Tumingin siya sa batis ng katotohanan at pinagmasdan ang dalawang sanggol na karga ng kanilang mga ina.
*
*
Handa na ang lahat mahal na hari pangbungad na salita ni Raquim, sa kanyang kapatid na Hari- si Armeo.
Ngumiti ang hari sa kanyang mag-ina, at hinalikan ang kanyang munting Rehav Ybrahim. E Correi Diu aking anak nakangiti nitong sabi. Nang dumapo ang kanyang tingin sa Madea (reyna) ng sapiro ay nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Aking mahal na asawa, ano man ang kahanatnan ng digmaan ito, lagi mong tatandaan, Mahal na mahal kita. Ikaw at si Ybrahim ang aking buhay at saka nito hinalikan sa noo ang asawa.
E correi dei diu Armeo. Mag-iingat ka maluha-luhang pahayag ng reyna. Matapos ngumiti sa huling pagkakataon ang hari ay umalis na ang mga ito upang sumuong sa panibagong digmaan laban sa mga hathor.
*
*
*
Nagdarasal si Ynang Reyna Mine-a kay bathalang Emre nang pumasok si pinunong imaw sa silid. Avisala Mahal na Reyna bati ng pinuno ng mga adamyan. Ngumiti man ay bakas parin sa mukha ng reyna ang pag-aalala sa mga kapanalig na sumuong sa digmaan.
May balita na ba ukol sa digmaan nunong imaw? tanong nito. Sinabi naman ni Imaw na dumating na ang Prinsipe Raquim mula sa digmaan kasama ang ilang sapiryan. Kaya naman kaagad nagtungo ang reyna sa bulwagan ng Lireo upang salubungin ang Rehav ng sapiro.
Nang makita niya na parating ang rehav ay kahit papaano nakahinga si Mine-a ng maluwag. reyna mine-a pangbungad ng prinsipe Buhay ng aking pamilya ang naging kapalit ng mga ito. Nawa ay pangalagaan mo ang mga brilyanteng ito ibinuka ni Raquim ang kanyang palad at tsaka ito nagliwanag ng lumabas ang tatlong brilyante. Ang brilyante ng Lupa, Tubig, at Apoy.
Hindi ko ito matatanggap Prinsipe Raquim panimula ni Mine-a ngunit nagsalita si Pinunong Imaw.
Mahal na reyna tanggapin mo ang mga brilyanteng ito. Sapagkat mas magiging ligtas ang mga ito sa pangangalaga ng mga diwata panandaliang nag-isip ang reyna at saka nito inilahad ang kanyang palad. Isa-isang lumipat ang brilyante sa kanya hanggang sa makumpleto ang apat na brilyante ng Encantadia sa kanyang pangagalaga.
Avisala Eshma Hara Mine-a, kung mamarapatin ninyo, kami ay magbabalik na sa Sapiro sabi ng rehav na akmang aalis na, ngunit pinigilan siya ni Mine-a ng itoy magsalita.
Hindi mo ba nais makita ang iyong anak na si Amihan? napalingon si Raquim sa sinabi ng reyna, at nakita niya ang isang dama na iniaabot kay Mine-a ang isang sanggol. Hawakan mo ang iyong anak, nang iyong makita ang taglay niyang kagandahan nakangiting sabi ni Mine-a.
Nang mahawakan ni Raquim ang anak ay tila tumigil ang kanyang mundo. Nawalan man ako ng pamilya, dumating ka naman sa aking buhay mahal kong Sanggre; mahal kong anak. Mula ngayon ay ikaw na ang aking mundo at akoy iyong magiging tagapagtanggol habang akoy nabubuhay nakangiting sabi ni Raquim sa anak at hinalikan ito sa noo.
*
*
*
Habang nahihimbing si Mine-a noong gabing iyon ay nagpakita sa kanya si Cassiopea Kailangan mo ilayo ang iyong anak sa Encantadia Mine-a. Sapagkat marami ang magtatangka sa buhay ng iyong anak na si Amihan dahil siya ang nakatakdang magpalaganap ng kapayapaan sa ating mundo. Dalhin mo siya sa mundo ng mga tao at doon ay magiging ligtas siya mula kay hagorn at doon nagising si Mine-a. umiiyak siyang lumapit sa sanggol na sanggre.
Patawarin mo ako anak kung lalaki kang hindi kapiling ang iyong ina umiiyak na sabi ni Mine-a. hindi niya napansin na pumasok na pala sa kanyang silid ang ama ng kanyang anak.
Bakit gising ka pa mine-a? may bumabagabag sa iyo? magkasunod na tanong nito. Ngunit nang makita nito ang pagtangis ni Mine-a. Bakit ka tumatangin mahal ko? hinawakan niya ang balikat ng reyna, naghintay ng tugon mula nito.
Dahil mo ang ating anak sa mundo ng mga tao Raquim. Doon kung saan siya mas ligtas malungkot na sabi nito sa prinsipe. “lisanin niyo ang encantadia para sa ikabubuti ng ating anak
Hindi kami aalis ng hindi ka kasama Mine-a
Alam mong hindi iyan maari Raquim Naglakad palayo si Mine-a sa kanyang mag-ama Isa akong reyna. Reyna ng lireo. Ako ay nakatali sa aking kaharian at sa aking pinamumunuan kaya batid mong hindi maari ang iyong nais lumapit si Raquim sa kanyang mahal na reyna Bilang iyong Reyna, inuutusan kitang lisanin ang encantadia kasama ang sanggre Amihan matigas na sabi ng Reyna. At doon din ay wala nang nagawa si Raquim kung hindi sundin ang nais ng mahal niyang reyna.Ah! napasigaw na nagising si Ayesha dahil sa kanyang panaginip. Bakit Ayesha? Anong nangyari? tanong ni Leo sa kanyang asawa.
Nanaginip ako, parang totoo mahal sagot nito sa asawa, habang pilit pinapakiramdaman ang tibok ng kanyang puso. Napanaginipan ko na may isang sanggol. Hindi siya pang karaniwan mahal. Para nga sila yung nasa fairytales eh napangiti naman si Leo sa asawa at inintay nito na ipagpatuloy ang kwento tapos may baby, parang prinsesa yung bata eh. Tapos may kumuha sa kanya at sinaksak
Hinawakan ni Leo ang kamay ng asawa at pilit itong pinakalma Mahal, panaginip lang yan. At alam mo baka sign nayan na malapit na tayo magka anak.
Anong sign?! eh pinatay nga yung bata! naiinis na sagot ni Ayesha sa asawa.
Malay mo lang naman. Basta ang alam ko mahal darating ang araw magkakaroon din tayo ng prinsesa o prinsipe na iikutan ng mundo natin at hinalikan niya sa pisngi ang mahal na asawa.
sana nga mahal. Sana nga magkaroon na tayo ng anak. Kasi sabik na sabik na ko maging nanay nakangiting sagot ni Ayesha. Hindi nagtagal ay bumalik na ang mag-asawa sa pagkakahimbing.A/N: AYESHA AND LEO ARE THE FUTURE PARENTS OF RHAM, ANG REINCARNATION OF YBRAHIM SA MUNDO NG MGA TAO.
BINABASA MO ANG
Unconditionally Yours
FanfictionSa Mundo ng Encantadia nakatakda na Ang Tadhana ni Amihan at Ybrahim. Ang Tadhana na magbibigay pagkakataon sa dalawang puso ng wagas na pag-ibig. At tulad ng bawat istorya, lahat ay nagtatapos. kaya naman si Ybrahim at Amihan ay binigyan muli ng ik...