CHAPTER 2: ANG PAGTATAGPO

780 26 0
                                    

Matapos ang nasabing digmaan, ilang taon na ang nakalipas, ay walang nakakaalam kung saan napunta o kung buhay pa man ang tunay na tagapagmana ng sapiro. Hindi nila alam kung nakaligtas baa ng Rehav Ybrahim at ang madea ng sapiro.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay may isang tao na nakapagtakas sa munting prinsipe. Ang dama nito na si Zena. Pinalaki nito ang sanggol na katuwang ang kapatid na si Apitong ang pinuno ng mga mandirigma. Binigyan nila ng panibagong pangalan ang Rehav sa takot na matunton ito ni Hagorn. Apitong maari mo bang alagaan muna si Ybarro? Akoy pupunta muna sa punjabwe upang maghanap ng kasuotan para aking anak masayang sabi ni Zena .
Buong ngiti naman na pumayag si Apitong sa sinabi ng kapatid. Ang hindi niya alam ay ito na ang huling pagkakataon na makikita niya ang kapatid sapagkat noong araw din iyong ay nagkaroon ng kaguluhan sa punjabwe at sa kasamaang palad ay nadamay ang kanyang kapatid at napaslang.
*
*
*
Taon man ang lumipas mula nang ipadala ni Minea-a ang kanyang mag-ama sa mundo ng mga tao, ay hindi nawala ang kanyang pangungulila sa mga ito. Kayat nagpapadala ito ng mga ibon para maging kalaro ng anak na saggre.
Ngunit isang araw nakatanggap sila ng masamang balita. Natunton na ni Hagorn kung saan naroroon ang kanyang mag-ama. at sa kasamaang palad ay napaslang nito si Raquim.
Dahan-dahang naglakad si Minea sa kinaroroonan ng labi ng kanyang minamahal na prinsipe. At nang makita niya ito ay mas lalong nadurog ang kanyang puso Iwanan niyo muna ako mahinang utos niya sa mga dama at kawal na naandoon. Siya ay naglakad palapit kay Raquim at yumukod upang halikan ang mga labi nito. Hindi totoo na hindi mo nakuha ang aking puso umiiyak na sabi nito Sapagkat unang beses palang nating magkita ay iyong-iyo na ito ng buo niyapos ni Mine-a ang Rehav at saka nagpatuloy sa pagluha.

 Hindi totoo na hindi mo nakuha ang aking puso umiiyak na sabi nito Sapagkat unang beses palang nating magkita ay iyong-iyo na ito ng buo niyapos ni Mine-a ang Rehav at saka nagpatuloy sa pagluha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*
*
Ah! Halimaw! sigaw ng munting sanggre nang pumasok si Ades. At nakita nitong hinahampas ni Amihan ng unan si pinunong imaw.
Mahal na sanggre! sigaw ni Ades. Huwag mong gawin iyan sapagkat si nunong imaw ay isang kaibigan nakangiting sabi ng dama.
Sino kayo? Nasaan ako? nalilitong tanong ng bata.
Mahal na sanggre kayo ay nandito sa Encantadia, naandito kayo sa Lireo ang tunay mong tahanan nakangiting sabi ni Imaw.
Encantadia? Totoo nga ang sinasabi ni itay nakatulalang sabi ni Amihan Si itay! pagbalik niya sa ulirat.
*
*
Nang makarating si Mine-a sa punong bulwagan ay nakita niya na doon nag-uusap si Imaw at ang pangalawang sanggre ng Lireo.
Mahal na reyna bati sa kanya ni Imaw na nginitian niya.
Mabuti naman at gising ka na Amihan masayang sabi niya sa anak. Ngunit nakatingin lamang sa kanya ang anak.
sino po kayo? marahang tanong ng paslit.
Siya ang iyong ina amihan, si Reyna Mine-a pagsabat naman ni Imaw sa dalawa.
Ikaw ang nanay ko? napakalaking ngiti ang nakita ni Mine-a sa anak Maari kop o ba kayong yakapin? ibinuka ng Reyna ang kanyang bisig tanda ng pag sang-ayon sa nais ng munting prinsesa. Kaagad na tumakbo si Amihan sa bisig ng ina na kay tagal niyang inaasam maranasan.
E correi diu anak
Alam ko po ang ibig sabihin niya inay humiwalay si Amihan sa pagkakayakap tinuruan po ako ni itay ng enchan habang nasa mundo kami ng mga tao at ang ibig sabihin po noon ay mahal kita biglang yumapos muli ang munting sanggre Mahal ko din po kayo inay napangiti naman si mine-a sa munting anak.
Maya-maya pa ay dumating na ang tatlo pang sanggre ng lireo, si Pirena, Alena at Danaya. amihan sila ang iyong mga kapatid
Amihan masaya kami sa iyong muling pagbabalik sa Lireo wika ni Danaya
hindi ka nakakalimutan ikuwento ni Yna sa amin kaya Masaya kami na makilala ka Ideya (nakakatandang kapatid) dagdag pa ni Alena, at saka nila niyapos ang isat-isa.
Napansin naman ng Reyna na tila hindi gusto ni Pirena ang pagdating ng kanyang kapatid. Pirena hindi mo ba babatiin si Amihan? napatingin naman si Amihan sa nakakatandang kapatid at nilapitan ito
Ang dami ko palang kapatid, natutuwa akong makilala ka Pire- di na natapos ni Amihan ang sasabihin nang itulak siya ni Pirena palayo dito, at mapaupo sa sahig
Kahit kelan hindi kita matatanggap na kapatid galit na sabi nito sa apwe (nakakabatang kapatid) at saka tumakbo paalis. Habang tinutulungan naman ni Alena at Danaya na makatayo ang kapatid ay hinabol ni Mine-a ang anak.
Pagpasensyahan mo na si Pirena, sadyang ganoon lamang talaga iyon sabi ni alena.
Gusto mo ba maglaro Amihan? nakangiting sabi ni Danaya, na tinanguan naman ni Amihan. Ang tatlong sanggre ay sama-samang nagtungo sa hardin ng Lireo upang doon maglaro.
*
*
*
Sa ikatlong pagkakataon ay tumakas na naman ang batang si Ybarro at ang mga kaibigang sila Wantuk at Paco mula sa ama niyang si Apitong.
Ybarro saan ba tayo patutungo? naiinis na sabi ni Wantuk
Shedda Wantuk, itigil mo iyang pagliligalig mo at baka iwanan ka naming ni Paco dito sa gitna ng gubat sabi ng pitong taon na Prinsipe. Ayun na ang ating hinahanap! sabi ni Ybarro na nagtatago sa likod ng malaking bato.
Bahagya naman sumilip ang dalawang kaibigan at nakita ang bukana ng Lireo. Sa lireo tayo magnanakaw Ybarro?! nagulat na sabi ni Wantuk Di ba napakaraming kawal diyan baka tayo mahuli! dagdag pa nito.
kung natatakot ka eh dito ka nalamang sabi ni Ybarro sa kaibigan Tayo na Paco. Diyan ka muna wantuk, magbantay ka at baka may dumating na hathor loko ni Ybarro sa kaibigan. At gaya ng inaasahan ay mas natakot si Wantuk kaya naman kaagad itong sumunod sa mga kaibigan.
*
*
Umakyat sila Ybarro sa isa sa mga azotea ng Lireo. Pashneya! naiinis na sabi ni Ybarro nang sumabit ang kanyang kapa sa isang sanga. Tutulungan sana siya ng mga kaibigan nang may marinig silang yabag Magtago na kayo paco mahinang utos nito sa dalawa.
Ngunit paano ka Ybarro tanong ni watuk
Kaya ko ang aking sarili kaya magtago na kayo at tumakbo na nga ang mga kaibigan palayo. Pilit hinihila ni Ybarro ang kapa niya at di naman nagtagal ay natanggal na ito sa pagkakasabit. Doon siya nagtago sa may poste at sakto naman na pumasok sa Azotea ang isang batang babae nang makarating siya sa kanyang pagtataguan.
Itay, mami miss ko po kayo? umiiyak na sabi nito. Hindi naman naintindihan ni Ybarro ang banyagang pananalita ng bata sana po ay Masaya na kayo kung nasaan man po kayo dagdag pa nito.
Napatulala si Ybarro sa bata kaya naman di siya nakalipat ng pagtataguan nang bigla itong humarap at nakita siyang nakasandal sa may pasukan ng azotea.
sino ka? nagising nalamang si Ybarro sa kanyang pagkatulala nang marinig ito. Nakita niya ang kagandahan ng batang babae. Di niya namamalayan na unti-unti na siyang naglalakad papunta sa munting sanggre.
Ako si Ybarro sabi nito ng makalapit sa batang babae.
Ako naman si Amihan napangiti si Ybarro ng marinig ang ngalan ng bata
Kay ganda ng iyong ngalan diwata sabi niya mula sa sanggre. Magsasalita pa sana si Ybarro nang marinig niya ang sigaw ng mga kaibigan
Tayo na Ybarro ! Dali! sabi ni Paco na pumunta na sa dulo ng Azotea at naghanda nang bumaba.
Avisala Meiste Amihan hinalikan ni Ybarro ang kamay ng munting sanggre at saka tumakbo at lumundag sa azotea. Napatakbo naman ang munting saggre sa pag-aalala na baka may nangyari sa batang si Ybarro. Ngunit nang sumilip siya sa Azotea ay wala nang bakas na itoy nanggaling doon.

____________________

Sa mundo ng mga tao

Lucas malapit na ang kasal natin, pwede bang ito muna ang unahin mo? Please malambing na sabi ni Mia sa fiancé niya. Kaagad naman isinara ni Lucas ang laptop niya at hinalikan ang mapapangasawa. "Tsaka mo na alalhanin Ang business after ng honeymoon natin" pabirong sabi ni Mia Dito.
"Oo na Po Queen" pabirong sabi ni Lucas Dito at hinalikan ang noo " Pero Bago tayo magpahinga para sa kasal natin ay tatapusin ko muna lahat ng kailangan para sa business proposal sa Tokyo investors okay?"
"Oo na Sige na Basta promise me ha pagkatapos niyan tayo muna" sabi ni Mia sabay yapos sa lalaki.
Ganito Sila naabutan ni Arman Ang pinsan nI Lucas at Executive Manger ng kumpanya. "Aba Mr. COO parang busy ka ah...Babalik nalang ba ako?" Pabirong sambit nito.
"Arman anong Meron?" Tanong ni Mia na humiwalay sa yakapan nilang mag fiance. "Wag mo sabihing mag aaya ka na naman sa kalokohan" Biro nito.
"Nako Hindi Mia. Masyado pang masakit para sa pride ko Ang nangyari nung nakaraan" natatawang sagot ng pinsa. Tinutukoy nito Ang Street racing na sinalihan niya at ng iba pang pinsan noong nakaraang linggo. "By the way insa na approve na ba yung budget na ipinasa ko para next year?"
"I haven't really check the progress yet but the last update na naibigay ng secretary ko is that dad has it already let's just wait for further announcement regarding the budget" seryosong pahayag ni Lucas sa pinsan. Di nagtagal ay nagpaalam na si Arman at lumabas na sa opisina ng pinsan. Ngunit Bago Ito tuluyang umalis ay tumingin muli Ito sa pinsan na masayang kausap si Mia.


A/N: Lucas, Mia and Arman are the reincarnation of Raquim, Mine-a and Hagorn :) just so may idea kayo sa roles nila dito

Unconditionally YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon