A/N
May 4 new characters this chapter Sila:
Rick=Aquil
Sandra=Danaya
Nilo=Asval
Ella=*drumroll* ALENAHope u enjoy
Sa Encantadia
Naging malaking balita sa buong Lireo ang pagkawala ng balintatao ni Imaw. Kaya naman ninais ni Lira na makitulong sa paghahanap nito. Habang naglalakad sa pasilyo ng Lireo ay napansin ni Lira ang patakas na pagpasok ni Gurna sa silid ng kanyang ashti Pirena. Kaya naman dahan-dahan siyang lumapit sa silid.
Nagtago siya sa likod ng isang poste nang marinig niya nag nag-uusap ang dama at ang sanggre."Naiinip na ang iyong ama Pirena." Naguluhan si Lira nang marinig ito. Sino ang ama ng kanyang ashti Pirena? "Matagal nang naghihintay si Hagorn sa susunod mong hakbang" nanlaki ang mata ni Lira sa narinig.
"Shedda gurna! Baka may makarinig sa iyo at masira pa ang aking mga plano" naiinis na sabi ni Pirena sa dama. Paunti-unting sumilip si Lira at nakita niyang nakaupo sa kama ang kanyang ashti na nakatalikod sa dama nito. "Gaya nga ng sabi ko sa iyo noon. Malapit na." tumayo si Pirena at hinarap si Gurna. "Isang balakid nalamang ang aking kailangan alalahanin at magiging matagumpay na ang aking plano"
"Napakagaling ng iyong ginawa kay Danaya mahal na sanggre"
"Masyado nang malaki ang pinsalang nagawa ko sa reputasyon ng aking kapatid. Kung kaya't isa nalamang ang aking problema.""Di hamak na mas malakas ka kaysa sa kasalukuyang reyna ng Lireo, mahal na sanggre" napangiti si Pirena sa tinuran ng dama.
"Ngunit mahal ng mga diwata, adamyan at Sapiryan ang aking kapatid. Gayon pa man batid kong mawawala ang pagtingala ng mga ito sa oras na makita nilang mahina si Amihan kapag kinampihan niya si Danaya"Sa pag-iisip ni Lira ay hindi niya napansin na napaatras siya at nadali ang isang mesa. Laking gulat niya nang biglang lumitaw ang Ashti Pirena niya sa kanyang tabi. "Lira!" nagulat na sabi ni Pirena nang makita kung sino ang nakikinig sa kanilang pag-uusap. Di nagtagal ay nahimasmasan din si Pirena at hinawakan si Lira at ipinasok sa kanyang silid.
"Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa Lira?" nagagalit na wika ni Pirena. Hinawakan ni Gurna ang munting sanggre upang hindi ito makaalis at makapagsumbong sa reyna.
"Isa kang huwad pirena!" galit na sigaw ni Lira "Sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay sa plano mo! Hindi mo masasaktan ang aking Yna!"
"Shedda Lira! Hindi mo ipapahamak ang tunay mong ina!" naiinis na sabi ni Pirena.
"Anong tunay kong ina?"
"Hindi mo ina si Amihan!" sabi ni Pirena. Huminga siya ng malalim at tumingin sa mata ng hadia "Sapagkat ako ang tunay mong ina"
"Sinungaling ka! Paano ktia magiging ina? Ni hindi ka nga nagsilang ng isang sanggol"
"Dahil tanging si Gurna at Hagorn lamang ang nakakaalam na ako'y nagsilang ng isang sanggol, at ikaw iyon Lira" nakita ni Pirena sa mga mata ng anak na hindi ito naniniwala sa kanya kaya naman tinawag niya si Gurna, na kaagad binitawan ang sanggre at kinuha ang balintatao ni Imaw sa likod ng kurtina.
"Ang tungkod ni Imaw" mahinang sabi ni Lira "bakit nasa iyo ang balintataw? Ano ba talaga ang pinaplano mo Pirena?" ngunit hindi siya pinakinggan ni Pirena bagkus nang mahawakan nito ang balintataw ay tumalikod ito. Itinaas niya ang tungkod ni Imaw at inutusan ito "Ipakita mo sa aking ang panahon na pinagpalit ko ang aking anak sa tunay na lira"
Gaya nga ng kanyang utos, sinunod ito ng banlitataw. Hindi makapaniwala si Lira na isa siyang huwad. Na hindi siya ang tunay na anak ni Amihan. Nang matapos ang pagpapakitang ito, ay humarap sa kanya si Pirena. "Ako ang iyong tunay na ina Lira" nakita ni Pirena ang luhang tumutulo sa mata ng anak "Lira" palapit n asana si Pirena dito nang biglang gamitin ni Lira ang evictus.
BINABASA MO ANG
Unconditionally Yours
FanfictionSa Mundo ng Encantadia nakatakda na Ang Tadhana ni Amihan at Ybrahim. Ang Tadhana na magbibigay pagkakataon sa dalawang puso ng wagas na pag-ibig. At tulad ng bawat istorya, lahat ay nagtatapos. kaya naman si Ybrahim at Amihan ay binigyan muli ng ik...