CHAPTER 4: SIMULAT KATAPUSAN

522 22 1
                                    

Sa encantadia

Hindi mapanatag ang loob ni Danaya sa muling pagtanggap ng kanyang mga kapatid sa kanilang Ideya na si Pirena. Naisin man niyang tanggapin ito ng buo ay hindi niya magawa sapagkat nararamdan niyang may hindi sinasabi ang kapatid, at nakakatiyak ito na may kinalaman ito sa nangyari noong namili ng tagapagmana ang kanilang Ynang Reyna Mine-a.

Kaya heto siya at nakatayo sa harap ng kanyang pinakamamahal na hadia. "Nararamdaman ko na may panganib na paparating mahal kong hadia" wika nito sa sanggol na naglalaro sa kuna nito. Yumukod si Danaya upang laruin si Lira "Ngunit wag ka mag-alala sapagkat lalagyan proteksyon kita munting diwani" Napangiti si Danaya nang hawakan ng munting diwani ang kanyang daliri, na para bang nais nito ang kanyang gagawin. Bigla namang napatingin si Danaya ng marinig na nagbukas ang pinto ng silid. Nakita niyang pumasok si Alena at agad itong lumapit sa kanya.

"Danaya" may lungkot sa tinig nito "Alam kong hindi mo nais ang ginawa namin ngunit kapatid natin si Pirena"

"Hindi man ako sang-ayon sa inyong desisyon na magtiwala muli kay Pirena ay tatanggapin ko. Ngunit isa lang ang hindi ko hahayaang mangyari. Ang masaktan ni Pirena ang kaisa-isang tagapagmana ni Amihan" inilabas niya ang brilyante ng lupa at binasbasan ang hadia "Brilyante ng Lupa, ikaw na pinanggagalingan ng lahat biyaya at buhay. Hinihiling kong pangalagaan mula kay Pirena ang anak ni Amihan. Ano mang sandata na nanggagaling sa iyong yaman na gagamitin niya at nang iba pang magtatangka sa batang ito, ay hinihiling kong tanggalan mo ng talim at kapangyarihan ng sa gayon ay wala nang magamit na kasangkapan upang kitilin ang tagapagmana ng mga diwata. Sundin ang ipinaguutos ko. "

"Naway mali ang kutob mo laban kay Pirena" wika kaagad ni Alena matapos itago ni Danaya ang brilyante. "Ngunit kahit gayon, ay nais ko ring pangalagaan ang ating hadia. aking brilyante" lumabas sa kanyang palad ang brilyante ng tubig "hinihiling kong bigyan mo ng katangiang maging dalisay at mapagkalinga gaya ng tubig si Lira. Ngunit bigyan mo rin siya ng tapang gaya ng alon na nangangalit kapag siyay sinaktan at kinakailangan lumaban. Sundin ang ipinaguutos ko"

"Salamat alena." Hinawakan ni Danaya ang kamay ng ideya "Ngayon ay mapapanatag na ko. Sapagkat alam kong hindi na masasaktan pa ni Pirena ang tagapagmana ng mga diwata." Ngumiti si Alena sa Apwe at saka niya nilapitan ang sanggol at hinimas ang pisngi nito.
*
*
*
Mag-isang nagpapahangin si Amihan sa Azotea ng Lireo nang maramdaman niya na may-ibang tao doon bukod sa kanya. "Batid kong may ibang encantadong naririto" sigaw niya. Di nagtagal ay nakarinig siya ng mga yabag na palapit sa kanyang kinatatayuan. Lumingon si Amihan at nakita na unti-unting tinatanggal ng encantado ang taklob nito sa mukha. "Ybarro" mahinang sabi niya nang makita ang wangis nito.

"Avisala Reyna ng mga diwata" matigas na bati nito sa reyna. Hindi na pinatagal pa ni Amihan ang kanilang usapan at itinanong kung ano ang ipinunta ng mandirigma sa Lireo. "may nakapagsabi sa akin na nabuo ang iyong anak sa isang panaginip" dito pa lamang ay pinagsisihan na ni Amihan na tinanong pa niya ang encantado. Tumalikod siya upang itago ang namumuong luha sa kanyang mga mata dulot ng takot at pagkalito. "Mayroon akong napanaginipan noon ukol sa ating dalawa. Hindi ko nais manggulo nais ko lamang malaman ang katotohanan" pagpapatuloy ng mandirigma sa pagsasalita.

"May katotohanan ang mga kutob mo" sambit ni Amihan habang nakatanaw sa malayo. "Nabuo ang aking anak sa ating panaginip" hinarap ni Amihan ang mandirigma habang pilit na pinipigalan ang luha na pilit kumakawala. "Totoo Ybarro, ikaw ang ama ni Lira." Humakbang si Amihan palapit kay Ybarro "kaya sabihin mo sakin hindi ba may dahilan kung bakit tutol akong maging kayo ni Alena."

"Ngunit mahal na Reyna"

"Makakagulo ka lamang sa amin Ybarro" lumakad si Amihan hanggat sa malagpasan niya ang mandirigmang pilit isinasaisip ang kanyang mga winika. "kaya nakikiusap ako. layuan mo nalamang kami ni Alena. "
*
*
*
Nasa bulwagan si Amihan nang lapitan siya ni Danaya. "Maari ba kitang makausap hara amihan?" tanong ng kanyang kapatid, tumango ang hara at pinaalis ang mga dama na nakamashid sa kanila.

Unconditionally YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon