CHAPTER 3: NALILITONG PUSO

656 24 3
                                    

Sa Encantadia...

"Hara" malumanay na bati ni Alena sa bagong reyna ng Lireo ang kanyang kapatid na si Amihan. Napatingin naman ang hara sa kanyang apwe, at inilapag ang binabasa sa mesang kaharap.
"Ano iyon Alena?" Hindi na tumayo pa si Amihan sa kanyang pagkaka-upo sapagkat naramdaman niya ang pagsipa ng munting sanggol sa kanyang sinapupunan.
"Nakikiusap ako sa iyo. Bigyan mo ng basbas ang aming pag-iibigan ni Ybarro. Alam mo na kalian man ay hindi ko pinangarap maging reyna sapagkat ang nais ko ay ang magkakita ng encantadong iibigin ako at mamahal ko habang buhay. Kaya amihan hayaan mo na kami ni Ybarro" nakita ni amihan ang lungkot sa mga mata ng kanyang apwe at hindi niya maiwasan maawa para dito. subalit hindi pa man niya nakikilala ang Ybarro na ito ay samot sari na ang naririnig ukol dito. isa na rito ang lahi nitong mandirigma, na kilalang magnanakaw sa Encantadia, at kung tama man ang kanyang naalala ay marahil ang batang Ybarro na nakilala niya noon na naloob sa Lireo at ang iniibig ng kapatid ay iisa. Dagdag pa rito ang batas ng mga diwata na hindi maaring makipag isang dibdib ang isang tagapangalaga ng brilyante sa isang mababang uri ng nilalang.
"Bilang isang kapatid ay maari kitang pagbigyan, ngunit bilang Reyna ng Lireo, ipagpatawad mo ngunit hindi ito maari. Alam mong ito ay labag sa batas nating mga diwata kung kaya't hindi ko maaring pahintulutan ang inyong pag-iibigan ng mandirigmang iyon" dahan dahang tumayo si Alena at lumabas sa silid tanggapan ng reyna.
Pinanood lamang ni Amihan ang kapatid na umalis, nakokonsensiya man siya ay kailangan niya ito gawin. ngunit bigla niyang naisip na hindi tama ang kanyang ginagawa, na dapat bigyan niya ng pagkakataon ang dalawang nag-iibigan na ipakita at patunayan na tunay ang kanilang nadarama para sa isa't-isa. Kaya ipinatawag ni Amihan si Hitano upang samahan siya sa kuta ng mga mandirigma.
*
*
*
"Ybarro! Naandito ang kapatid na reyna ng iyong kasintahan at hinahanap ka niya! Nako! Batid kong mapapahamak ka" babala ni Wantuk sa kaibigan.
"Kahit sino man siya hindi ako natatakot sa kanya" inis na sagot ni Ybarro at saka ito naglakad pabalik sa kanilang kuta.
Nang makarating na ang mandirigma sa kuta ay nakita niyang nakatayo katabi ng kanyang ama ang isang babaeng nakasuot ng asul na kapa at nakatago ang mukha. "Andito na ako ama" madiing sabi ng binata. "Ano ang kailangan mo sa akin reyna ng mga diwata"
Nang marinig ito ni Amihan ay lumingon siya kasabay ng pagtanggal sa nakabalot na kapa. Laking gulat niya nang makita ang wangis ng kaharap "Ikaw si Ybarro?" nakatulalang sambit ni Amihan.
Napansin ni Apitong na natulala ang anak nang masilayan ang reyna kung kaya't siya na ang sumagot para dito "opo mahal na reyna siya ang aking anak na si Ybarro" at sa pagtingin ni Apitong sa reyna ay napansin din niya ang titig nito sa kanyang anak.
"Mahal na reyna siya ang pashneyang iniibig ni Alena, ano ang nais mong gawin ko sa kanya?" sabi ni Hitano at tsaka itinutok ang espada sa mandirigma.
"Shedda Hitano!" ibinaba ni Amihan ang espada at ibinalik ang tingin sa mga mandirigma "sapat na nakita ko ang encantadong ito. Kung kaya't mauuna na kami pinunong Apitong" wika ni Amihan sa mga nakapaligid sa kanya. Kaagad na lumapit ang reyna sa mga kawal upang makasama sa pagbalik sa Lireo. "Hitano!" sigaw nito, sa diwatang hindi tumitigil sa pagtitig at paghahamon sa mandirigmang si Ybarro.
Hanggang sa mag evictus ang mga diwata ay nakatitig parin si Ybarro sa babaeng minsan na niyang nakasama sa kanyang panaginip. Ang panaginip kung saan may nangyari sa kanila at di niya ipagkakaila na naakit siya dito noong una palamang niya itong nasilayan.
*
*
*
Gulong-gulo ang isip ni Amihan nang makabalik siya sa Lireo, kung kaya'y naisip niyang magpahangin sa Azotea. "Mas lalo pa ako binigyan ni Bathalang Emre ng dahilan upang hindi bigyang pagkakataon ang inyong pag-iibigan alena. Bakit sa dinarami-dami ng encantadong magiging ama ng aking anak ay ikaw pa Ybarro?" wika ni amihan sa sarili. "Ngunit isang maharlika ang nakatakdang maging ama ng aking anak. Maari nga bang may dugong maharlika si Ybarro?" pag-iisip muli ng reyna. Naputol ang kanyang sapangtaha nang may lumabas na marka sa kanyang kamay at kabasay nito ang pagsakit ng kanyang sinapupunan, kaya't napasigaw ito.
Agad siyang pinuntahan ng kanyang ynang reyna at inalam kung ano ang nangyayari. Inilahad ni Amihan ang kanyang palad at natuwa naman ang ynang reyna "Ito ay simbolo na malapit ka nang magsinalang aking anak" nakangiting sabi ni Mine-a "Halika at tayo'y pumasok na" ginabayan ni Mine-a ang anak ngunit habang sila'y naglalakad papasok ay may panang tumama sa likod ng ynang reyna.
"Yna!!" sigaw ni amihan habang sinasalo ang ina na natumba. Unti-unting nawala ang ning-ning ng kanyang ina, ipinatawag niya si Danay sa mga dama ngunit hindi narin ito umabot sapagkat nawalan na ng buhay ang kanilang ynang reyna. Napuno ng galit si Amihan at lumabas muli ng Azotea. At gaya nga ng kanyang inaasahan may isang panang muli lumipad patungo sa kanila. Nasalag ito ng reyna at nang makita ang pinagmulan nito ay agad nitong ipinatikim ang bagsik ng kapangyahiran ng kanyang brilyante.
Kahit ganoon ay hindi natamaan ang salarin at nakatakas kung kaya't hinabol ito ni Amihan at nang mapadpad sila sa may hardin ng Lireo ay nakita niya ang encantadong pumatay sa kanyang ina. "Brilyante ng hangin inuutasan kita, pansamantala mong tanggalin ang hangin sa katawan ng encantadong ito nang hindi siya makatakas pa" galit na sabi ni Amihan sa kanyang brilyante.
Kagaya nga ng utos ng reyna ay unti-unting nawalan ng malay ang lalaki at napadapa sa lupa. Naglakad si Amihan patungo sa lalaki, at nang makalapit ay lumuhod ito sa tabi nito upang tanggaling ang maskarang suot. Hindi niya pansin ang panganib na nakaabang- ang mga hathor. Nang maitapat na ni Agane ang kanyang sandata sa Reyna ay kaagad niya itong pinaputok, alam niyang hindi ito masasalag pa ng reyna sapagkat gaya ng yna nito ay sa likod ang tama ng bala.
"Diwata!" Sigaw ng isang encantado na tumulak kay Amihan upang hindi ito tamaan.
"Pashneya!" gigil na sabi ni Agane, ngunit nang makita niya na nakatingin sa kanilang dereksyon si Amihan ay kaagad niyang inutusan ang mga kasama na lumisan, sapagkat alam niyang di malabong ipatikim ni amihan ang kanyang kapangyarihan; at siya nga nitong ginawa.
"Ayos ka lamang ba Reyna ng mga diwata?" tanong ng encantado. Napatingin naman si Amihan dito, at binigyan ng malungkot na ngiti.
"salamat Ybar-" hindi na natapos ni Amihan ang sasabihin nang biglang sumakit muli ang kanyang sinapupunan.
"Mahal na reyna! Anong nangyayari?" tanong ni Ybarro na inalalayan ang reyna. Napansin niya ang pag liwanag ng palad nito "malapit ka nang magsilang" sabi ni Ybarro.
"Itabi mo ako sa encantadong iyon, nang ako'y makabalik na sa Lireo" sinunod nga ni Ybarro ang utos ng reynang namimilipit sa sakit. Matapos nito iabot kay amihan ang kamay ng encantado ay nagpasalamat muli sa huling pagkakataon ang reyna at saka nag evictus.
*
*
"Ades nasan ang Reyna?!" tanong ni Danaya na kakapasok lamang sa silid ng kapatid. Lubos siyang nag-aalala para sa nagdadalang diwatang kapatid.
"Sinundan niya ang encantadong nagtangka sa buhay ng ynag reyna mahal na sanggre" sagot ni Ades sa mga ito
"Ngunit sabi ninyo ay malapit nang magsilang si Amihan! Bakit ninyo hinayaan na siya ay umalis pa ng palasyo?" tanong naman ni Alena sa dama.
"Poltre mga sanggre ngunit wala nang nakapigil pa sa inyong kapatid sapagkat ito ay nag evictus patungo sa kinaroroonan ng encantado" pagkasabing ito ni Ades ay lumitaw si Amihan di kalayuan sa kanila at nakapagtataka ay may kasama itong encantadong walang malay.
"Mashna!" kaagad naman lumapit si Aquil sa kanilang reyna.
"Ikulong ang pangahas na ito. At bantayan mabuti sapagkat di ko nais na makatakas pa ang pumaslang sa aming yna" galit na sabi nito.
"Masusunod mahal na reyna" kinuha ni Aquila ang encantado at iniutos sa mga kawal na ipiit ito. Napalingon naman silang lahat sa reyna ng bigla itong humiyaw. Agad na tumakbo patungo sa tabi ng reyna ang kanyang mga kapatid.
"wala na si Yna" umiiyak na sabi nito
"alam naming amihan" sagot ni Danaya
"Wala na ang ating yna" dagdag pa ni amihan, ngunit maya-maya pa'y napasigaw na naman ito sa sakit. Naramdaman ni amihan na nakahawak sa kanyang sinapupunan si Alena "amihan wag mo munang isipin iyan, ang mahalaga ay ang kaligtasan ninyo ng iyong anak" tumango naman si Amihan sa winika ng kapatid.
Inalalayan nila ang reyna patungo sa kama nito habang pinalabas ni Ade ang mga kawal upang magbantay at pinaghanda ang mga dama sa panganganak ng hara Amihan.
*
*
*
"Ybarro saan ka nanggaling?" tanong ni Apitong nang makita ang anak na naglalakad papasok ng kuta. Napansin niya malalim ang iniisip ng anak kaya naman hinawakan niya ito sa balikat. "Ybarro"
"Ama! ano iyon?" tanong ni ybarro na tumingin sa ama.
"Nanggaling ka na naman bas a lireo at nakipagkita kay Alena?" tnaong ni Apitong. Hindi na niya nahintay pa ang sagot ng anak sapagkat alam na niya kung ano ito. "Hindi ba sinabi ko sa iyo na tigilan mo na ang diwatang iyon ybarro. Kapahamakan lamang ang maidudulot nito sa iyo at sa ating mga kasamahan" wika ni apitong. Tumango si Ybarro at naglakad patungo sa kanyang kubol.
Buhat nang makita niya na nakatakdang magsilang ang reyna ay agad niyang naisip ang kanyang panaginip kung saan may nangyari sa kanila. "Maari nga ba?" tanong ni ybarro sa sarili. "totoong nangyari ang panaginip na yaon? Na ako ang ama ng anak ng hara?"
"Anong ama Ybarro?" tanong ni Wantuk na kapapasok lamang sa kubol. "May anak ka?" naguguluhang tanong ni Wantuk.
"Hindi ko alam Wantuk ngunit nais kong makasiguro ukol dito" agad lumisan si Ybarro pabalik ng Lireo, kung kaya't naiwan si Wantuk na mag-isa sa kubol.
"Hay kay gulo na naman ng utak mo Ybarro." Natatawang sabi wantuk.
*
*
Nang makarating si Ybarro sa Lireo ay nagmashid muna siya sa kapaligiran nakita niya na nagluluksa ang mga diwata sa pagkamatay ng kanilang dating Reyna. Kung kaya't naisip niya si Alena; agad niya itong hinanap hanggang sa makita niya itong naglalakad sa bungad ng Lireo.
"Alena!" pabulong na tawag nito dito. laking gulat naman Alena nang makita niya kasintahan sa loob ng Lireo.
"Ano ang iyong ginagawa dito Ybarro? Alam mong hindi ka maari makita ng aking kapatid?"
"Alam ko Alena ngunit may nais lamang akong malaman kaya ako'y naririto" Sabi ni Ybarro na humawak sa kamay ng sinisinta. "Narinig ko na may pumaslang sa inyong ina, kamusta ka?" ngumiti si Alena at sinabing maayos siya. Nabangit din niya ang pagsilang ng kanilang Hadia (pamangkin) "Akala ko ba ay bawal mag-asawa ang reyna? Paano siya nagka anak?"
"Sapagkat ang ama ng aking hadia ay nakilala lamang ni Amihan sa kanyang panaginip. Ito ang ipinadala ni Emre upang maging ama ng tigapagmana ng Lireo" pilit na ngumiti si Ybarro sa narinig. Mas lalo lamang tumindi ang kanyang hinala na marahil siya ang ama ng sanggol. Maya-maya ay nakarinig sila ng yabag kaya naman dali-daling umalis si Ybarro sa Lireo at nagtungo sa gubat upang makapag-isip.

___________________

Sa Mundo ng mga tao..

Narinig ni Leo ang sigaw ni Ayesha, kaya dali-dali siyang tumakbo papasok ng manyon. "Mahal!" sabi ng haciendero nang makapasok sa kanilang kwarto. Nakita niya na nakaupo sa kama ang buntis na asawa, at may tubig sa may paa nito.
"Leo, si baby!" biglang napasigaw si Ayesha nang biglang humilab ang tiyan nito. Kaya naman kaagad lumapit ang asawa nito at dahan-dahan siyang itinayo.
"Manang loisa!" pagtawag ni Leo sa katiwala nila. Palabas na sila sa salas nang makasalubong si Manang loisa. "Ipahanda niyo yung kotse! Manganganak na si Ayesha" utos nito habang inaalalayan ang asawa.

Ilang oras mula nang makarating sila ng hospital ay nasilayan na ni Leo ang kanyang munting prinsipe. Habang nasa kanyang bisig ang munting saggol ay hindi niya maiwasan ang maging sentimental "Alam mo anak, ang tagal-tagal ka naming hinintay ng mama mo. Kung naandito lang ang lolo't lola mo sigurado akong mamahalin ka rin nila ng sobra sobra gaya namin ni mama mo." Tumingin si Leo sa asawa na kagigising lang. itinabi niya dito ang anak nila na tunay na ikinatuwa ng asawa.
"Mahal anong ipapangalan natin sa kanya?" tanong ni Leo dito. ngumiti naman ng kay tamis ang asawa at sinabing "Ramon, Ramon Ezekiel De Silva Jr." biglang lumaki ang ngiti ni Leo nang mapagtanto niyang kapangalan ito ng pinakamamahal niyang tatay.
"Mula ngayon ikaw na ang mundo namin, Ramon" naiiyak na sabi ni Leo sa mag-ina niya.
*
*
*
Habang pinagmamasdan ni Arman ang bagong kasal ay hindi niya maiwasan na hindi masaktan. "napaka swerte mo Lucas" sabi niya sa sarili at saka muling ininom ang alak niya. Nakita niya na masayang Masaya si Mia sa piling ni Lucas, at iyon lang naman ang gusto niya. Ang makitang Masaya ang babaeng minamahal pero hindi sa piling ng pinsang umagaw ng lahat sa kanya.
Napakunot ang noo ni Arman ng maalala ang pag-agaw ni Lucas sa lahat na dapat sa kanya. Ang pamilya niya, ang posisyon niya at ang babaeng mahal niya. Siya ang unang lalaking anak sa kanilang magpipinsan. At isa sa tradiyon ng pamilya nila ay dapat sa kanya ipamana ang pamumuno sa business nila.
Pero dahil anak siya sa labas kay Lucas, ang anak ng pangalawang kapatid ng tatay niya, ipinamana ang negosyo ng pamilya. Ang masakit ay ang papa pa niya yung nagpasa ng negosyo sa pinsan. "Darating din ang panahon iikot ang mundo natin Lucas" sabi nito sa sarili.
*
*
*
Isinama ni Leo ang anak, sa pagbisita niya sa kwadra ng mga kabayo at gaya nga ng kanyang inaasahan ay tuwang- tuwa na naman si Rham sa pakikipaglaro sa paborito nitong kabayo na si Baro. "Mr. De Silva" napatingin naman si Leo sa lalaking papasok ng kwadra.
"Ako nga? Sino po sila?" tanong niya dito.
"I'm Lucas Tan, from CT food enterprise" nakipagkamay si Leo sa kaharap at ngumiti.
"Ah Mr. Tan. Pasensya na po kung hindi ko kayo nasalubong." Paghingi ng paumanhin dito ng haciendero. Sabay na napatingin ang dalawa sa pinto ng kwadra nang marinig ang mga boses ng kanilang mga asawa. Nakangiti ang mga ito at mukhang nasasayahan sa kanilang kwentuhan.
"Mahal" tawag ni Ayesha sa asawa, "Mr. Tan nakita niyo na po pala ang asawa ko." Nakangiting sabi nito sa bisita habang naglalakad papunta sa mister. Lumingon ito sa asawa at humawak sa braso "andito sila para tignan kung okay bang supply yung mga prutas natin dito." nakangiti namang tumango si Leo sa asawa.
"Ah nakahanda na po yun mga prutas Mr. Tan, kung gusto niyo po ay ipasyal ko pa po kayo sa farm po mismo" alok nito sa businessman, na tinanguan naman nito.
Hindi napapansin ng mga magulang na wala na sa tabi nila ang kanilang mga anak, ang pitong taong si Rham ay nagtungo sa likod ng kwadra kung saan dinala ng si Baro upang paliguan.
"Baro, eto oh apple... alam kong paborito mo yan" iniaabot ng paslit ang mansanas sa alaga habang hinihimas ng kanyang isang kamay ang buhok nito.
"wow" napatingin si Rham sa nagsabi nito at nakita niya ang batang babae na namamangha kay Baro. "is that horse yours?"
"Oo, Siya nga pala si Baro at ako naman si Rham"
"my name is Amara." nakangiting sagot naman batang babae. Bumaba si Rham sa upuang kinatatayuan at lumapit kay Amara. "Gusto mo i-try pakainin si Baro?" napatingin si Amara sa kamay ni Rham na hawak-hawak ang isang mansanas na maliit. Napangiti naman ng kay laki ang batang babae na ikinatuwa ni Rham.





A/N
Batang Ybrahim/ Ramon/ Rham is young bugoy & young Mika Dela Cruz as Amara/amihan (Yung itsura nila sa photo above)
Hope u liked it :)

Unconditionally YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon