CHAPTER 5: Nagbabadyang kapahamakan

453 20 3
                                    

Sa Encantadia...

Mula nang makita nila Amihan at Danaya si pirena na sugatan sa gubat, dala ang balita na wala na ang kanilang kapatid na si Alena; ay napuno ng kalungkutan ang buong lireo, lalong-lalo na ang kanilang reyna na walang tigil na umiyak ng gabing iyon.

"Patawarin mo ako sa aking nagawa alena" hindi maiwasan ni Amihan na sisihin ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kapatid nito. Alam niya na kaya ninais ni Alena na kunin ang sariling buhay ay dahil sa sobrang lungkot na nadarama. Nakaupo ang reyna sa kanyang kama at patuloy na umiiyak, ipinulupot ang kanyang mga braso sa sarili, at dahan-dahang ipinatong ang ulo sa kanyang unan. Ganito siya nadatnan ng kapatid na si Danaya.

Kaagad nanakbo sa tabi ng kapatid si Danaya. Umupo si Amihan at idinantay sa kapatid ulo "Kasalanan ko itong lahat Danaya" mahinang sabi niya sa kapatid. "Kung hindi ko sana pinalayo si Ybarro kay Alena sana'y buhay pa ang ating kapatid.

Iniupo ng ayos ni Danaya ang reyna at tinignan ito sa mga mata "Ano ang iyong sinasabi Amihan? Ikaw ang nag-utos kay Ybarro na layuan si Alena?" napatayo si Danaya nang tumango si Amihan sa kanya. "Paano mo iyon nagawa?" di makapaniwalang sambit ng sanggre sa kapatid na reyna.

Tumayo si Amihan at naglakad patungo sa may bintana. "Sa tingin mo ba ay ninais ko gawin iyon? Na ninais kong saktan ang loob ni Alena?" nakatalikod man ang hara sa kapatid ay nakikita parin ni Danaya ang lungkot at pagsisisi sa boses nito. "Bilang kapatid ay wala na akong ibang hiniling kung hindi ang inyong kaligayahan." Humarap ang reyna at tumingin sa mga mata ni Danaya "Ngunit isa akong reyna Danaya. Tungkulin ko na manguna sa pagpapatupad ng batas nating mga diwata. Sang-ayon man o labag ito sa aking kalooban."

Naintindihan ni Danaya ang posisyon ng kapatid, ngunit hindi parin maalis sa isip niya ang mga posibilidad na hindi sana namatay si Alena kung hindi ito ginawa ni Amihan. Ang tanging nagawa nalamang niya ay yakapin muli ang ideya at intindihin ito. "Naipit ka lamang sa situwasyon amihan. Hindi mo ito kasalanan." Paglubag nito sa loob ng reyna.

*

*

*

"Bakit hindi mo ako isinuplong sa aking mga kapatid?" Tanong ni Pirena kay Cassiopiea na kanina lamang ay pinagtanungan ng mga sanggre ukol sa tunay na nangyari kay Sanggre Alena.

"Isang kang kasuklamsuklam na diwata Pirena, ngunit may mahalaga ka pang gagampanan sa encantadia. Kung kaya't hindi kita isinumplong sapagkat doon mismo ay mapapaslang ka ng iyong kapatid na si Danaya" Sambit ng unang reyna ng Lireo sa sanggre at ito'y naglaho na.

"Si Danaya" tanging tugon ni Pirena sa winika ni Cassiopeia. "Kailangan niyang mawala sa aking landas"

*

*

"Alena!" sigaw ni ybarro na kagigising lamang mula sa isang panaginip. Napaupo siya sa upuang kinatulugan at isinubsob ang mukha sa kanyang mga palad.

"Kaibigan, ayos ka lamang ba?" tanong ng barbarong si Wahid. "tila isang masamang panaginip?"

"Siyang tunay wahid" napatingin si Ybarro sa barbarong nakatayo sa kanyang harapan "Ano nga pala ang iyong ginagawa dito?"

"Oras na upang mangalap ng mga makakain natin dito sa ating kuta." Nakangiting wika ng barbarong kaibigan. Siya ay kinupkop ng mga ito nang makita siyang walang malay sa dalampasigan. Ngunit ang ipinagtataka ni Ybarro ay paano siya nabuhay kung siya'y napana at nahulog sa isang mataas na bangin. Gayon pa man ay laking pasasalamat niya kay Emre sa pangalawang buhay na ibinigay nito sa kanya.

Tumayo na ang munting mandirigma at sumama sa pangangalap ng makakain.

*

*

Unconditionally YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon