Nakasakay ako ngayon sa bus na magdadala saakin papuntang Nueva Ecija. Tama. Eto ang tama. Ang lumayo at ipakita sa kanila na makakahanap ako ng ibang paraan para ma-ibalik ang pera ng pamilya.
Sumandal ako sa bintana ng bus. Panay ang pahid ko sa salamin dahil umuulan sa labas at nahahamugan ang salamin.
Naalala ko pa ang usapan namin ni Lola. Araw bago ang kasal (Na di natuloy)
"Hindi mo kailangang isuko ang kaligayahan mo para lang sa pera, Apo. Kung maghihirap, edi maghihirap." Sabi nya habang pareho kaming naka-upo sa kama ko at sinusuklayan nya ang buhok ko.
"Lola..."
"Alam kong nahihirapan ka. Mahal kita at hindi ko hahayaang ikaw ang gagamitin para lang maibalik ang perang sila ang nagwaldas."
Iniabot nya saakin ang isang sobre. Agad ko iyong binuksan at nakitang naglalaman iyon ng malaking halaga.
"P-para saan po 'to?"
"Sakaling magbago ang isip mo, umuwi ka ng probisya Bella dun Kay Dhel."
Ayun. Si lola nga ang nagtulak saakin na magpunta ng Nueva Ecija. Dito nakatira si Tita Dhel. Ang anak-anakan ni Lola. Mabait sya at matagal ko na syang kilala. Walang asawa at mga anak.
Si Lance Kyle. Ang pinaka-rason kung bakit ako nandito ngayon. Mahal ko sya kahit 'di nya alam. Mahal ko sya kahit wala syang pakielam.
Nagsimula lang naman akong mahumaling sakanya nang minsang mapadaan kami sa isang mall at nagpe-perform sya sa stage.
Kung iniisip nyong nagustuhan ko sya dahil gwapo sya, mali. Napa-Yuck pa nga 'ko ng itaas nya ang t-shirt nya para ipakita ang abs nya. Humanga ako sa mas malalim na dahilan. Napa-OMG pa nga ako.
Mayroong isang grupo ng mga babae ang 'boo' ng 'boo' sakanila. Tinapos nya muna ang performance at nag-thank you sakanila. Laglag ang panga ko. See that? Nagthank you sa haters!
Pero, kasalukuyan syang nawawala. Bigla nalang umalis sa grupo nyang 'Overloaders' at di na ayaw sabihin kung nasaan. Kainis diba? Babalik rin daw ito, sa tamang pahon. Tsk. Kailan!?
"Cabiao na. Yung mga bababa dyan."
Agad kong inayos ang mga gamit ko ng marinig ko ang konduktor. Pagbaba ko ng bus, agad kong nakita si Tita Dhel na naka-abang.
"Belllaaaaaaa!" Piniga nya ko sa yakap.
"Jusko, ang ganda ganda mo na!" Dugtong nya.
Ngumisi ako at niyakap sya pabalik. "Salamat po."
Agad kaming sumakay sa tricycle papunta sa bahay nya. Hindi ako sanay. Pero kailangan kong masanay.
"Bukas na bukas, sasama ka saakin sa NEUST ha? I-eenroll kita."
Nakarating na kami sa bahay nya. Hindi ito tulad ng mansyon. Maliit at parang pang-isahan lang talaga.
"Uhm... Sorry po kung medyo pabigat po ak-"
"Ano ka ba! Hindi no! Ang laki ng utang na loob ko sa Lola mo. Atsaka, parang anak na kita." Ngumiti sya.
Ngumiti din ako. "Salamat po."
At gaya nga ng sinabi nya, sinamahan nya kong mag-enroll sa Nueva Ecija University of Science and Technology o NEUST. Akalain mong may university dito?
"Iwan muna kita, Bella. May nakita kasi akong kakilala."
Tumango ako. May iniabot sya saaking number. 18.
"Kapag tinawag ka, i-fill up mo lang yung mga papel na ibibigay sayo ha?"
Tumango ulit ako. Nang umalis sya nakita ko ang ilang estudyanteng nag-uusap sabay tingin saakin. Second sem na kasi, at alam nilang transferee ako. Hindi naman kasi ganoon kalaki ang school.
"18."
Agad akong tumayo at lumapit sa registrar. Inabutan nya ko ng mga papel. Agad kong ni-fill up 'yon.
"19."
Nag-iritan ang mga estudyante sa tabi-tabi. Marahil ay dahil sa lalaking #19 ang number na ngayon ay nasa tabi ko na.
Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung sino iyon. Damn! Its the freaking Kyle. I've always dreamed to be with!
He is here! STANDING BESIDE ME!
Nakakunot ang noo nya habang bahagyang nakalabi. Parang may 'di naiintindihan sa pini-fill up-an.
Bumilis ang tibok ng puso ko. MY LANCE KYLE IS HERE! It seems surreal. Parang joke. Parang panaginip.
"Miss? Anong dapat ilagay sa 'Status' kung may nagugustuhan ka? Single parin ba?"
"Uhm, O-opo, Sir." Sagot ng kinikilig na studyante sa loob ng registrar.
"Ngayon ko lang 'to nakita. Hindi ba pwedeng..."
Nanigas ang buong katawan ko ng tumingin sya saakin.
"...Currently Na-love at first sight?"
BINABASA MO ANG
Hundred Heart Breaks. <3
FanfictionPano kung naging kayo ng idol mo? Pano kung pinipilit ng parents niyo maghiwalay kayo, pero ayaw mo? Pano kung handa kang isakripisyo lahat? Mahal na mahal kita Kyle..... Abangan niyo nalang ang mangyayare.