Pabiling-biling ako ng higa. Ala-una na ng umaga, gising na gising parin ako. Hindi ako maka-get over sa nangyari kanina. Siguro kung 'di lang dumating si Tita... Nako!
Puro si Lance Kyle ang tumatakbo sa isip ko. Baka pagod na yun? Joke. Nakalimutan ko na may problema ko. Nakalimutan ko na tumakas pala ko. Na may tinakbukhan ako. Dahil sa kabila ng lahat, sinuswerte parin ako.
"Bella, sumama ka sakin sa farm ng kaibigan ko. Para naman maaliw ka. Punta tayo ng manggahan." Sabi ni Tita kinabukasan nang nag-aalmusal pa lang kami.
Farm? Bukid? Maputik ba dun?
"S-sige po." Sang-ayon ko kahit medyo napapangiwi.
"Maganda dun, mapuno."
Ngumiti ako ng plastic. Yun nga eh. Mapuno! Ayaw ko ng ganun.
Maya-maya lang, umalis na kami. Medyo malayo yung farm sa pupuntahan namin kaya kailan naming mag-bus. See? May bus. Di gaanong probinsya dito. Thank God.
"Saan po yung farm?" Tanong ko sa kalagitnaan ng byahe.
Hinahangin ang buhok ko. Di kasi airconditioned ang bus kaya bukas ang bintana.
"Cabanatuan. Lim farm."
Nanlaki ang mata ko. Lim? Tama ba yung dinig ko?
"P-po?"
"Oo. Kaibigan ko si Lizza, umuwi sila galing Maynila kaya bibisitahin ko."
Lizza? Si Tita Lizza? OH GHAD! Kaibigan nya pala ang Mommy ni Kyle!
"Sootin mo. Mainit kasi." Inabutan nya ko ng hat pagdating namin ng farm.
Napatulala ako sa malaking banner na may nakasulat ng "Lim farm"
"Sa manggahan tayo, Bella"
Sumama naman ako agad. Na-eexcite ako sa isiping nakatungtong ako sa lupa ng mga Lim.
"Sandali lang at mamimitas ako ng mangga. Banda dun." Tinuro nya ang mapunong parte. Tumango ako.
Pinagmasdan ko ang paligid. Mapuno. Mahangin. Malawak. Ang ganda. Parang paraiso. Napangiti ako.
"Kuya, ang hirap kaya. Ang dami ng nagtatanong tungkol sa pagkawala mo."
"Hindi nga pwede, Louis. Kailangan ako dito."
"Kailangan ka din dun!"
Napa-kunot noo ako ng may marinig na dalawang boses na nag-aaway.
"Kuy-"
"Tama na, Louis. Buo na ang desisyon ko."
Nalaglag ang panga ko ng matanaw sa di kalayuan ang dalawang lalaki na nakasakay sa tig-isang kabayo. Isang puti. At isang brown.
Napa-OMG ako ng mapagtanto kung sino sila. ANG LIM BROTHERS! Parehong topless at naka-pantalon lang!
"What the hell!?"
Sa pagkatulala ko, dirediretcho na pala ang lakad ko at may natapakan akong dumi ng hayop. Kadiri!
"Okay ka lang?"
Sa isang iglap lang, nasa harap ko na sila pareho. Omg!
"Pfft!" Narinig ko ang mapang-asar na tawa ni Louis.
Sinamaan sya ng tingin ni Kyle.
"Halika..." Naglahad sya ng kamay.
"Linisin natin 'yang sapatos mo." Dugtong nya.
Napatitig ako sa kamay nya. WHAT? Mahahawakan ko ang kamay nya?
Humalakhak sya. "Malinis 'yan."
Dahan-dahan kong inabot ang kamay nya. Ngumisi sya at tinulungan akong sumakay sa kabayo.
"Kapit." Sabi nya.
Nang di ako gumalaw, sya ang kumuha ng kamay ko at binalot sa bewang nya. Dammit! Hard! May abs!
Napakagat-labi ako ng maamoy sya. Manly scent!
Napangiti ako ng tumakbo ang kabayo. Nueva Ecija is a paradise. Where this God-like creature is found.
No doubt. Wala akong pinagsisisihan sa desisyon ko. Daig ko pa ang nasa langit.
BINABASA MO ANG
Hundred Heart Breaks. <3
FanfictionPano kung naging kayo ng idol mo? Pano kung pinipilit ng parents niyo maghiwalay kayo, pero ayaw mo? Pano kung handa kang isakripisyo lahat? Mahal na mahal kita Kyle..... Abangan niyo nalang ang mangyayare.