---Sa sala pa din---
Savanah's pov
kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa sofa set ng biglang may nag abot sakin ng tubig..
"insan tubig oh." Ah, di Maverick lang pala..
"insan, thankyou.."
"wala yun.. nasa labas nga pala si tita Thea, kinakausap yung Chester na yun.."
"wala akong pake."
"Tss. kwento ka nga tungkol sa buhay mo? wala na kong balita sayo since nung naghiwalay kayo nung ex mong salawahan e!"
"binabalikan nya ko.."
"what? why? how? pano nangyare yun!?"
"ewan ko.. basta, one time nagkta kami, bigla nalang nya kong kinausap.."
"tss. don't let him fool you again ok?"
"insan, nafifeel ko yung sincerity nya sa bawat salitang binitiwan nya.."
"yan! dyan ka nanaman maloloko! sa sweet words nyang yan!"
"ewan ko insan.. everybody deserves a second chance.. diba?"
"not all the time insan. ang tao, bigyan mo man ng second chance, hindi pa din magbabago yan.--"
"Maverick.." sabi ng isang boses na nagtatago sa divider ng sala at dining table. boses ng nanay ko -.-
"yes tita? what can i do for you?"
"c-can you leave us for a while? i just.. i just want to talk to ny daughter.."
wow, guys, 'daughter' daw oh? hahahaha -.- plastik. tumingin naman sakin si Maverick at nagtanong gamit ang mga mata nya..
tumango nalang ako bilang oo.. pagkaalis nya.. tumabi naman sakin si mama..
"anak, can we talk?"
"naguusap na tayo diba?" tinuon ko ang tingin ko sa Magazine na hawak ko..
di nyo din ako masisisi kung magtataray ako sa nanay ko. for 19 years, di ko manlang naramdamang nanay ko sya.
"anak, sorry for all the wrong things i've done.. alam mo namang ginagawa ko lang to for your father and your Grandfather hindi ba?" yes. si abuelo (lolo) ang dahilan ng lahat ng to.
Gusto nya kaseng mapangalagaan ang apelyidong iningatan nya for decades.. kaya naman gusto nyang pagdating sa mga mamahalin namin, gusto nya safe kami..
at sa una palang, hindi na sya botot sa pagiibigan ng mama at papa ko. pero dahil mapilit si papa, napapayag nya si lolo.
"sincere ba yan?"
"anak naman eh! T3T" eh? ang cute ni mama. nag pout!
"ay nako mama. wag ka nga magpout dyan! mukha kang teenager na ewan eh!"
"bati muna tayo! T3T"
"eh? oo na nga sige na! naiintindihan ko naman kung bat ka nagkakaganyan eh!"
"ayeeee! thanks anak! mwa mwa!"
"tss! haha oo na!pero this doesn't mean na pumapayag na kong makasal sa Chester Sy na yun ok?"
"Yes anak! after all these years tayo pa din naman ag magkakampi hindi ba?"
"trula! hahaha!"
*beep!*
"ay wait lang mama may nagtext!"
'babae, bat andito pa tong Chester na to? lumabas ka na dito at samahan mo ko! nakakawkward na ang atmosphere dito! labas ka na oy!"
natawa nalang ako sa sinabi ng pinsan ko..
"mama, nagtext si Mev, puntahan ko lang ha?"
"sure sige ihja.."
---Sa Garden---
"pst, Mev!"
"waaah! insaaan!"
"tumigil ka nga. para kang bata dyan."
"Oy, yung Fiancee mo, ayoko sya para sayo." sabay irap nya. aba ok ah? makairap? tusukin ko mata neto eh!
"ayoko din sya para sa akin."
"paalisin mo na!"
"tss."
lumapit ako kay Chester..
"umm, Chester, di ka pa ba uuwi? gabi na oh?"
"pinapalayas mo na ba ako fiancee?"
"wag mo kong tatawag tawaging fiancee dahil di ko gusto ang makasal sayo."
"tss. let's see. pakisabi nalang kay tita Althea na umalis na ko. bye fiancee ;)"
at umalis na nga ang loko.
"ang yabang talaga nun.
"sinabi mo pa. hay nako!!!"
"osya insan, uuwi na ko. pasabi nalang kay tita ok?"
"sige, ingat insan!"
at umalis na din ang loko. hayys. makapasok na nga sa loob!
---Sa loob ng bahay---
"Grabe talaga yang Chester na yan!!!! ang yaaaaabaaaaang! hayy nako!"
"sinabi mo pa!"
"wag kang papayag na maging asawa nun ok? ayoko syang maging in-law!"
"Oo naman no! i'll fight for my freedom na!"
"and for the love of your life!"
"ha? achie Meg, di ko gets."
"sus! shobe, alam naman natin na mahal mo pa din si Darwin even though 3 years na ang nakakalipas! ako paba lolokohin mo?"
"ehh?---"
"at lingid sa kaalaman mo, sinusubaybayan ka ni lolo kahit nung nasa Paris ka.. alam nya lahat sayo!"
"kung ano talaga ang gusto ni lolo, yun lang talaga ang masusunod.."
"gusto mo bang ipaglaban ang pagiibigan nyo ni Darwin?"
"Oo naman.. siguro? ewan.."
"edi DISOBEY him!"
"alam mong di ko kaya yan."
"why? dahil alam mong ikaw ang paborito ni abuelo?"
"mabait naman si abuelo at times.. kwela pa ngang kasama e. kaso, may pagka bossy lang.."
"hay nako! ewan ko sayo Savanah Eris De Guzman! pag hindi mo pinaglaban ang kung anong namamagitan sa inyo ni Darwin.. you'll gonna regret it!"
"wala namang namamagitan samin ni Darwin eh. :3"
"ngayon wala, pero sa susunod na mga araw?"
"matutulog na ko!"
sabay akyat ko sa kwarto.. naririnig ko pa din yung mga sinasabi ni achie na.. kesyo ang shunga shunga ko daw and etc! hays bahala sya dyan! XD
Someone's pov
nandito ako ngayon sa aking office kinakausap ang in-law ko..
"Just relax, Thea.. hindi ko naman itutuloy ag binabalak ko eh.." inikot ko ang aking swivel chair.. sabay sabing.. "I just want to see how a De Guzman lady fight for her love."
BINABASA MO ANG
One More Chance
Ficção AdolescentePara sa mga taong handang isugal ang SECOND CHANCE sa taong, hanggang ngayon, mahal na mahal na mahal pa rin nila..