Chapter 10

100 1 0
                                    

[Rhiz's POV]

Pagmulat ko puro puti ang nakita ko kaya pinagmasdan ko ang buong paligid.

Ospital?

Bakit nasa ospital ako?

"Mom."- sabi ko kay mommy, nakita ko kasi si mommy na nakahiga sa may kamay ko kaya hinawakan ko ang kamay niya

Medyo nagising ma si mommy at nagulat siya ng makitang gising na ako.

"Oh my god, Rhiz baby ok ka lang ba, gusto mo bang tumawag si mommy ng doctor?"- sabi ni mommy

"No mom, I'm alright kaya wag ka ng magalala."- ako

"Panong di ako magaalala baby, tumakas ka ng bahay ng walang paalam then malalaman namin nasa ospital ka na. "- mom

Bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si dad.

"Princess"- sabi ni dad at niyakap ako

"Dad don't worry na ha. Ok na ko, wag ka ng gumaya kay mom masyadong nag-aalala tatanda yan"- biro ko

"Oy Rhiz ha, wala namang ganyanan"- sabi ni mom at sumali sa hug namin.

"Hi Rhiz, Ahm Hello po Tito and Tita"- Jared

"Oh ayan na pala ang magbabantay sayo eh"- sabi ni dad at umalis na sila ni mom

"Ok ka na ba bes?"- jared

"Ahm oo. Medyo masakit lang ang ulo ko"- ako

"Bes, may gusto akong itanong sayo"- sabi ni Jared

"Ano yon bes?"- ako

"Bakit ka basang basa at walang malay nung iniuwi ka ni Alex nung gabing nagkita tayo?"- jared

Nagulat ako sa tinanong ni Jared. Shittt.. Anong sasabihin ko  sa kanya?!

"Ahm naisipan ko kasing maligo sa ulan e. Tagal na din kaya nung huli akong naligo sa ulan"- ako

"Oo nga, pero Bes kaya ka tumigil sa paliligo sa ulan dahil mahina ang resistensya mo. Mabilis kang dapuan ng sakit kaya diba dinala ka nina Tito sa America"- sabi niya

"Kaya Rhiz anong pumasok sa utak mo at naligo ka sa ulan?"- jared

"Gusto ko nga diba. Hindi naman siguro masama na kahit minsan maranasan ko ulit na maligo sa ulan?"- medyo naiinis sa sabi ko

"Pero tingnan mo ang naging resulta Rhiz, naospital ka."- kalmadong sabi niya.

"Jared kahit naman papaano gusto ko ulit maranasan ang mga ginagawa ko noong bata pa ko. Gusto ko gawin lahat ng mga ginagawa natin noon pero ano Jared mahina ako, wala nga akong sakit but anytime pwede akong magkasakit"- naiiyak na sabi ko

"Rhiz magpalakas ka at magpagaling ka. Promise dadalhin ko ikaw sa isang special place pag nakalabas ka na ng ospital ."- sabi ni Jared

Kring......Kring.....

Nagring ang cellphone ni Jared at sinabi niya na sasagutin lang niya

"Hello Auds...."- sabi niya habang nakikipag-usap dun sa tumawag at lumabas na.

"Promises are meant to be broken Jared."-sabi ko at natulog na

[Jared's POV]

Tinawagan ako ni Audrey tinatanong sakin kung kamusta na daw ba si Rhiz. Kaya sinabi ko na ok na siya.  Nung natapos na kami mag-usap bumalik na ko sa room ni Rhiz at nakita kong mahimbing na siyang natutulog.

'Promises are meant to be broken Jared'

Narinig kong sinabi yan ni Rhiz di ko kasi masyadong naisara yung pinto. Nilapitan ko si Rhiz at tiningnan siya. Ang himbing ng tulog niya pero namumutlamutla padin siya.

Inlove with my Bestfriend (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon