Chapter 3

148 1 1
                                    

[Rhiz's POV]

2 months has passed.

{Kung ako nalang sana ang iyong minahal-)

Gen Calling

"Gen bakit?"- ako

("Don't mean nakahiga ka parin sa kwarto mo? Oi malelate ka na?")

"Wala man lang Hi. Hindi ako papasok ngayon , masama pakiramdam ko"

("Bakit naman iniisip mo na naman siya noh?")

"Hay Gen, inaantok pa ko"- ako

("Oi babae may quiz po tayo ngayon sa calculus kaya tumayo ka na diyan at maligo na")

"Quiz?!"

Dali dali akong tumayo at naligo. Quiz yun kaya nagmamadali ako lalo na at running for honors ako napakagrade conscious ko kaya kahit simpleng quiz di ko pinapalampas. Pagkatapos ko maligo kumuha nalang ako ng damit na teterno sa wedge ko. Tumakbo na ko pababa buti nalang di ako nadapa. Habang tumatakbo ako naalala ko   na day-off pala ni Manong ngayon kaya no choice ako gagamitin ko ang sasakyan ko. After 5 minutes nakadating na ko ng school.

"Oh buti naman nakarating ka ng buhay"- sabi ni Gen habang tumatawa

"Che!"- sabi ko saka nagpunta ng room

Pagkadating ko sa room sumubsob na ko sa arm chair ko dahil antok na antok padin ako.

"Ms. Estrada, wake up"- maam Devon, teacher namin sa Biologt

"Ms. Estrada"- ulit ni maam

"Hmm ma'am, bakit po"- sabi ko ng matamlay

"Ms. Estrada are you sick?" Sabi sakin ni mam habang hinahawakan ang leeg ko

"Ma'am I'm fine"- sabi ko at umupo na ng ayos

After ng ilang discussions natapos na ang klase. Pero masama talaga ang pakiramdam ko eh.

"Rhiz halika na punta na tayo sa cafeteria para mainom mo na ang gamot mo?"- Amethyst

Habang papunta kami sa may cafeteria nakarinig kami ng tilian at hiyawan. Kaya sumilip kami sa may corridor at nakita namin kung pano haranahin ni Jared si Audrey, at mukhang kinuntsaba pa niya ang banda nina Justin para sa panliligaw niya.

Ngayon pala niya liligawan si Audrey. Aaminin ko nasaktan ako pero di ko nalang pinakita.

Dahil hindi ko na kinaya yung nakikita ko, tumalikod na ko at aalis na sana nung makaramdam ako ng hilo. At unti unti nagblublurr ang paligid ko

and everything went black.

[Amethyst's POV]

Hi I'm Amethyst Gianna Torres bestfriend ni Rhiz. Andito kami ngayon sa clinic dahil nahimatay si Rhiz.

Flashback:

"Guys, ahm aalis na ko ha"- sabi ni Rhiz na nagmamadali ,alam namin na nasasaktan siya. Eksaktong pagkatalikod niya bigla  nalang siyang nahimatay buti nasalo namin siya

"Rhiz"- sigaw namin nina Fatti

Dali dali namin siyang dinala sa clinic. Buti tinulungan kami ni Sir David. Chineck up muna siya ng doctor then sinabi samin na ok na daw si Rhiz kulang lang sa kain at tulog.

--Flashback Ends

Hanggang ngayon hindi parin nagigising si Rhiz putlang putla nga siya ngayon eh. Ok narin muna na ganito siya dahil paggising niya siguro mas masasaktan lang siya.

Inlove with my Bestfriend (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon