Chapter 14

47 1 0
                                    

[Rhiz's POV]

"Long time no see, Rhiz"- seryosong sabi niya sa akin.

Humarap ako sa kanya at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin.

"Sino ka ba talaga Ethan?"-ako

"Rhiizzzz"- sigaw ni Jared kaya napalingon ako

"Hindi pa ito ang tamang panahon para makilala mo ako Rhiz"- sabi ni Ethan at biglang umalis

"Oi bes! Bakit ka nandito, sinong kausap mo?"- sabi ni jared na halatang alalang alala sa akin

"Ahh wala bes may nagtanong lang sakin"- ako

Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Jared.

"Bes pinag-alala mo ako ng sobra sobra, wag ka na aalis ulit ng di nagpapaalam."-bulong sa akin ni jared habang nakayakap padin sa akin

"Bes promise hindi na ko aalis ng di nagpapaalam"- ako

"Oi andyan lang pala kayong dalawa. Hinahanap na kayo ni tito at tita"- sabi ni saige

Sabay sabay na kaming bumalik sa may garden at nakita ko si mommy na nakikipagkwentuhan kay Tita Thea.

"Oh andyan na pala si Rhiz at Jared. Pwede na tayo umalis "- sabi ni tita thea

"Mom, san tayo pupunta?"-jared

"Sa restaurant nina rhiz."- tita thea

Nagpunta na kami sa restaurant namin at mukhang pinareserved talaga ni mommy ang buong restaurant kasi close na siya for customers.

"Ma anong meron ngayon?"- tanong ko kay mommy nasa kitchen kasi kami ngayon

"Celebration ng pagkapanalo niyo baby"- sabi ni mommy

"Ahh okay. Ma puntahan ko muna sina Amethyst"- ako

"Okay baby. Ireready lang namin yung mga foods. entertain your friends first,"- mom

Lumabas na ko sa kitchen at nagpunta sa 2nd floor andoon kasi sina fatti e.

"HeY Rhiz. Si Benedictos ba ang kausap mo kanina?"- sabi ni Saige na kasabay ko pagakyat

"Oo saige. Pero hindi kami masyadong nakapag-usap dahil dumating si Jared."- ako

"Kilala mo ba siya Rhiz?"- saige

"Hindi Saige. Pero ikaw kilala mo ba siya?"- ako

"Oo dahil sa business"- saige

"Pero saige familiar sakin si Ethan. Para bang nagkita na kami noon"- ako

"Oi Rhiz. Halika bili picture tayong mga girls"- sabi sakin ni Fatti at hinilaako papunta kina Amethyst.

"Sige Rhiz mamaya na tayo magkwentuhan"- sabi ni Saige

Nagpicturan lang kami ng nagpicturan hanggang sa tinawag na kami nina mommy.

"Guys, baba na kayo."- sabi ni mommy

Bumaba na kaming lahat at nakita namin na maraming foods ang nakahain. Pumili na kami ng upuan at saka nagsimulabg kumain. Kaming magbabarkada lang ang magkakasama pati mga magulang namin nina Jared, Saige, Mandy, Fatti, Alex at Audrey. Habang kumakain kami biglang may nagbukas ng pinto.

"Sorry I'm late. Traffic kasi e"-sabi ni kuya mike na kararating lang at umupo sa tabi ni Ate Janine.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain ng biglang nagsalita si Mommy

"Mike bakit hindi ka yata masyadong nakain"

"Ahm tita medyo busog pa kasi ako."- sabi ni kuya mike

"Janine, okay ka lang ba?"- biglang tanong ni Tita Thea kay Ate Janine na nakatulala sa pagkain niya

"Ahh ma, okay lang ako."- sabi ni ate at tumuloy na sa pagkain

Hanggang ngayon hindi padin naguusap o nagkikibuan man lang si Ate Janine at Kuya Mike after their breakup ngayon nalang sila ulit nagkita.

"Mike, I heard sa states mo na itutuloy ang pag-aaral mo"- sabi ni mommy

"Ahm yes tita. After this semester pupunta na ko ng new york. For good na din siguro ang pagtira ko dun."- sabi ni kuya mike

"So it means hindi ka na babalik dito?"- tanong ni tita thea

"Maybe Tita. Siguro vacation na lang"- kuya mike

"Hey Jared the girl beside you is Audrey right your girlfriend?"- tanong ni Tita May mommy ni Fatti

"Yes tita May. She's Audrey my one and only."- jared said while smiling

[Shaira's POV]

"Yes Tita May. She's Audrey my one and only"- sabi ni Jared sa mommy ni Fatti

Nung sinabi yan ni Jared paulit ulit nalang siyang nagrewind sa utak ko. I love Jared since 1st year highschool. He's my first love, and also my first heartbreak. Kaya hindi ko maiwasang hindi masaktan lalung lalo na't ang bestfriend ko ang mahal niya.

"Hey Shai. Ok ka lang ba? After nung dinner natin di ka na umimik, May problema ba?"- Chloe

"Chloe bakit masakit. Ansakit eh. Mahal ko si Jared e pero bakit hindi niya ko magawang mahalin. May kulang ba sa akin?"- ako

"Shai, alam kong masakit pero kailangan mong tanggapin e. Saka kaibigan ka ni Audrey kaya sana maintindihan mo na siya talaga yubg gusto ni Jared"- sabi ni Chloe at niyakap ako

Jared mahal na mahal kita kahit anong mangyari.,

[Alexander's POV]

"Hey, mind if I join you"- sabi ko

Tumingin lang siya sa akin at saka tumango

"Okay ka lang ba Rhiz?"- ako

"I don't know Alex."- sabi niya

"May problema ba?"- ako

"Alex masakit e. Ang sakit sakit padin pala."- sabi niya habang lumuluha

"Rhiz alam kong masakit pero wala tayong magagawa si Audrey talaga ang mahal niya"- ako

"Alex paano mo natitiis ang sakit?"- sabi niya

"Siguro dahil sanay na ako. Sanay na kong masaktan"-sabi ko

"Alex sorry ha, sorry dahil hindi kita magawang mahalin"- sabi niya

"Hahaha rhiz naman e. Ok lang yun. Tanggap ko naman e. Basta ang ayoko sa lahat yung nakikita kitang umiiyak"- sabi ko habang lumuluha at niyakap siya

"Alex mahirap ba kong mahalin?"- tanong niya

"Hindi Rhiz. Hindi ka mahirap mahalin"- sabi ko

"Pero bakit hindi niya ko magawang mahalin?"- tanong niya sa akin

Hindi ko din alam Rhiz e. Magkatulad lang tayo hindi ko din alam kung bakit kahit anong gawin ko hindi parin ako ang nilalaman ng puso mo.

-----------------

Sorry po sa late update.. :)

Inlove with my Bestfriend (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon