[Jared's POV]
"Hoy Jared! Kalalaki mong tao ang bagal bagal mong kumilos baka nakakalimutan mo Ballroom Contest niyo na ngayon"- sigaw ni Ate Janine na nasa baba
"Oo na ate, pababa na ko."- sabi ko habang bumababa sa hagdan
"Oh halika na punta na tayo sa school mo"- sabi ni Ate
"Ate mas excited ka pa sakin e"-sabi ko
"Syempre naman supportive kaya ako sayo, kaya halika na"- sabi ni Ate at hinigit na ko papunta sa kotse at nagdrive na siya papunta sa LakeView.
Habang nagdridrive si Ate bigla siyang nagsalita.
"Kamusta na kayo ng girlfriend mo hindi ko pa siya nakikita in person ha"- sabi ni Ate
"Ok naman kami. Mamaya makikita mo na siya ate"- ako
"Kayo ni Rhiz kamusta na?"- ate
"Ok naman kami, ganun padin tulad ng dati. Eh kayo ni Kuya Mike?"- ako
"Wag muna natin pag-usapan yung lalaking yun"- sabi ni ate na parang naiirita
Well, Ex ni ate Janine si Kuya Mike, 2years na silang break pero kahit kailan hindi samin sinabi ni Ate Janine kung bakit sila nagbreak.
"Ate kelan mo ba sasabihin kung bakit kayo nagbreak ni Kuya Mike?"- ako
"Sa tamang panahon Jared."- sabi ni Ate
After 30 mins. nasa LakeView na kami marami rami na ding tao pero last pa naman kami magpeperform kaya ok lang na malate ng kaunti.
Pumunta na kami sa may garden ng school dun kasi gaganapin ang event. Napansin kong halos lahat ng kaklase ko andito na bukod lang kay Auds at Rhiz. Bakit kaya nalate si Auds? Si Rhiz naman laging dramatic entrance yan e. Laging pag may event siya ang huling dadating.
"Asan na girlfriend mo?"- tanong ni Ate
"Wala pa e. Kahit nga din si Rhiz wala pa"- ako
"Yun pang bestfriend mo . Nagpapaganda pa yun kaya yun late. Hindi ka na nasanay dun"- ate
"Ate sanay na sanay na ko dun kelan ba yun hindi nalate"- ako
"Nung flight nila papunta sa America noon, di ba hindi nalate si Rhiz noon. 1 hour before the flight nasa loob na sila ng airport"- bulong ni Ate pero rinig ko pa din
"Bubulung ka na nga lang ate yung maririnig ko pa "- sabi ko
"Ui tingnan mo may babae ng parating"- sabi ni Ate "Yan ba si Audrey?"
"Oo ate siya si Auds"- sabi ko at lumapit kay Auds
"You look so beautiful tonight honey"- ako
"Haha thank you Bunch! :)"- sabi niya sa akin at pumunta na kami kung saan naka pwesto si ate Janine
"Ate this is Audrey, my girlfriend. Auds this is Ate Janine, my sister"- ako
"Nice meeting you, Audrey"- ate at nakipagbeso kay Auds
"Nice meeting you din po Ate Janine"- sabi ni Auds
"Ui Saige naitext mo na ba si Rhiz kung asan na siya?"- rinig kong tanong ni Fatti
"Oo kanina pa, pero di siya nagrereply nung tinawagan ko naman di sinasagot yung phone. Baka on the way na yun. Di ka pa nasanay lagi namang late yun"- saige
"Nag-aalala lang ako first-time lang siyang nalate ng ganito katagal"- fatti
"Hey guys. Baka papunta na yun. Intayin nalang natin."- sabi ko
BINABASA MO ANG
Inlove with my Bestfriend (REVISING)
Teen FictionWhat if mainlove ka sa Bestfriend mo, sasabihin mo ba sa kanya ang nararamdaman mo o iaasa mo nalang sa TADHANA ang mangyayari sa inyo?