[Rhiz's POV]
After ng ballroom contest balik na kami ulit sa dati. May classes na at malapit na ang exams kaya todo aral kami.
This past few days mas nagiging close kami ni Alex. Every lunchtime lagi kaming magkasabay paminsan minsan din hinahatid niya ko sa bahay namin. Masaya ako pag kasama ko siya pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.
Recess ngayon at kasama ko ang barkada nasa may cafeteria kami at nagkwekwentuhan.
"Hey guys after ng exam sa Friday san niyo gustong gumala?"-sabi ni Saige
"Manuod tayo ng sine?"- suggest ni vince
"Ayoko na manuod ng sine lagi nalang kasi ganun ang ginagawa natin after exams. Iba naman"- sabi ni Mandy
"Punta nalang tayo sa amusement park. Tagal nadin since last tayong pumunta na magkakasama"- sabi ko
"Agree ako kay Rhiz. Kayo ok sa inyo?"- tanong ni Amethyst
"Ok lang din samin"-sabi ni Fatti at Mandy
"Oks samin ni Saige"- sabi ni Vince
"Kaw Alex ok lang sayo?"- sabi ko kay Alex
"Ok lang"- sabi niya at ngumiti
"Ahemmm. Napapansin ko lang ha. Close na kayong dalawa. Don't mean may something sa inyong dalawa"- sabi ni Vince
"We're just friends, yun lang. So sa EK tayo sa sabado ha"- sabi ko
"Hindi mo man lang ba ako tatanungin bes kung ok lang sa akin?"- sabi ni Jared
"Hindi bes. Alam ko naman na ok lang sayo. Isasama mo pa nga diba si Audrey."- sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya
After ng ballroom contest iniwasan ko na si Jared naging cold na ang pakikitungo ko sa kanya. Ayoko na kasing umasa at masaktan pa
"Paano mo naman nasabi na isasama ko si Audrey"- sabi niya
"Jas and Shaira texted me. Hindi pa nga kita tinatanong nagsama ka na. So that means ok lang sayo "- sabi ko
Natahimik sila sa sinabi ko. Ang awkward ng situation namin dahil first time kong sinagot na ganon si Jared.
"Oi gutom na ko. halika na saige bili na tayo ng makakain"- pambasag ni Vince ng katahimikan niyaya na din niya kami
Tatayo na sana kami ng biglang nagsalita si Jared
"Mauna na kayong bumili may paguusapan lang kami ng BESTFRIEND ko"- sabi ni Jared at hinigit ako palabas ng cafeteria. Medyo mahigpit ang hawak ni Jared sa kamay ko kaya nasaktan ako ng konti
"Ano ba Jared nasasaktan ako."- sabi ko dahil namimilipit sa sakit ang kamay ko
Pero hindi parin niya ko pinapansin nung nakarating kami sa may rooftop binitawan na niya ang kamay ko. Pagtingin ko sa kamay ko ang pula na. Sa sobrang inis ko kaya Jared sinigawan ko siya
"Bakit ba basta basta ka nalang nanghihigit anong akala mo sa akin garter na pwedeng higitin"-sigaw ko sa kanya
Pero hindi niya ko pinansin
"Ano bang nangyayari sayo Rhiz. Bigla bigla ka nalang umiiwas sa akin. Tapos tuwing si Audrey ang topic natin parang inis na inis ka. May problema ka ba sa amin?"- tanong niya sa akin habang nakatingin sa may ulap
"Wala akong problema sa inyo. At kahit kailan hindi ko kayo proproblemahin."- sabi ko sa kanya
"Pero bakit ganyan kang kumilos. Bakit parang nawawala na yung bestfriend na nakilala ko"- sabi niya sa akin
"Ok lang naman na mawala ako sayo diba. Mawala na ang lahat wag lang si Audrey diba. Mas pipiliin mo siya kaysa sa akin diba?"- sigaw ko sa kanya habang may namumuong luha sa mga mata ko
Natahimik si Jared sa sinabi ko at napayuko.
"Hindi ka makaimik dahil tama ako. Ano nga bang laban ko eh girlfriend mo siya at ako bestfriend lang na nangiwan sayo noon"- sabi ko sa kanya
Aalis na sa ako sa rooftop pero may sinabi muna ako sa kanya.
"Wag kang mag-alala Jared hindi ko kayo pinagbabawalang sumama ni Audrey sa sabado"- sabi ko at tuluyan ng umalis
Pagkababa ko sa may rooftop nakita ko si Alex na nagaabang sa akin.
"Iyakin ka talaga"- sabi niya sa akin
"Oii anong iyakin hindi kaya ako umiyak"- sabi ko at nagpout
"Palusot mo laos na. Halika na nga may klase pa tayo. Mamayang awasan magmamall tayo. Kaya wag ka nang malungkot"- sabi ni Alex at ginulo ang buhok ko
Habang papunta kami sa room. Nakasalubong namin si Ethan. At nagulat ako ng ngumiti siya sa akin.
'Bakit parang kilalang kilala kita Ethan? Sino ka ba talaga? At kelan ang tamang panahon para malaman ko kung sino at ano ka sa buhay ko'
[Alex's POV]
Napansin kong natulala si Rhiz nung nakasalubong namin si Benedictos.
"Oi nahynotized ka ba ni Benedictos kaya natulala ka?"- sabi ko kay Rhiz
Pero hindi parin ako sinasagot kaya ang ginawa ko pinitik ko yung tenga niya
"Ouch. Ansakit."- sabi niya
"Tulala ka kanina ah. Crush mo siguro si Ethan noh"- sabi ko sa kanya
"Hindi ah. Masyado lang siyang mysterious sa akin."- sabi niya at pumasok ng room
After ng classes namin dumiretso agad kami sa mall at gumala.
"Alex gusto ko manuod ng sine"- sabi niya
"Ano naman ang gusto mong panuorin?"- sabi ko
"Diary ng Panget"- sabi niya
"Diary mo?"- sabi ko at napansin kong ang sama ng tingin niya sa akin
"Ito naman hindi mabiro. Halika na nga at panuorin na natin ang Diary mo"- sabi ko at tumawa
----------------------
Chapter 15-Part 1
BINABASA MO ANG
Inlove with my Bestfriend (REVISING)
Teen FictionWhat if mainlove ka sa Bestfriend mo, sasabihin mo ba sa kanya ang nararamdaman mo o iaasa mo nalang sa TADHANA ang mangyayari sa inyo?