[Rhiz's POV]
"Alex ok ka lang ba?"- tanong ko kay Alex na bigla nalang natulala nung sinabi ko sa kanya na aalis na ako next school year.
"Ah oo naman. Halika na uwi na tayo may pupuntahan pa kasi ako"- sabi ni Alex
Hinatid na ko ni Alex pauwi at ang nakakagulat di na siya nagpaalam eksaktong pagkababa ko pinaandar na niya ang sasakyan niya.
~I never seen a diamonds in the flesh I got my~
{Fatti Calling}
"Hello Fatti bakita ka napatawag?"- ako
"Bukas na daw ang tryout sa tennis ililista ba kita?"
"Saan magtratry si Audrey?"- sabi ko imbis na sagutin ang tanong niya
"Volleyball yata, wag mong sabihin magtratry out ka sa volleyball dahil gusto mong angatan si Audrey."
"Magaling naman ako magvolleyball ah."- ako
"Pero mas magaling ka sa tennis, saka cheer captain ka at kasali ka pa sa swimming team diba?"
"Yeah."
"Oh tingnan mo ang dami mo nang sinasalihan baka magkasakit ka pa pag dinagdagan pa. Basta ha sa tennis lang kita ililista. Bye."
~Toot Toot~
Hays. Ang boring naman dito sa bahay e, saan kaya makapunta?
"Rhiz iha pinapapunta ka ng mommy mo sa hotel niyo."- sabi ni manang Aida
"Ahh sige po manang."- ako
Dahil walang driver ngayon, ako muna ang magdrdrive, yung Jaguar na sasakyan ko ang dinala ko. Last time kasi yung Mercedez Benz ang ginamit ko. Tinawagan ko si Mommy at sinabing on the way na ko.
After 5 minutes biglang nagvibrate ang cellphone ko, nagtext pala si Mommy.
Rhiz, dumaan ka muna sa boutique nina Amethyst naka ready na dun yung dress na pinili ko for you. May formal event kasi dito sa hotel.
Dahil sa text ni Mommy dumaan muna ako sa boutique saktong naandoon si Amethyst at Mandy.
"Hi girls"- sabi ko pagkapasok ko
"Hi Rhiz, bakit ka naparito?"- Mandy
"Kukunin ko yung dress na pinili ni mom for me. My event sa hotel."- ako
"Oo nga pala. Wait kukunin ko lang."- Amethyst
"Ahh so yan pala yung event na pinaghahandaan ni mommy"- sabi ni Mandy
"Alam mo ba kung kaninong event?"- ako
"Hindi e. Basta isa daw sikat na businessman"- Mandy
"Pupunta ka mamaya?"- ako
"Nope. Alam mo namang wala akong hilig sa mga ganyan. Baka si Fatti, Saige, Alex, Vince at Jared pumunta"-Mandy
"Si Amethyst kaya pupunta?"- ako
"Hindi din ako makakapunta Rhiz. Ito na yung gown"- sabi ni Amethyst na kakalabas lang bitbit yung dress ko
"Thanks, ang ganda naman nito. Pero bakit di ka makakapunta?"- sabi ko habang tinitingnan yung sleeveless longdress ko na color with with a touch of blue
"Tinatamad ako, saka ako muna ang magbabantay ng boutique pero pupunta naman sina Mommy"- Amethyst
"Ah ok. Bye girls"- sabi ko at umalis na
After 10 minutes andito na ko sa hotel pumunta muna ako sa presidential suite para dun magbihis. Pagkatapos kong magbihis tiningnan ko muna kung may text ako, and hindi nga ko nagkakamali dahil may message si Fatti sa akin.
BINABASA MO ANG
Inlove with my Bestfriend (REVISING)
Teen FictionWhat if mainlove ka sa Bestfriend mo, sasabihin mo ba sa kanya ang nararamdaman mo o iaasa mo nalang sa TADHANA ang mangyayari sa inyo?