Chapter 12

67 1 3
                                    

[Rhiz's POV]

Andito ako ngayon sa may garden sa likod ng school, napaaga kasi ako ng dating. Kukunin ko na dapat ang cellphone ko ng biglang may nagtakip ng mga mata ko.

"Oi sino to?"- tanong ko habang inaalis yung kamay niya

"Stalker mo"- sabi niya

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"JARED kelan pa kita naging stalker ha?"- ako

"Hahaha alam na alam mo talaga kung ako ang nagtatakip ng mata mo"-siya at tinanggal na ang pagkakatakip sa mata ko

"Anlangan,  eh ikaw lang naman po kasi ang kilala kong mahilig manakip ng mata"- sabi ko at akmang aalis na sa kinauupuan ko

"O saan ka naman pupunta?"- siya

"Sa room baka may tao na dun"- ako

"Ok. Halika sabay na tayo"- siya

Naglakad na kami papunta sa may room. Habang naglalakad kami nakasalubong namin sina Saige at Vince.

"Hey jared, kanina ka pa namin hinahanap. Pinapahanap ka kasi ni Audrey sa amin."- saige

"Ah sige una na ko Rhiz, guys baka nagaalala na ang honey ko. Bye"- sabi ni Jared at umalis na

Psh. Honey.. -.-

"Oy Rhiz sabay ka na sa amin"- sabi nilang dalawa

"Ahh wag na. May pupuntahan pa ko"- ako

"Eh malapit lapit na ding magtime."- sabi ni Vince

"Mabilis lang. Una na kayo"- ako

Pumunta muna ako sa may cafe sa tapat ng school. Nawalan na ko ng gana pumunta sa room e. Kung hindi namin nakasalubong sina Saige eh di sana kasabay ko si Jared.. Pagpasok ko sa may cafe bumili muna ako ng coffee saka isang slice ng cake.

"Hey Rhiz. Magtitime na ah bakit nandito ka pa?"- tanong ni Isa sakin may dala siyang slice ng cake at orange juice at umupo sa harapan ko

"Ahm boring kasi sa room e"- sabi ko

"Ahh sige sabay nalang tayo."- sabi ni Isa

Friend ko si Isa. Mas matanda siya sakin ng isang taon dapat nga 1st year college na yan.

"Ah sige"- ako

Nung naubos na namin yung cake pumunta na kami ni Isa sa school eksaktong pagdating namin magsisimula palang ang flag ceremony.

"Rhiz malapit na ang ballroom contest ah. Super excited na ko. Haha galingan niyo ni Jared ha"- sabi ni Isa

"Haha oo nga eh. Kinakabahan na din ako, "- sabi ko kay Isa

Pumunta na kami sa line namin at nagsimula na ang flag ceremony. Pagkatapos ng ceremony pumunta na kami sa room. Dumiretso ako sa chair ko at nilagay ang bag ko. Nung nakaupo na ko sa armchair ko bigla akong nilapitan ni Saige.

"Aalis ka na ba talaga next year?"- tanong niya pero mahina lang.

"Oo sa America na ko magcocollege"- sabi ko

"Alam na ba nila?" -siya

"Hindi pa . Paano mo nga pala nalaman?"- ako

"Sinabi ng mommy mo sa mommy ko"- siya

Inlove with my Bestfriend (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon