Simula
Agad-agad akong tumakbo papalapit sa bulletin board kung saan doon nakapost ang bawat section. At kailangan kong tignan iyon para malaman kung anong section ko, sana man lang ay magstay parin ako sa second section. Ayoko pumunta ng first!
Nakipagsiksikan ako sa mga estudyanteng maiingay na nakapalibot sa bulletin board. Halos itulak ko na ang iba na paharang harang. At kulang nalang matumba na ako dahil ang iba ang nababangga pa ako.
Ibang-iba talaga ang lugar na 'to. Ang mga tao ay ugaling taga siyudad, samantalang nasa probinsya kami. Nang makaabot na ako sa bulletin board, iniscan ko ang bawat apilido ng estudyante gamit ang hintuturo ko. Hindi na ako nagabala pa na magscan sa first section, hindi na ako nagbabaka sakaling nandoon ang pangalan ko.
Natapos ko ng i-scan ang second section, labis na kaba ang naramdaman ko ng mapansin kong wala doon ang pangalan ko. Dahan-dahan kong ibinaling ang atensyon ko sa first section, at yun agad ang unang-una nakita ng mata ko.
Power 30 (Section A)
2. Casales, Kirsten
Napaface palm ako. Paano ako nakasali sa Power 30?! Napakahirap sumali o pumasok sa first section, duguan daw ng utak doon! At ngayon 4th year pa ako nakapasok sa Section A kung kailan naman patapos na ang high school year ko, saka ako maghihirap?
Umalis na ako sa harapan ng bulletin board, nanlulumo akong naglakad papunta ng room ng Section A, nanghihina ang tuhod ko kasabay na pagnginig ng kamay ko, habang dahan-dahan kong binubuksan ang pinto.
Walang prof. pagkabukas ko, siguro ay nasa 15 na estudyante palang ang nasa loob ng room. Lahat sila ay may kanya kanyang ginagawa, pero karamihan sakanila ay nagbabasa ng textbook. Ganito ba talaga dito? Hindi ba uso pagkakaibigan dito? Napakaseryoso nila masyado.
Lumunok ako at dahan dahan naglakad sa pangatlong row, at umupo sa pangalawang upuan. Sa pangatlong row lang kasi walang nakaupo. Inilabas ko ang cellphone ko at tinext ang mga kaibigan ko, malamang naghihintay sila sakin sa room ng Section B, pero sa kasamaang palad. Sa lahat ng section dito pa ako mapupunta.
Napunta ang atensyon ko sa lalaking relax na relax na nakasandal sa kanyang upuan at nakangisi ito ng malaki.Hindi ko alam bat ito nakangisi, pero.. hindi ko maitatanggi na gwapo siya. Tumayo siya sa upuan niya at lumapit sakin. Tumingin-tingin ako sa paligid baka may katabi ako, kasi pakiramdam ko nakatingin siya sakin eh.
Tumingin ako sa blackboard para iwasan ang tingin niya. Naramdaman ko ang pag-galawa ng katabi kong katawan, at ang amoy na nakakahumaling, ang bango naman niya. Lumunok ako.
"You saw something right?" napatingin ako sakanya, at nanlaki ang mata ko. Ano naman ang nakita ko? Ni wala akong matandaan na may nakitang masama! "Hindi ko alam ang sinasabi mo.." mahinang sambit ko.
Mapanukso siyang ngumiti. "I know you saw something, and keep that as a secret." sabi niya sa malalim na boses na nakapagpataas ng balahibo ko at pagbilis ng tibok ng puso ko.
Secret?
--x
BINABASA MO ANG
A Secret
Teen FictionMay iba't-ibang klase ng sikreto. May mga sikretong kailangan itago at mayroon namang hindi. Pero sa buhay natin, kapag tayo ang naging sikreto ng isang tao, gustong-gusto natin mabunyag. Mahirap maging sikreto lalo na kung hindi mo alam ang dahilan...