Chapter 1
Pumasok ang mukhang 40 anyos na guro sa classroom, bigla nanaman akong kinabahan. Mukha kasi itong professional, at ang mga kaklase ko naman ay mukhang magagaling din. Iniisip ko nga kung kabilang ba talaga ako dito sa Power 30.
"Magandang umaga mga Power 30!" masiglang bati niya samin, at inilapag niya ang libro niya sa teacher's table. "Magandang umaga din po." Bati namin pabalik sakanya, saka kami umupo. Namamawis na ang kamay ko sa kaba, hindi ko maiwasan lumunok.
"Maligayang pagbabalik sa eskuwela! Sa mga estudyante na ngayon palang nakabilang sa Power 30, congratulations! At sa mga nagstay sa Power 30, keep it up!" sabi niya sabay palakpak. Kumuha siya ng chalk sa drawer niya sa teacher's table at pumunta sa blackboard. Discussion kaagad?!! Ganito ba talaga pag nasa Power 30?!
"Sa mga ngayon palang nakabilang sa Power 30, kailangan ang grade nyo ay hindi baba ng 85," nagsulat siya ng 85-100 sa blackboard. "Sa oras na naging 84 ang grade niyo," patuloy niya saka nagsulat ng 84 at binilog ito saka inekis. "Ay malamang, bagsak na kayo at maalis kayo ng Power 30, at babalik sa dati niyong section."
Napabuga ako ng hangin, ano?! Hindi baba sa 85 ang grade?! Naku po. Paano na ang math ko?! Nasa bandang 80 o 79 ang grade ko sa math last year! Pero 88.3 ang average ko last year, dahil matataas ang ibang subjects ko maliban nga lang sa math. "Maliwanag?" tanong ng guro namin, tumango kaming lahat.
Napunta naman ang atensyon ko sa lalaking kumausap sakin kanina, hindi ko alam ang secret na sinasabi niya. Nahihibang na ba siya? Tinignan ko lang siya nun! Tapos may kung ano daw akong nakita sakanya at dapat ko daw itago un? Wala naman akong nakita ah? Sayang gwapo pa naman kasi mukhang may sayad.
"Okay! Ipakilala niyo ang sarili niyo dito sa harap!" Kinuha niya ang isang 1/2 lengthwise na papel na mukha naglalaman ang pangalan doon ng kabilang sa Power of 30. "Alvarez, Camilla." Pumunta naman sa harap ang isang babaeng nakasalamin at may mahabang buhok, may katangkaran at maputi, pero hindi siya maganda. Ang sama ko naman.
"Hello. I'm Camilla Alvarez, 16, Since 1st year pa ako kabilang sa Power 30." WOW?! Ang talino naman nito! Siguro masaya ang parents nito sa grades niya, galing eh. Tumango ang guro namin. At bumaling ulit ang atensyon nito sa papel na hawak niya. "Okay, alternate tayo para mabilis! Espinosa, Kiel." At tumayo ang lalaki na... na.. teka. Gwapo rin pala to ah? Magulo ng konti ang buhok niya, tama lang ang katawan. Matangkad mukhang 5'9 to, at maputi.
"Kiel Espinosa, 16, Vice President of the Student Council, kabilang sa Power 30, since 2nd year." Vice President? Siya ba ung tinutukoy ng mga malandi kong bestfriend?! Yung daw gwapo? Linshak! Panigurado maiinggit un pag nalaman niya na kaklase ko ito.
"Casales,Kirsten." WHUT THE HELL. WALA BANG B SA GIRLS?! AKO ANG PANGALAWA. Huminga ako ng malalim at tumayo. Naramdaman ko ang titig nila. Nanginginig ang kamay ko.
Pumunta ako sa harap at tumingin sa mga kaklase ko. "Kirsten Casales, 16, Ngayon pa lang nakabilang sa Power 30." pagpapakilala ko sabay alis sa harapan. Nakakakaba, kung nasa dati akong section ko, panigurado sigaw pa ang gagawin ko habang nagpapakilala ako.
"Next! Franco, Calix." sabay tayo nung.. teka. Eto yung lalaking kumausap sakin kanina ah?! Gwapo rin pala to! Kaso mukhang mayabang. "Calix Franco. 16. President of the Student Council and Sports Club. One of the Power 30 since 1st year." Mukhang sikat siya? President pa siya ah? At matagal ng Power 30. Mukhang big time eto.
Gwapo siya. Yung kagwapuhan niya, yung parang hindi mo maalis mata mo sakanya. Ewan, mahirap i-explain. Ngayon lang ako nagwapuhan ng ganito sa isang lalaki.
At sumunod na ang ibang magpapakilala. 10:30 ang break time namin, kaya mabilis kong inayos ang gamit ko, at kumuha ng pera. Nakita ko na nagaantay sa harap ng room ang mga kaibigan ko.
"Shet! Kaklase mo si Kiel?! Swerte mong impakta ka!" sigaw ng bestfriend ko at hinampas ako. Natawa nalang ako. Hay.. bakit ngayon pang 4th year kami nagkahiwalay ng bestfriend ko. "Kainis, hindi na kita kaklase." sabi niya. Pinalo ko naman siya. "Ano ka ba! Nandito parin naman ako oh!" sabi ko. At sumigaw ang tatlo ko pang kaibigan ng.. "Group hug!" at naghug kami sa harapan ng section A.
"Nakakainis si Sab! Feeling maganda! Pwe!" katak ng bestfriend ko, ikinukwento niya ang bestfriend daw ni kiel na kaklase daw nila, kaya inis na inis ang impokrita kong bestfriend. "Bakit?" tanong ko naman sakanya.
Humarap niya sakin, "Sabi ba naman niya nung introduction, Hi.. I'm Sab Salcedo, bestfriend ni Kiel. LINTIK NA BABAE. SARAP PUGUTAN NG ULO!" sabi niya at kumagat ng malaki sa burger niya.
"Eh kasi naman yang si Sab, lahat nilalandi ang nasa student council, lalo na si Calix." sabi ng kaibigan kong isa. "CALIX FRANCO?!" gulat kong tanong. "Oo! Gwapo kasi ni Calix, pero NGSB, bakla daw nga sabi nila. Hahahahah!" tawa naman niya.
Bakla iyon? Nakakadiri naman. Ang gwapo sana niya. "Hoy Valencia, ayokong naririnig yang si Calix!" sigaw naman ni Jasmine na inis na inis kay Calix. "EXCUSE ME FERRER, sinasabi ko lang kay Casales, wag bitter!" sabi niya sabay ngisi. "Ano ba! Paparating si Kiel, shhh lang tayo girls." sabi naman ng bestfriend ko. "Whtvr." sabi ni Tara sabay irap.
"Punyetang Sab! Makadikit kay Kiel, feeling maganda! Lintik! Sarap ingudngod!" Umirap naman si Tara. Si Jasmine naman napairap din dahil nakita niya si Calix, at ako.. napatawa nalang.
Ngayon ko lang nalaman na naiinis si Jasmine sa lalaking iyon, ngayon ko lang nga nakilala ung Calix Franco na iyon eh.
----
Inayos ko na ang gamit ko at sinabit na sa balikat ang bag ko. Salamat at natapos na din ang first day of school, kahit naman alam kong may pasok pa rin bukas. Iba pa rin talaga kapag nakaraos na. Hahahahaha.
Lumabas na ako ng classroom ng may biglang humablot sa kamay ko, naramdaman ko ang amoy ng humablot sakin, amoy lalaki. At naramdaman ko ang pagsandal ko sa pader, napalaki ang mata ko ng makita ko ng malapitan ang lalaking humablot sakin, si Calix. Ano bang kailangan neto?
Huminga siya ng malalim, at lumunok. Nakita ko ang pag-galaw ng adam's apple niya. Bumilis ang tibok ng puso ko, ano ba to?!!
"You are?" Napa-irap ako. Actually hindi ako mataray pero... grabe naman ang ignorante naman ng lalaking to! Nagpakilala palang ako sa harap kanina ah! Psh! "Kirsten Casales, mister." sagot ko at ngumisi.
"You saw my secret right?" Ayan nanaman siya. Ano bang sinasabi niya?! Wala naman kasi akong nakita! Nakakahigh-blood! "Excuse me, pero hindi ko alam ang sinasabi mo na secret mo. Kaya gogora na ako!" tinulak ko siya at umalis sa pagkakasandal ng hilain niya ang bewang ko at nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. Napasinghap ako, ano ba tong lalaki to!
"Liar." he whispered, amoy mint ang hininga niya, itinulak ko siya. "Ngayon pa lang kita nakilala! Ano ba! Kaya hindi ko alam sinasabi mo!" naiinis kong sigaw. Hinihig-blood ako neto! Para akong hihimatayin anytime!
"You.. you saw me looking at... at.. Camilla right?" mahinang sabi niya na nagbigay ng malaking question mark sa utak ko. Camilla? Yung nakasalamin na maputi? "C-camilla? Pero nakita ko lang nun.. ang ngisi mo." Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa kanyang pocket at binaling ang atensyon niya sa kabilang side. Gwapo nga talaga siya, I can't deny it.
"Nasa likod ka kasi niya.. yung ngisi kong yun.. its like.. we're smiling at each other. She's my girlfriend." Napalaki ang mata ko. GIRLFRIEND? Bat.. bat di halata? Bakit hindi ko naramdaman?! Akala ko ba NGSB siya?! Kaya ba tinawag siyang NGSB kasi.. akala nila hindi pa siya nagkakagirlfriend, pero totoo meron?! Kaso nga lang tinatago niya?!
"WHAT?!! Pero.. parang hindi." Gulat na gulat kong sabi. Nagbikit balikat lang siya at ngumisi. Sabay hawi ng buhok ng nakataas. "You know.. she's a secret. I like to keep secrets. Nobody knows that she and me are in a relationship, because she's a secret. Now you know, so keep that information." sabi niya at tinalikuran ako.
He likes to keep secrets. But why? Napakahirap niyang basahin. Para bang ayaw niyang mabunyag ang mga nakapalibot na tao sakanya at ang kanyang tunay na ugali. I don't know.. bakit nga ba ginulo ng lalaking to ang sistema ko?!
--
A/N: I dedicate this chapter to jonaxx, I so love her stories! Especially, heartless! Hi! Hope you will notice this dedication! Loveyou! More power!
BINABASA MO ANG
A Secret
Teen FictionMay iba't-ibang klase ng sikreto. May mga sikretong kailangan itago at mayroon namang hindi. Pero sa buhay natin, kapag tayo ang naging sikreto ng isang tao, gustong-gusto natin mabunyag. Mahirap maging sikreto lalo na kung hindi mo alam ang dahilan...