Chapter 4
"ANO?!" sabay-sabay nilang tanong. Napapikit naman ako sa lakas ng sigaw na maging ang mga kasama naming nagswiswimming ay napatingin. "Ano.. ba. Shh." suway ko sakanila. Mabilis silang umahon saka ako hinila palabas ng pool.
Kinaladkad nila ako papunta sa cottage namin. Ramdam ko ang pagpatak ng basa kong buhok sa balikat ko, at alam kong magulo ang buhok ko ngayon. Kainis kasi tong bibig ko na 'to eh! Hindi ko nacontroll! Ayan, napuri ko pa ang masikretong lalaking yun.
Pumasok kaming apat sa cottage, pinaupo nila ako sa isang upuan at sila naman sa harap ko. Kumbaga nasa hot seat ako ngayon. Humalukipkip si Jasmine, "Well.. ang NBSB sa grupo natin, ay pumuri ng isang lalaki!!" sabi Jasmine sabay ngisi.
"Miracle it is!" sabi naman Yvonne sabay tango-tango, bwisit na bestfriend na to. Kaibigan ko ba talaga mga to? Parang mga sira lang eh. "Isang tanong, Isang sagot!" sigaw naman ni Tara. Sabay tingin nila saking tatlo at.. "GUSTO MO BA SI CALIX?" sabay sabay nilang tanong. Napapikit ako sabay iling.
"Iyon? Tss. Hindi." kalmado kong sagot, pero rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko, pati ang mga paru-paro sa tiyan ko. May sakit ba ako kaya ganito nararamdaman ko? Pakiramdam ko hindi normal eh.
"Talaga lang, bestfriend?" tanong ni Yvonne sabay tingin sa mata ko. Para akong nasa korte, jusko. Kelan ba ako mananalo sa mga to? Palagi akong kawawa sakanila eh. Mga sira talaga. Tumango nalang ako.
Nagtanguan sila. Nakahinga naman ako ng maluwag. Lumabas na kami ng cottage, nagpalit muna kami ng damit. Mamaya na ulit kami magswiswimming, magliliwaliw muna daw kami sa resort na 'to. Nakafloral shorts ako, saka muscle tee shirt na may design na uk, saka flipflops. Nagshades ako, dahil mataas ang sikat ng araw, saka nagbun ng buhok.
"Let's go!!" sabi namin ni Yvonne, saka naglakad na kami papalayo sa mga cottages. Nadadaan namin ang mga swimming pools. Nadaanan namin yung swimming pool kung saan nagswiswimming si Calix. Hindi ko talaga maiwasan hindi tumingin sa katawan niya.
Umiwas ako ng tingin ng maramdaman kong titignan na niya ako. Kaya naman naramdaman ko ang titig niya habang papalayo kami. Medyo lumalayo na kami sa mga pools, nasa may bandang farms na kami, pero part pa din ng resort. May nakita kaming duyan doon. Kaya naman nagsiupuan kami.
"Ilang years na ba tayong magkakaibigan?" tanong ni Jasmine. "Since first year diba?" sabi ko naman. Tumingin naman sa langit si Tara habang nagduduyan. "Ang tagal na pala.." sabi niya sabay pikit ng mata niya dahil sa hangin.
"May tanong ako.." sabi ko ng mahina. Tumigil naman sila sa pagduduyan sabay tingin sakin. "Ano.. anong ibig sabihin kapag mabilis ang tibok ng puso mo kapag nakikita mo o nakakausap mo ang isang tao?" tanong ko sakanila, sabay lunok.
"Lalaki o babae?" tanong naman ni Tara. "Lalaki." sagot ko. Napatawa naman si Yvonne. Si Jasmine naman napangisi. "Gusto mo yun." sabi ni Yvonne sabay ngiti. Gusto? Imposible!!
"O dikaya naman.. may nalalaman ka sakanya. Na patuloy na nagpapagulo ng sistema mo. Hindi naman porket, mabilis ang tibok ng puso natin sa tuwing kaharap natin ang taong iyon, ay ibig sabihin mahal na natin." saka naman nagduyan ulit siya.
Napaisip ako sa sinabi niya. Tama.. ginugulo lang niya ang sistema ko. Nacucurious lang ako sa pagkatao niya dahil punong-puno siya ng sikreto.
Tumayo na sila at pinagpag ang kanilang shorts, "Punta na kaming cottage. Sama ka?" tanong nila. Umiling ako bilang sagot. Umalis na sila, kaya naman naiwan ako dito. Tanaw na tanaw ko ang sunset sa kinauupuan ko. Ang ganda ganda. Napangiti naman ako. Nakakatawa, magisa ko lang tinitignan ang sunset.
Nakarinig ako ng kaluskos, lumingon ako sa likod ko, saka ko nakita si Calix na nakav-neck shirt na color white na may printed na 'Rolling Stones' "Seeing sunset alone huh?" sabi niya sabay lapit sakin saka umupo sa katabi kong duyan. "Anong ginagawa mo dito? Nasaan mga kaibigan mo?" tanong ko, he sighed and looked at the sunset, "Umuwi na sila." sabi niya sa malalim niyang boses.
Tumango lang ako at itinuon ang atensyon ko sa sunset, nararamdaman ko nanaman ang mga paru-paro sa tiyan ko. Why do I always feel this whenever I'm with him?
"You.. broke up with her." sabi ko ng mahina. Napatingin siya sakin. Naramdaman ko ang talim ng titig niya, masyadong malalim ang mga mata niya, ang hirap basahin. Parang sobrang nakatago, secret it is.
"Yeah." he said, at huminga siya ng malalim. "Why?" Tanong ko a dinuyan ng mahina ang duyan na kinauupuan ko. At mahinang humampas ang hangin sa buhok ko. "None of your business."
"Huh. Kasi nakahanap ka na ng bagong sikreto." sabi ko saka ginalaw galaw ang paa ko, at tumingin sa sunset na ngayon sobrang nakalubog na, tanging kulay nalang nito ang nagliliwanag sa paligid, kulay orange, napapalitan na ito ng dilim paunti-unti.
Nagshrugged siya. Saka tumingin sakin. "Yeah.. a new secret.. pakiramdam ko, yung secret na nahanap ko, sobrang kakaiba, sa lahat ng sinikreto ko." Sabi niya kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napahawak ako dito. At sobrang bilis nga.
"Why do you like keeping secrets? I mean.. hindi naman masama magpakita na may girlfriend ka in public." Sabi ko sakanya, tumawa lang ito saka umiling-iling. "You don't know anything.. so shut up." saka dumukot ng cigarette sa kanyang bulsa, saka sinindihan ito gamit ang lighter.
May natuklasan nanaman akong bago sakanya, he smokes. Ayoko ng naninigarilyo, pero.. I find it sexy sa tuwing hihithit siya saka ibubuga ito sa hangin. Kitang-kita ko ang paggalaw ng jawline niya sa tuwing bubuga siya.
"Alis na ako." sabi ko sabay tayo, patalikod na sana ako ng magsalita siya. "Wag kang masyadong macurious sakin.. masasaktan ka lang." saka tuluyan na ako lumakad papalayo sakanya.
Masasaktan? Umiling nalang ako saka tumuloy sa cottage namin, nakita ko naman ang tatlo na tumutungga na ng Tanduay Ice. "Oh! Kirsten! Tara inom!" sabi ni Jasmine sabay lagok ng Tanduay ice na color blue, habang si Yvonne at Tara iniinom naman ang color red, uminom ako ng color blue saka kumain ng chips.
"Ang tagal mo naman doon! Magoovernight ba tayo dito?" tanong ni Jasmine, na hindi ko alam kung may tama na o lasing na. Hindi naman nakakalasing to eh. "Overnight. Bayad na. Nagpadala yung mama ko." sabi ni Yvonne.
Nang matapos na ang inuman namin, si Jasmine ang pinaka may tama samin, ako wala naman tama. Sina Yvonne at Tara, konti lang. Pumunta na kami sa room namin, kinuha ni Yvonne ang susi saka binuksan ang pinto.
Elegante ang kwarto pero may kaliitan, cream ang kulay nito. May isang sofa sa harap ng LCD TV, at dalawang kama, na siguro medium size. Kasya na kami dito. Inilapag namin ang gamit namin. Kumuha ako ng damit ko saka dumiretso sa banyo at nagshower.
Pagkalabas ko ng banyo, bumungad sakin ang tatlo na nakabulagta na sa kama. Hay nako, nagsuklay na ako saka humiga na pagkatapos kong patayin ang ilaw.
Pero hindi ko pa din maramdaman ang pagdalaw ng antok, pumikit ako saka nagkumot. Narinig ko na parang dahan-dahan nagbukas ang pinto, sumilip ako saka ko nakita na papalabas si Yvonne ng kwarto, at unti-unti itong sumara.
Saan siya pupunta? Anong gagawin niya sa labas ng ganitong oras? Napaupo ako sa kama, saka inalis ng nakabalot na kumot sakin. Sumilip muna ako sa bintana, at nakita ko si Yvonne na nakatayo sa harap ng pool, at may kausap na lalaki..
Pilit kong inaaninag ang mukha ng lalaki, binuksan ko ng kaunti ang bintana, at tinignan ng mabuti ang lalaki. Napalaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang kausap ni Yvonne.
Ang hubog ng katawan.. ang buhok.. at ang mga mata niya.
Calix Franco.. Si Yvonne nanaman ba ang panibago mong sikreto?
BINABASA MO ANG
A Secret
Teen FictionMay iba't-ibang klase ng sikreto. May mga sikretong kailangan itago at mayroon namang hindi. Pero sa buhay natin, kapag tayo ang naging sikreto ng isang tao, gustong-gusto natin mabunyag. Mahirap maging sikreto lalo na kung hindi mo alam ang dahilan...