Chapter 2
Lumiko ako ng daan, pagkalabas ko ng classroom ko. Magc-cr muna ako. Kanina pa ako kating-kati, magcr. Dumaan ako sa hallway papuntang cr, walang masyadong tao dahil break time. Malamang, nasa canteen lahat ng estudyante niyan.
Napatigil ako sa paglalakad dahil may narinig akong malakas na pagbagsak ng pinto. Ano 'yon? Multo? Ang lakas naman makasara ng pinto, parang may galit sa mundo. Lumingon ako sa stairs kung saan nanggaling ang tunog, jusmiyo! Kaharap ko nalang ang cr, pero dahil curious talaga ako. Wala, aakyat ako para malaman kung ano iyon.
Pagkaapak na pagkaapak ng paa ko sa hagdan, "What?! You're breaking up with me, Franco?! Why?!" narinig kong sigaw ni Camilla.. Napalunok ako. Tutuloy pa ba ako? Naramdaman ko ang pamamawis ng kamay ko at mabilis na pagtibok ng puso ko. "Yes." kampanteng sagot ni Calix.
Hindi ko sila nakikita dahil nasa baba parin ako, at heto nakatapak sa unang hagdan. Hindi ko magawang igalaw ang paa ko. Mali to! Dapat hindi ko sila pinapakinggan! Pero bakit andito ako ngayon at nakikinig?! Bwisit!
"Gosh, Franco!! Tiniis ko maging sikreto mo! Hindi mo alam kung gaano kahirap magpanggap na magkaklase lang tayo, na magkakilala lang tayo sa mata ng lahat! No more, No less! Ano bang problema mo?! And all this time, hindi ko pa rin alam why are you keeping me as a secret?!" galit na sigaw ni Camilla. Napalunok ako, aalis na sana ako ng..
"Because.. I found a new secret." Napahinga ako ng malalim, at nagmamadaling tumalikod at pumunta sa cr. Dahil naririnig ko na ang yabag ng sapatos ni Calix. Pagkapasok ko ng banyo, sinarado ko ang pinto nito at sumandal.
"A new.. secret?" mahina kong sabi. Humarap ako sa salamin at ginulo ang buhok ko. "Why do I care..? Dapat wala akong pakielam.. right.. dapat wala." I sighed and left the cr.
"Uy.. alam mo na ba?" mahinang sambit ng bestfriend ko habang nakaupo kaming magkakaibigan sa playground malapit sa gym. "Ha? Ang alin?" bulong ko din. Nakatingin lang sina Jasmine at Tara na mukhang alam na kung ano ito. "Si Calix daw, may kasigawang babae sa 2nd floor, sa floor ng mga first year!" mahinang sigaw niya. Napaiwas ako ng tingin.. well. Hindi ko lang alam iyon, dahil narinig ko pa ang usapan nila.
"Teka lang, Yvonne. Sa pagkakaalam ko, si Kiel ang type mo. Bakit ba parang interesado ka diyan sa Calix na yan?!" Inis na sabi ni Jasmine sa bestfriend ko. Umiwas ng tingin si Yvonne, at tumingin sa puno. "He's.. he's.. my classmate noong gradeschool kami."
Napataas naman ng kilay si Tara. "So what? Anong konek?!" sabi niya sabay crossed arms. I just looked at my bestfriend, na ngayong hindi alam ang sasabihin. "Look.. he only love one girl in our class. It was a secret, but.. his bestfriend, Kiel, pinagkalat ang secret na iyon... Hindi nagalit si Calix, why? Because its true. Pero.. nung nilayuan siya ng babae. Dun.. dun na siya nagbago." Sabi niya. Saan ba napupunta tong conversation namin?
"He always keep secrets. No one knows what he knows, what he does and what he likes. He keeps it all to himself." Napasinghap si Tara and Jasmine. At ako naman ay naiwang naguguluhan. I don't understand.. Hindi ko alam bat patuloy na ginugulo ni Calix ang sistema ko. There's something about him..
"Malay naten.. baka ang kasigawan niyang babae kanina ay ang.. secret girlfriend niya?" nakangising sabi ni Yvonne. Nagkatinginan sina Jasmine at Tara. "Sinasabi ko na nga ba eh, gusto mo si Calix no?!" tanong ni Jasmine, tumawa naman ang bestfriend ko at umiling. "Just saying." sabi ni Yvonne.
Nilapag ko ang libro ko sa Physics sa desk ko. At umupo ng maayos. Ilang minutes nalang at darating na ang next teacher. Bumukas ang pinto at pumasok si Calix. Hindi ko talaga maalis ang mata ko sakanya, bakit ba ang gwapo neto? Nakakainis.
Naramdaman ko na dadaan siya sa side ng row namin, kaya naman umupo ako ng maayos. Nang malapit na siya sa upuan namin, nakita ko kung paano niya nilagay ang isang papel na nakatupi na mukang pinunit lang sa isang notebook sa desk ko, at umalis na siya. Dumiretso na siya sa upuan niya.
Nanginginig ang kamay ko habang dahan-dahan kong dinampot ang papel, binuksan ko ito. At naramdaman ko ang pagtaas ng dugo ko sa pisngi ko.
You heard everything.
Nakasulat sa papel, printed ito at sinulat pa gamit ang sign pen. Nilukot ko ito at nilagay sa bulsa ko. How come na alam niya? Bakit pakiramdam ko ang dami niyang alam? But.. he keeps it.
Pumasok na ang teacher namin sa Physics, tumayo kami para i-greet ito. Saka umupo nang matapos naming batiin. Nararamdaman ko na may matang nakatingin sakin, habang nakikinig ako sa discussion.
Ginulo na talaga ng Calix Franco na 'to ang sistema ko. Hindi ko alam kung babantaan niya ba ako dahil alam ko ang sikreto niya... o dahil.. ewan ko. Basta!
"Did you tell someone?" nagulat ako ng makita ko si Calix na nakasandal sa pader katabi ng pinto ng classroom namin. "Ha? Wala akong pinagsabihan no." Umalis siya sa pagkakasandal at.. dumaan sa harap ko pero tumigil siya.
"Good, or else..." sabi niya ng mahina. At nilagpasan ako, naamoy ko nanaman ang mabango niyang amoy. At ang amoy mint niyang hininga. Nababaliw na ata ako!
"Or else..." mahinang tanong ko. At tumingin sa likod niya. Medyo malayo na siya. Kaya malabong marinig niya. At tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
--
Author's Note: I dedicate this chapter to JhingBautista! :) Hi ate, ang ganda ng story niyo na The Filthy Rich Bitch, Thirty Day Plan pati yung DAMA: The Princess Bitch! :) <3 Galing mo magsulat! Lovelots! <333
BINABASA MO ANG
A Secret
Teen FictionMay iba't-ibang klase ng sikreto. May mga sikretong kailangan itago at mayroon namang hindi. Pero sa buhay natin, kapag tayo ang naging sikreto ng isang tao, gustong-gusto natin mabunyag. Mahirap maging sikreto lalo na kung hindi mo alam ang dahilan...