A Secret: Chapter 5

31 3 1
                                    

Chapter 5

Napuno ng katanungan ang isipan ko. Totoo ba 'tong nakikita ko? O baka namamalikmata ako? Pinikit ko ang mata ko saka dinilat ito ulit. Totoo nga! Magkasama si Calix at si Yvonne ngayon. Ano bang meron sakanila? Binuksan ko ng kaunti lalo ang pinto para marinig ang usapan nila.

"Kumusta?" tanong ni Yvonne kay Calix. Lumapit ito kay Calix. "Hmm.. still the same." kalmadong sagot ni Calix habang nakapikit na nakatingala sa langit na kung saan makikita ang napakagandang buwan, na nagsisilbing liwanag sa dilim ngayon. Tumatama ang reflection ng buwan sa pool, kaya ang gandang tignan.

"Pangilan sikreto mo na si Camilla?" mahinang tanong ni Yvonne kay Calix pero.. sadyang matalas ang pandinig ko kaya narinig ko. "You're still the same, nosy as always." naiiling na sabi ni Calix. Bakit pakiramdam ko sobrang matagal na silang magkasama? Sabagay, magkaklase sila noong gradeschool. Halata naman kay Yvonne na marami siyang alam dito.

Sumimangot si Yvonne, nakaharap ito kay Calix, bale nakaside siya na nakaharap kay Calix, kaya kitang kita ko mukha niya. "Sagutin mo nalang tanong ko!" naiirita na sabi ni Yvonne. Umiling si Calix. "Tss. Masikreto ka talaga."

Ibig sabihin hindi sila magkasintahan? Akala ko pa naman din may namamagitan kay Yvonne at Calix. Nakahinga ako ng maluwag. Pero.. pilit parin bumabagabag sa isipan ko, na bakit pati pagkikita nila ay pasikreto? Talaga bang ganito kasikreto si Calix?

Tumingin sa langit si Yvonne, "Alam ko.. nakita mo na siya." Tumango si calix bilang sagot. Nakita? Sinong siya? Nakakacurious naman yung usapan nila. "Yep. Sa tingin ko napakahirap niyang kunin." sagot ni Calix. Saka inilagay ang kanyang dalawang kamay sa bulsa niya.

"You'll keep her as a secret too?" Tanong ni Yvonne sabay halukipkip."Yeah.. of course." Ano? Eto ba yung sinasabi ni Calix na new secret niya? Yung pinaguusapan nila? Mas lalo akong nacurious . "Why?" Pagtatakang ni Yvonne.

"Why not?" Balik na tanong ni Calix kay Yvonne. Napahinga ng malalim si Yvonne. "Look, iba siya sa mga nakarelasyon mo! For god's sake!" Inis na sabi ni Yvonne kay Calix. Umiling nalamang si Calix kay Yvonne, saka ngumisi. "You'll tell her, don't you?"

"It depends!" Napataas ang kilay ko. Okay, curiosity kills the cat. Teka nga.... Bakit ba ako nakikinig sa usapan nila? I should be sleeping right now!! Dali-dali kong sinara ang pinto saka humiga sa kama. Dinig na dinig ko pa ang hilik ng katabi ko na si Jasmine. I sighed saka pumikit.






Nagising ako ng maramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko. Binuklat ko ng dahan dahan ang aking mata. "Hmmm.." Sagot ko dahil patuloy padin ito sa pagyugyog. Dinilat ko ng mabuti ang mata ko saka ito kinusot kusot, "Ano.. ba.. Hmmm" saka ko kinusot ang kaliwa kong mata.

Nang matapos na ako sa pagkusot, napalaki ang mata ko sa nakita ko. Anong ginagawa niya dito?!! "AAAAAAHHH!! CA--" saka tinakpan niya ang bibig ko. Anong ginagawa ng Calix Franco na to sa kama ko?!! Bat ang aga aga niyang nambubulabog!! "Shhhh.. Magigising mga kaibigan mo. Come with me." Hinila niya ang kamay ko, habang ang isa niyang kamay ang nakatakip sa bibig ko.

Pagkalabas namin ng kwarto, agad niyang inalis ang kanyang kamay sa bibig ko. "Ano bang kailangan mo? Kita mong sarap sarap ng tulog ko eh!" inis kong sabi sabay halukipkip. Nakakainis. Ayoko talagang ginigising ako ng maaga kapag walang pasok!

Tumingin siya ng diretso siya mata ko, lilihis na sana ako ng tingin ng.. "Do you like me?" 

"WHAT?!!" bulalas ko. Ang kapal nga naman ng mukha niya! Yan pa ang itatanong niya sakin pagkatapos niya akong gisingin?! Nahihibang na ba siya?! Pinapahigh blood niya ako!

Ngumisi siya at tila naghihintay ng sagot. "Hindi siyempre." diretso kong sagot sakanya. Umiling siya, "Imposible, ikaw palang unang nagsabi sakin niyan. O baka naman nagpapakipot ka?" 

"Ang kapal mo! Sinisira mo talaga araw ko! Leche! Alis ka nga diyan!" taboy ko, umagang umaga binabadtrip niya ako. Matutulog na lang ulit ako! Pumasok ulit ako sa kwarto at natulog, natutulog pa naman sina Tara at Jasmine si Yvonne nasa sahig, tulo laway pa. 

7:30 nang napagdesiyonan ko ng bumangon sa kama. Inayos ko na yung gamit ko kasi ngayon na ata alis namin sa resort, naligo na din ako. Si Tara nagising na at kasalukuyang inaayos ang gamit niya pagkalabas ko ng banyo, si Jasmine at Yvonne tulog pa. Hay nako.

"Huy Jasmine... Yvonne! Bangon na!" pag-gising ni Tara sakanila. Nagising na sila saka nagayos na. 

"Alis na tayo." sabi ko saka lumabas na ng kwarto, sumunod naman sila. Pagkalabas ko, nakasandal si Calix sa pader katabi ng pinto saka nakapamulsa. Umiwas ako ng tingin saka naglakad. Nakasunod pa din sina Jasmine, Tara at Yvonne.

"Ang gwapo talaga ni Calix!" gigil na sabi ni Tara. "Nasaan kaya si Kiel?" nagtatakang sabi ni Yvonne.

'Tss, bat di mo tinanong kay Calix kagabi?' sabi ko sa isip ko.

Lumabas na kami sa resort, sumakay kami kaagad ng tricycle, pagkasakay ko ng tricycle agad nahagip ng mata ko si Calix na seryosong nakatingin kay.. Yvonne.

Hindi ko talaga sila maintindihan. Ano bang meron ha?

--

A/N: Thank you PiaArielle for the book cover! :) Ang ganda ganda lang diba? :"> 

A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon