Chapter 3
Naramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng ulan sa balikat ko, napatingala ako sa langit at pumikit. Wala naman akong dalang payong at wala rin mga jeep na dumadaan kaya naisipan ko nalang maglakad kahit medyo malayo. Pero minamalas nga naman, umulan pa.
Niyakap ko ang sarili ko at nagsimulang maglakad. Nararamdaman ko na din ang pagkabasa ng backpack ko sa likod, at paunti-unting pagdikit ng basa kong buhok sa pisngi. 10 minutes pa ang lalakarin ko para makarating sa bahay namin. Mas mahirap magabang ng jeep kapag umuulan, mahirap din magabang kapag papuntang school, kasi nasa probinsya kami. Madalas tricycle, o dikaya naman mga truck.
Unti-unti kong nararamdaman ang pagnginginig ng tuhod ko sa lamig. Pinagpatuloy ko pa din ang paglalakad ko, malapit ng gumabi, 5:30 na.
Natatanaw ko na ang bahay namin, nakasindi ang ilaw sa terrace namin, at kitang kita ko si tatay na nagkakape sa labas habang nakapamulsa at nakatayo. Siguradong inaantay ako nito. At mapapagalitan ako nito! Hay buhay!
"Kirsten!" sigaw ng tatay ko pagkakita sakin, mukha naman kasi akong binuhusan ng tatlong timba ng tubig. "Bakit hindi ka nagpayong?!" sabi niya saka ako inakay papasok ng bahay. Tinawag niya si nanay para humingi ng tuwalya. Pinaupo niya ako, at inabutan ng kape.
"H-hindi ako nakapagdala ng payong.." mahinang sambit ko. Napabuntong hininga ang tatay ko, saka tumingin sa malayo. "Pasensya na... osya. Magpunas ka na, at magpainit ng tubig saka maligo. Uminom ka nalang ng gamot, bago ka pa magkasakit." sabi niya sabay pasok sa bahay.
Habang ako nanatiling nakatunganga sa terrace habang hinihigop ang mainit na kape. Hindi naman kami mahirap, at hindi mayaman. Pero minsan nahihirapan na ako. Hindi ko maintindihan ang buhay ko. Minsan masaya.. pero madalas malungkot at magulo.
"Nak.. pasok ka na. Napagpainit na kita ng tubig, maligo ka na." sabi ni nanay sabay hawak sa balikat ko at pumasok sa loob. Nakita ko ang dalawa kong kuya na nanonood ng basketball. Panay ang sigaw nila sa bawat shoot ng paborito nilang manlalaro.
Pagkatapos kong maligo, dumiretso agad ako sa kwarto ko, humiga agad ako sa kama at tinakpan ang mata ko ng kumot. Saka dinalaw na ng antok.
"Punta tayo dun sa bagong bukas na resort!! Gosh!" impit na sigaw ni Yvonne, na bestfriend habang tumatalon talon pa ito. Nasa labas kami ng school, at kumakain ng kwek-kwek at isaw. "Psh. Kakatapos lang ng summer, saka sila nagbukas ng resort. Kung kelan June na." iiling-iling na sabi ni Jasmine habang kumakain ng isaw.
"If I know.. kaya ka ganyan ka bitter kasi alam mo kung sino ang nagmamay-ari neto!" pabalik na sagot ni Yvonne at tinusok ang kasalukuyang niluluto na fishball. "Ha? Bakit? Sino bang nagmamay-ari?" Tanong ko at nilagyan ng sauce ang baso na nalalagyan ng isaw at kwekwek ko. "Hulaan mo!" ngingiti ngiting sabi ni Yvonne, napailing nalang ako.
"Hindi si Calix Franco." sabi ni Tara at inayos ang buhok niya saka inabot ang bayad sa nagtitinda. "Huh? Akala ko ba si Calix Franco?!" sigaw ni Jasmine, at gulat na gulat na nakatingin kay Tara. Nakanganga naman ang bestfriend ko, "WHAT?! Akala ko din si Calix!" sabi niya sabay lagay ng dalawang palad niya sa bibig niya, kaya naman nahulog ang hawak niyang isaw.
"Let me tell you girls, hindi lang si Calix Franco ang mayaman sa probinsya na 'to." sabi ni Tara at sumilay sa labi niya ang mapanuksong ngiti. Napaisip naman ako. Mayaman pala siya? Sabagay, ngayon ko lang siya halos nakilala, pero ang mga kaibigan ko ay parang matagal na siyang kilala.
Lalo tuloy akong nacucurious sa pagkatao niya, dati rati pa naman binabanggit ng mga kaibigan ko si Calix Franco noong 3rd year high school pa namin, pero.. ewan ko. Ngayong fourth year ko lang talaga pinagtuunan ng atensyon ang Calix na yan.
BINABASA MO ANG
A Secret
Novela JuvenilMay iba't-ibang klase ng sikreto. May mga sikretong kailangan itago at mayroon namang hindi. Pero sa buhay natin, kapag tayo ang naging sikreto ng isang tao, gustong-gusto natin mabunyag. Mahirap maging sikreto lalo na kung hindi mo alam ang dahilan...