Chapter 7
"Okay! Cut! Break muna!" Sigaw ng leader sa grupo namin. Isa isa kami umupo sa sahig, habang ako'y abalang nagpupunas ng pawis sa noo ko. Kasalukuyan kaming nagprapractice para sa play. At hindi naman ako ung lead role, pero napapagod pa din ako dahil minsan eextra ako at minsan taga ayos ako ng props.
Ang gumaganap na Hazel Grace samin ay si Camille at ang Augustus Waters naman ay si Kiel, base sa obserbasyon ko hindi malakas ang chemistry nila, parang pareho lang kasi silang napipilitan. Well... Baka naawkward sila sa isa't isa kasi ex ni Camille si Calix na bestfriend ni Kiel? Pero tingin ko hindi alam ni Kiel iyon. Sa sobrang masikreto si Calix? Tss. Swerte ko nga lang dahil may nalalaman ako.
Uminom ako ng tubig, pumalakpak na ang leader namin, si Aria ang leader namin. Magaling siya. Hindi naman bossy pero magaling siya maghandle. Tumayo na ako. Nakita ko hinila ni Kiel patayo si Camille sa pagkakahiga. Umiwas ako ng tingin.
"Since mahaba ang story sa book, marami tayong icucut, iplaplay lang natin ung importante at kaya." Sabi ni Aria, nagsipuntahan na sa stage ang mga gaganap, nakapwesto na si Camille at si Kiel.
"Action!"
Lumapit si Kiel as Augustus kay Camille. Tumawa si Camille dahil sa sinabi line ni Kiel, umiling naman si Kiel habang nakatingin kay Camille.
Tumapat ang spotlight sakanila. "What?" tanong ni Camille. Nakita ko na dumapo ang mata ni Kiel sa mata ni Camille. "Nothing." sagot naman ni Kiel.
"Good. Continue." bulong sakin ni Aria na katabi ko ngayon na nakasilip sa side ng backstage, na nanunuod din.
"Why are you looking at me like that?" tanong ni Camille ng nakangiti.
"Because you're beautiful...." bago pa man matuloy ni Kiel ang susunod na line niya, tumili na si Aria. "Okay, cut people! Cut!" at lumabas siya sa backstage kaya ngayon nasa stage na siya.
"My god!! Kinikilig ako. At Kiel, wag mo ng ituloy nun dahil matatagalan tayo sa next scene!" Dinismissed na niya kami kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Nilagay ko na sa balikat ko ang strap ng bag ko at nagsimulang maglakad.
"Kirsten!" napatigil ako sa paglalakad, at liningon ang tumawag sakin. "Uhh... Kiel nga pala." saka siya ngumiti. "Alam ko." at ngumiti din ako.
“May kasabay kang uuwi?”
“Wala eh.”
Ngumiti siya. “P-pwede bang sabay t-tayo?” Tumawa ako at tumango. Pero deep inside, hindi ko alam bakit hindi ako nahihiya sakanya, parang kumportable ako sakanya. Gwapo siya hindi ko maiitatanggi iyon lalo na medyo singkit siya at namumula ang pisngi niya. Kanina niya pa kinakagat kagat ang kanyang maliit na labi.
“T-talaga?”
“Oo! Saan ka ba umuuwi?”
“Malapit lang kasi sa yung bahay namin, katabi lang ng tindahan.” Napatango ako. Oo malapit nga. Pagkalabas namin sa gate. Agad nakita ng mata ko si Calix na nakasandal sa pader katabi ng gate. Kumislap ang mata niya pagkakita niya sakin, pero kumunot ang noo niya ng makita niyang kasama ko si Kiel.
“Oh! Calix! Di ka pa uuwi?” tanong ni Kiel sakanya. Sumulyap sakin si Calix. “Hindi pa. Pwedeng pahiram si Kirsten?” Hindi pa man nakakasagot si Kiel, hinila na ako palayo ni Calix.
Mahigpit niyang hawak ang kamay ko. “Ano ba, Calix!” Binitawan niya ako, tumingin tingin siya sa paligid. Ano? Gusto niya talaga pasikreto! Yung walang makakakita! Damn this evil guy!
“Ano ginagawa mo kasama si Kiel?”
“Pakielam mo ba?!”
“May pakielam ako!” mahinang sigaw niya, kumislap ang mata niya, napansin ko na may piercing pala siya sa kaliwa niyang tenga. Pati ang magaganda niyang pilikmata.
Ano bang sinasabi niya?! “Ano?! Bakit naman?!” Mabigat siyang huminga saka nagiwas ng tingin. “Wala. Umalis ka na.” sumimangot ako at iniwan siya doon.
Ang gulo gulo niya! Bahala siya sa buhay niya! Ayoko talaga siyang kinakausap, pakiramdam ko nilulunod niya ako sa pagiging masikreto niya. Bahala siya sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
A Secret
Teen FictionMay iba't-ibang klase ng sikreto. May mga sikretong kailangan itago at mayroon namang hindi. Pero sa buhay natin, kapag tayo ang naging sikreto ng isang tao, gustong-gusto natin mabunyag. Mahirap maging sikreto lalo na kung hindi mo alam ang dahilan...