A Secret: Chapter 6

34 1 0
                                    

Chapter 6

Tahimik akong kumakain habang sina Tara at Jasmine ay walang tigil sa kakaaway, nag-aaway sila dahil sa pagkain. Ewan ko ba diyan sa dalawa. Absent si Yvonne dahil nilagnat siya pagkauwi namin galing resort. Wala rin si Calix. I smell something fishy..

"Ano ba! Akin na nga kasi 'tong fries!" inis na sabi ni Jasmine saka kinuha ang fries ni Tara, "Sige ka! Uubusin ko tong pizza mo!!" napalaki ang mata ni Jasmine, saka tinabig ang kamay ni Tara na nakahawak sa Pizza. 

"Ano ba kayong dalawa! Magbulalo nalang kayo! Yung sinusupsop!" inis na sabi ko, nagkatinginan sila saka parehong nanahimik. 

Nagkaroon ng malakas na sigawan at tawanan sa may entrance ng canteen, lahat kami ay napatingin doon. Saka unti-unti naming nakikita ang anino ng papasok, na tumatama sa  bintana at sahig ng canteen. Puro halakhak at boses lang ang maririnig.

Napalaki ako ng makita kong magkasama sina Calix, Kiel at Yvonne.. pare-parehos silang masaya. Napagasp lahat ng tao. Pati sina Tara at Jasmine. "Oh my god, Calix at Yvonne?" mahinang sabi ni Jasmine.

Umupo sina Calix sa pinakagitna na upuan ng canteen, habang si Kiel ay umorder ng pagkain. Lahat ng mata ay nakamasid kay Calix at Yvonne. Dahil si Yvonne ang kaunaunang babaeng nakasama ni Calix sa publiko. Walang tago. Walang secret. Publiko na ito.

Nagkatinginan kami nila Tara at Jasmine, saka sabay sabay na tumango.

Pumalakpak ang english teacher namin dahil maingay kami, ng makuha na niya ang atensyon namin saka siya nagsalita, "I will group you into 2. We will have a play on Friday. Kayo ang mamimili kung ano ang iaact niyo. Meron kayong 2 weeks para magpractice. So one of these 2 groups will win. Magpeperform kayo sa harap ng mga english teachers ng school na to. So its understood na english dapat ang language na gagamitin niyo. No violent words. And no kissing scenes. Understand?!"

Grinoup na niya kami, group 1 ako. Group 2 naman si Calix, kagroup ko naman si Camille at Kiel. Nakabilog lahat ng chairs naming group 1 saka nagusap usap. "So ano ang iaact natin?" Tanong ni Pierre, ang pinakaactive sa klase. Gwapo. Matalino. Pero playboy. "The Fault in Our Stars!" masayang sagot ni Aria, na bookworm sa klase. Maganda pero puro libro ang inaatupag. 

"Malay ba namin dun." inis na sagot ni Pierre, "Ano pa?" tanong niya. Nilibot niya ang mata niya sa mga kagroupmates namin, saka dumapo ang mata niya sakin. "Kirsten? Any suggestions?"

Lumunok ako. Wala akong masyadong alam sa mga movies at libro. Tapos english pa. Hay nako. "Uh.. wala eh." saka ako ngumiti. Nakita kong nakatingin sakin si Kiel, tumingin din ako sakanya, pero hindi ako umiwas ng tingin. Parang tulala siya? Ngumiti nalang ako saka binaling ang atensyon ko sa mga kagrupo ko.

"Romeo ang Juliet nalang kaya?" suggest ng hopeless romantic sa grupo namin, si Tricia. "Yuck! Ang common!" nandidiring sagot ni Pierre. "Anong gusto mo Les Miserables?" natatawang saad ni Kiel. Binatukan siya ni Pierre, "Gago! Mawawalan ako ng boses, kakakanta dun!"

"The Fault in our Stars nalang kasi." sabi namin ni Camille na kasalukuyang binabasa ang librong The Fault in our stars.

"Tsk. Sige na nga!" inis na sabi ni Pierre, tuwang tuwa naman si Aria. Ako naman ayos lang, kahit ano naman. 

Napatingin ako sa kabilang grupo, nakita ko si Calix na seryosong nakatingin sakin, umiwas ako ng tingin saka tumingin sa sahig, ano ba to? Bat ako kinabahan?

"Ano iplaplay niyo?" tanong ni Tara. Sila naman hindi play sakanila, filming ang gagawin nila. Well, mas madali yung sakanila. Hindi hassle sa props. "The Fault in Our Stars." sagot ko. "Oh?! Maganda yun! Ayi! Papanoorin talaga kita!" 

Hindi namin nakasama si Yvonne ngayong araw na to, dahil kasama niya si Calix. Siguro sila na.. hay nako. Ano bang pakielam ko? Well.. tama lang na may pakielam ako kasi bestfriend ko ang shinota niya!

Lumabas na kami ng school saka dumiretso pauwi, habang naglalakad ako papunta sa bahay namin, nakarinig ako ng tunog ng sasakyan, parang isang truck, napatingin ako sa likod ko at nakita ko na si calix.. ay walang suot na tshirt, habang nakaupo sa frontseat katabi nung driver. Kitang kita ko ang pagngisi niya.

Tumigil ang truck na may dala-dalang iba't ibang gulay, bumaba si Calix, saka ko nasilayan ng buo ang katawan niya, "Ibaba lang naming tong mga gulay sa palengke, gusto mo bang makisakay?" Nakangising tanong niya, tumingin ako sa driver at nakita ko itong nakangiti. Nakakakilabot.

Dinig na dinig ko ang makina ng truck, at magalaw ito dahil mabato ang daan at medyo maputik, ganito talaga sa probinsya, kakatapos lang kasi umulan, napahawak ako sa upuan ko, si Calix namin ay kalmadong nakatingin sa bintana sa side niya, habang ako pakiramdam ko, anytime ay mababagok ang ulo ko sa lakas ng pag-galaw ng truck habang tinatahak ang mabatong daan.

Sa lakas ng impact, napasandal ako sa dibdib ni Calix, napapikit ako, ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya at ang pagtaas ng balahibo niya, binuksan ko ang mata ko at nakita ko ang kulay brown na mata niyang nakatingin sakin saka ang pagtaas baba ng adam's apple niya.

Umalis ako sa pagkakasandal sa dibdib niya saka sumandal sa upuan, hindi na ako muling tumingin sakanya. Tumingin nalang ako sa mga daan na tinatahak namin.

Malapit na kami sa bahay ko, nang nasa harap na kami ng bahay ko. Unang bumaba si Calix para makababa ako dahil siya ang nasa tabi ng pinto. Bumaba ako sa pinagpag ang palda, tumingin ako sakanya, "Salamat." at tinalikuran ko siya at pumasok sa bahay namin.

Hindi na muli akong makikisakay sakanya, ang awkward..

--

A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon