CHAPTER [3]

9 0 0
                                    

III.

JUSTIN LYN.

"Huy! Justin? Naiintindihan mo ba sinasabi ko?" Alog alog sa akin ni Alyana habang kausap ako.

"Sampalin mo nga ako alya--" hindi na niya ako pinatapos pa sa sasabihin ko ng malakas niya akong sinampal sa kaliwang pisngi ko. Napahawak ako sa pisngi ko. Masakit! Ibig sabihin hindi nga ako nananaginip lang kagabi sa mga pinagsasabi ni lola. Andito na nga siya! Eh? What should i do...

"Ano? Nagising kana ba justin? Earth to oh,"  tamad na sabi ni alyana habang nakatingin sa akin ng mapakla.

"Ano ba kasing sinabi mo kanina" tanong ko sa kanya. Dapat kasi calm down ka muna justin masyado ka ng nilalamon ng kaba.

"Ang sabi ko andito na si kuya sa pilipinas kakagaling lang sa States." Balita nito sa akin, sinamaan ko naman siya ng tingin. Eh bakit ba sinasabi niya sakin yan? Wala naman akong balak makilala iyong kuya niya.

"At? Sa tingin mo ba may pakealam ako?" Tanong ko sa kanya sabay irap. "May problema ako ngayon alyana kaya pwede wala akong panahon sa kuya mo" sabay buntong hininga ng malalim. Alam ko naman kung anong balak nung cliff na yun dito. Pero sana naman wag muna hahanapin ko pa si kurdapyo.

Naging seryoso naman ang mukha ni Alyana sa sinabi ko kaya naman at the moment willing na siyang makinig sa sasabihin ko.

"Ganito kase yun.. Kagabi pag uwi ko may binalita sakin si lolang good news" ,panimula ko sa kanya

"Oh, good news naman pala eh bakit para kang namatayan sa mukha mong yan?" Tanong niya sakin, hinampas ko ang braso niya para tumahimik siya, hindi pa nga ako tapos e noh?  Inuunahan nako agad?

"Pwede patapusin mo muna ako, so ganito yun sabi ni lola dumating na daw si Cliff kahapon galing sa States at ang sabi pa daw nito wag na daw akong late uuwi sa bahay. Feeling ko tuloy minamatyagan niya ako" paliwanag ko sa kanya. Halos lumaki naman ang mata niya sa ikinuwento ko sa kanya.

"Wow! Coincidence pareho pa sila ni kuyang umuwi galing states. Pero paano niya naman nalaman na lagi kang late umuwi kung kagabi lang naman siya umuwi diba?" ,curious niyang tanong. Yun din ang hindi ko alam... Baka si lola ang nag sasabi kay Cliff o kaya naman nag hire siya ng spy.

"Hindi ko rin alam? Kaya nababaliw na ako rito kakaisip kung sino ba yung spy niya rito sa School" ginulo gulo ko na ang buhok ko dahil sa problema na yan, baka magkaroon na ako ng pimples niyan huhu kawawa naman ang mukha ko pag ganun.

"Alam mo mas mabuting sundin mo nalang ang gusto ni Cliff, baka kasi pag hindi mo siya sinunod mapaaga ang kasal mo" sabi nito habang seryosong nakatingin lang sakin

"NO WAY! Hindi ako papayag na magpakasal sa kanya ng ganun ganun nalang. Gusto ko munang makita si kurdapyo bago ko siya pakasalan." Sigaw ko ng malakas na nakaagaw ng atensyon sa mga classmate namin shit nakakahiya.

Dali dali kong hinila palabas ng room si Alyana at napadpad kami dito sa likod kung nasaan ang Garden. Umupo kami sa vacant na upuan malapit dito.

Sa hindi ko inaasahan, bigla nalang nag landas ang mga luha ko at nag simula na akong humikbi na parang bata. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.. Hanggang ngayon nakakapit parin ako sa mga pangako niya. Kahit na hindi niya natupad ang  sinabi niyang babalik siya kapag nasa tamang edad nako.

👑WHEN A GIRL MEETS HER BOY👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon