CHAPTER [5]

5 0 0
                                    

V.

JUSTIN LYN

Habang masaya akong naglalakad sa hallway patungo sa room bigla nalang may umakbay sa akin mula sa likod. Amoy palang niya alam na alam ko na kung sino siya.

"Bakit ngayon ka lang nag pakita Xavier?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng pagka lawak lawak, nababaliw na ata tong lalaking to.

"Bakit mo tinatanong? Namiss mo ba ako?" Tanong niya habang nakangiti na parang tanga.

"Kahit kailan hindi kita mamimiss Xav." Mapakla kong sagot, bigla naman siyang napahawak sa dibdib niya..

"Ouch! Sakit Justin," umakto pa siyang nasasaktan kaya binatukan ko siya. Nako! Pag nakita ni Alyana yang mga galawan niya mag seselos sakin yun. Tsk!

"Tigilan mo nga yan, hindi bagay" komento ko, bigla nalang sumulpot sa harapan namin si Alyana.

"Ganda niyo namang pag masdan habang nag kukulitan dito sa Hallway" sakristo niyang saad. Bigla naman siyang inakbayan ni Xavier na kinagulat niya at i-kinapula ng mukha niya. 

"Nag tatampo ka na niyan alyana?" Tanong sa kanya ni Xav, hindi naman nakasagot si Alyana kaya ginulo gulo ni Xavier ang buhok niya.
"Sorry na alyana, fair lang naman ako kapag nilalambing ko kayong dalawa" pag aalo ni Xavier kay Alyana.

"Hindi fair yun Xav" sagot ni Alyana,
May naisip naman si Xav para makabawi kay Alyana...

"Oh, sige ganito nalang pumunta ka mamaya sa Dj's Club mag papa reserve ako ng upuan, dedicate ko sayo iyong kakantahin namin mamaya" nagulat naman si Alyana sa sinabi ni Xav, kinikilig ang babaita.

"Pati ikaw Justin sumama ka, pero si Alyana lang muna kakantahan ko ah" pag aaya nito. Umiling naman ako.

"Hindi na, ayokong pumunta may iba pakong pupuntahan ngayon. Maybe next time nalang si Alyana nalang muna." Sagot ko, bigla namang nag iba ang ihip ng hangin. May nasabi ba akong masama?

"Sige next time nalang, so ano tara na malalate pa tayo" sigaw nito habang patakbong papunta sa room,  nag paiwan kaming dalawa ni alyana at nagkatinginan kaming dalawa,

"Ayan ha! Hindi nako magiging sagabal sa moment niyo" sabi ko sa kanya. Hinawakan naman niya ang kamay ko tsaka ngumiti sakin.

"Salamat Justin," pasasalamat niya.

"Haha! May kapalit yan alyana," naka smirk kong sagot. Inirapan niya ako tsaka kami tumawa papuntang room.

ALYANA

Pagkatapos ng klase, nag paalam na si Justin sakin may pupuntahan pa daw kasi siya kaya naman naiwan ako mag isa dito sa Ice cream shop.

It's already 6:30pm at 7:30 pa ang start ng concert nila sa Dj's Club. minabuti ko na pumunta nalang roon sa Dj's club ng maaga tutal nag pareserve narin naman na si Xavier ruon.

7:30pm sakto nag simulang dumating si Xavier sa harap ng Stage, kasabay nito ay ang malakas na hiyawan at tili sa loob ng Club dahil sa mga fans nila.

"I dedicated this song to the one of the most important in my life, sana magustuhan mo ito" pagkatapos niyang sabihin iyon madali niya akong nakita at nag simula ng tumugtog ang banda.

👑WHEN A GIRL MEETS HER BOY👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon