VIII.
JUSTIN
Antok na antok pako sa klase habang nag didiscuss si ma'am kaya hindi ko maiwasang yumuko at matulog ng saglit, letche kasing Cliff na yan! Dahil sa kanya kaya hindi ako nakatulog ng maayos kagabe."Ms. Medina! Get out in my Class now!" Sigaw ni ma'am na hinintay kong isigaw niya para makatulog pako kahit konti.
Ng makalabas ako ng room dumiretcho ako sa Garden kung saan pwedeng tumambay at matulog.
Naupo ako sa lilim ng puno tsaka pumikit at dinamdam ang hanging dumadampi sa balat ko."Hoy Justin! Ikaw talaga napaka pasaway mo kahit kailan" sigaw sakin ni Alyana.
"Pwede ba alyana wag mokong sigawan kasalanan to ng kap--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng mapagtanto ko na hindi pa pala niya alam. Shit! Napaka daldal mo talaga Justin.
"Kasalanan nino?" Curious niyang tanong.
"Ka-kasalanan ni l-lola oo tama si Lola! Pinuyat niya ako" utal utal kong sagot sa kanya. Napatango naman siya sa sinagot ko na tila hindi pa naniniwala sa mga sinasabi ko.
"Hey justin bakit umalis ka kaagad sa party kagabi? Hindi tuloy kita nakausap" sulpot ni Xavier sa likod ng puno sabay upo sa bandang kaliwa ko.
"Pasensiya na inaantok na kasi ako kaya umuwi na ako" sagot ko sa kanya
"Hindi mo ba alam na alalang alala si Austin kakahanap sayo kagabi?" Tanong niya sakin nagulat naman ako sa sinabi niya, si Unggoy ? Mag aalala sakin ? Duh! Napangiti ako ng mapakla sabay tawa.
"Ano kaba Xavier baka nananaginip ka lang, hindi nag aalala ang unggoy sa isang butiki ang turing sakin." Sagot ko "tsaka nag text ako kagabi kay Louis kaya hindi na mag aalala yun" dagdag kong sagot.
"Kahit na Justin dapat nag paalam ka man lang sa kanya diba?" Singit ni Alyana.
"Paano ako mag papaalam kung iyong tatlo nasa Dance floor habang kasayaw ang mga malalanding higad" sakristo kong sagot kay Alyana.
"Bad mood ka ngayon Justin ? Anong meron?" Tanong ni Alyana. Napa kamot ulo nalang ako.
"May monthly period ako eh" naka piece sign kong sagot sa kanila.
"Tara na nga kain nalang tayo sa Canteen nagugutom lang ako sayo Justin eh" bigla nalang akong hinatak ni Alyana, pati narin si Xavier walang kawala. Tsk pag nag aya nga naman ang parating gutom.
Nakaupo kami sa Cafeteria at masayang kumakain kasi libre ni Alyana lahat ng foods ng bigla nalang mag hiyawan ang buong estudyante puta naman bakit ba napaka wrong timing dumating ng tatlo?! Napairap nalang ako ng wala sa oras.
Habang papalapit sila sa loob ng cafeteria lalong lumalakas ang hiyawan at anytime parang guguho na ang Cafeteria dahil sa mga hiyawan ng mga fans nila.
Nagulat ako ng makita kong kasama nila si Cliff at papunta pa sa way namin, napabaling naman ang tingin ko kay Austin na masama ang tingin sakin. Tinarayan ko nalang siya letche ayokong makita ang mukha niya. Mukha siyang tae.
"Hi kuya!" Bati ni Alyana sa kuya niya na nakatingin sakin at kay Xavier dahil nga sa mag katabi kami sa upuan.
"Ay Kuya, meet my two special friends, this is Xavier Smith and Justin Lyn Medina" pakilala niya samin sa kuya niya. "Justin and Xav meet my kuya Cliff" pakilala naman niya samin sa kuya niya
"Nice to meet you bro, " inabot ni Xavier ang kamay niya para makipag shake hands. Ng maramdaman kong hindi niya inaabot pinandilatan ko siya ng mata. Kaya naman wala siya nagawa kundi makipag kamay kay Xavier.
BINABASA MO ANG
👑WHEN A GIRL MEETS HER BOY👑
Novela JuvenilPaano kung ang lalaking matagal mo ng hinahanap ay lalaking itinakda ng ikasal sayo?