CHAPTER [7]

4 0 0
                                    

VII.

A/N: sorry po sa mga wrong typos and grammar spread the love guys :)

JUSTIN LYN

"Why are you here? Bakit kasama mo si Austin?" Tanong nito sakin, nagsalubong naman ang kilay ko sa tinanong niya. Hindi ba dapat ako mag tanong niyan at paano niya nakilala si Austin?

"Sandali nga lang Cliff?! Bakit kilala mo si Austin?" Tanong ko sa kanya habang nakapameywang sa harap niya.

"He's my friend. Now answer my question" matigas na sambit nito "At anong sinasabi ni Austin na Girlfriend ka niya?" Dagdag pa nito. Napakagat labi nalang ako. Para akong pinagagalitan ng tatay ko at pinapaamin sa kasalanang hindi ko naman ginustong mangyari. Bwisit ka talaga austin pahamak ka sa buhay ko!

"Ganito kase iyan an--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumulpot si Austin at Ella. Bigla nalang pumulupot si Ella kay Cliff, na init ng dugo ko. Ang sarap ihampas sa mukha niya na nasa harap lang ang fiance niyan kaya wag kang linta na pupulu pulupot sa kanya! Tsk.

"Andito lang pala kayo, hali kayo dito tayo sa table" aya ni Ella sa amin. Naupo kami ni Austin at kaharap ngayon ang ex niya at fiance ko.  Bigla namang sumulpot sila Izac at Louis na umupo sa kaliwa ko.

Nagulat ako ng yakapin nila si Cliff na parang close na close ang tatlo.
"Ganda, meet the leader of Zila's Brother Zayne Clifford Gray" pakilala niya kay Cliff, ibig sabihin...

"We are Zila's Brothers" mahinang usal ni Austin na tumungga ng isang tequila. Ibig sabihin ... Hindi kaya

"K-kapatid b-ba siya ni A-alyana?" Utal utal kong tanong..

"Yes. Why?" Diretsong sagot nito. Bumagsak ang balikat ko. Hindi ito totoo! Diba? My gahd! Kaya pala pareho sila ng pangalan at kaya pala parang familiar sakin ang mukha niya, mag kamukha pala sila ni Alyana. Napailing nalang ako at mapaklang ngumiti.  Bakit ba napaka liit lang ng mundo? 


Halos di ako nag sasalita. Medyo na pipe ata ako sa mga nalaman ko ngayon. Feeling ko tuloy gusto ko ng umuwi.

Habang busy si Izac na kumalabit ng mga babae, si Austin na busy lumaklak ng Alak sa bar section, si Cliff na busy sa pakikipag usap sa mga matatandang hindi ko kilala naiwan kaming tatlo nila Ella sa table. Nag paalam naman si Louis na pupunta lang ng cr. Kaya naman kaming dalawa nalang ni Ella ang natira sa table.

"Ilang months na pala kayo ni Austin ?" Tanong sa akin ni ella habang nilalaro ang wine na nasa champagne.

"Ahh eh! Wala pang months" pag sisinungaling ko. Bwisit ka talaga ugly monkey! Kasalanan mo ito kaya ako mapapasubo.

"Kung sabagay maganda ka nga, sana wag mo siyang iiwan tulad ng pag iwan ko sa kanya" napatingin naman ako sa kanya matapos niyang sabihin iyon. Bakas sa mga mata niyang hindi niya ginusto ang iwan si Austin.

"Bakit mo ba kasi siya iniwan? Anong rason mo?". Tanong ko sa kanya. Napatawa lang siya ng mapakla at nginitian niya ako.

" mahirap maipaliwanag, pasensiya na" sabi nito tsaka umalis sa table. Napaka weird naman niya anong mahirap ipaliwanag ? Tsk, ang sabihin niya hindi niya mahal si Austin tapos. Napatingin naman ako kay Austin na kasalukuyang umiinom sa di kalayuan. Kawawang austin

Ilang minuto lang naging wild na ang tugtugan sa dance floor, mabilis na napunta roon ang tatlong may mga tama na. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kabaliwan ng tatlo habang sumasayaw sa dance floor na parang mga baliw,

👑WHEN A GIRL MEETS HER BOY👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon