IX.
JUSTIN
Gabing gabi na ng magising ako dahil sa ingay ng door bell sa labas. Bakit hindi ba kasi binubuksan ng maid at tignan kung sino ang nasa labas!
Bumaba ako para makita kung sino ang bwisit na nag dodoor bell sa labas. Nagulat ako ng makita ko si Austin sa labas ng bahay na pinipindot ang door bell, putspang unggoy to!
Dali dali kong binuksan ang gate para tumigil na siya sa pag dodoor bell dahil baka magising si lola.
"Bakit ka andito? Tska -- wait! Nakainom kaba?!" Sigaw ko sa kanya. Ano nanamang pumasok sa isip netong unggoy nato at nag pakalunod sa alak.
"Hindi niya ko mahal *huk* haha!" Bulong niya sakin. Inalalayan ko siya hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay. Letche sabi na eh! Wala talagang nadudulot iyang babaeng yan sa kanya.
Padabog kong sinara ang pinto at lumapit sa sofa kung saan ko siya inilapag.
"Ano ba kasing sumagi sa isip mo at kinausap mo ang ex mo unggoy?!" Tanong ko sa kanya. Ngumisi naman ang gago.
"Bakit? Masama *huk ba na *huk* kausapin ko yung babaeng mahal ko?" Tanong niya saken. Ay puta pala to eh! Manhid na sobrang tanga pa. Alam na nga niyang hindi siya mahal eh hay nako! Grrr sarap tirisin netong unggoy nato at ipalamon sa buwaya.
Dinala ko nalang siya sa taas sa may guest room at inihiga para makapag pahinga na siya at pati narin ako dahil sa na iistress lang ako sa mga pinag sasabi nitong unggoy nato.
Sobrang bigat ng kumag nato para akong bumubuhat ng isang malakjng baboy. Tsk! Pashnea ka talaga kakagaling ko lang kanina sa pang hihina eh.
Aalis na sana ako ng higitin niya na ikina out of balance ko at napadapa sa dibdib niya. Shit! Ambaho niya amoy siya alak.
Naupo ako at nagulat ako ng bigla siyang bumangon at nilapit ang mukha sakin, kinabahan naman ako sa panget nato bigla nalang bumangon tsk! Tsaka bakit ba anlapit ng mukha niya saken.
"Matulog kana tsk!" Inis kong sambit sa kanya pero bago siya mahiga, bigla nalang siyang sumuka sa harap ko. Shit! Napa layo ako sa ginawa niya sabay halakhak siya ng malakas tsaka humiga at natulog. P*tangina netong lalaking to hayup!
Agad agad akong nag palit ng damit at nilinisan ang kalat niya. Kumuha narin ako ng maligamgam na tubig at bimpo para mapunasan siya.
Halos mapalunok ako ng dahan dahan kong inaalis ang pagka butones ng polo niya dahil sa nasukahan niya rin ang polo niya.Tumambad lang naman sakin ang kumakaway niyang anim na pandesal. Ilang beses akong napalunok habang pinupunasan ko ang katawan niya shit! Yung kay cliff hindi ko pa nakikita ilan kaya ang abs niya? Binatukan ko ang ulo ko dahil sa mga naiisip ko kay cliff, bad justin letche!
Matapos ko siyang mapunasan kinumutan ko na siya at iniwan sa guest room. Halos pawis na pawis ako pag labas ng guest room para akong nanggaling sa impyerno ng mga unggoy na may abs. Napa iling nalang ako at pumasok sa kwarto para makapag pahinga narin.
"AHHHHHH! bakit may lalaki rito!" sigaw ni lola na ikinagising ko puta naman ang ingay!
"Justin! May lalaking nakahubad dito sa sala, nirape kaba nito?!" Sigaw ni lola sa labas. Napabangon ako ng wala sa oras ng sumagi sa isip ko si Austin. Shit!
BINABASA MO ANG
👑WHEN A GIRL MEETS HER BOY👑
Teen FictionPaano kung ang lalaking matagal mo ng hinahanap ay lalaking itinakda ng ikasal sayo?