CHAPTER [4]

3 0 0
                                    

IV.

Habang masaya akong nag lalaro sa playground may isang batang lalaki ang lumapit sakin para makipag laro din.

"Hi bata ano pangalan mo? Pwede makisali sa ginagawa mo?" Tanong niya sakin una ko palang siyang nakita oo hindi ito ang dapat na nararamdaman ng isang bata pero tila parang isang slow motion na may isang lalaking anghel ang bumagsak sa harapan niya.

"Sure, ahm ako nga pala si Justin, ikaw sino ka?" Tanong ko sa kanya tumawa lang siya at umupo sa harapan ko. Bumungkal siya ng lupa at inilagay sa laruang truck ko.

"Ikaw? Ano ba gusto mong ipangalan sakin?" Tanong niya. Napaisip tuloy ako bigla! Wala kaya siyang pangalan?

"Wala ka bang pangalan?" Tanong ko sa kanya hindi niya ako sinagot at muling bumungkal ng lupa.

"Sige ako na mag papangalan sayo. Kurdapyo nalang" natutuwa kong sabi. Nangunot naman ang noo niya habang hawak ang palang ginagamit niya pang bungkal ng lupa.

"Ang pangit naman. Pogi ako bakit pangit napili mo?" Sa inis niya hinagis niya iyong pala ko tsaka nag pagpag ng kamay.

"Sorry.." Bigla nalang akong humikbi na at bigla nalang umiyak. Nag panic siya at dali dali akong niyakap.

"Sorry sige ok na kahit kurdapyo pangalan mo sakin basta wag kana umiyak. Bati na tayo justin" pag aalo niya..

Nag punas ako ng uhog dahil may sipon ako. Tsaka tumingin sa kanya
"Talaga?" Tanong ko tumango lang siya kaya naman nag ningning ang mga mata ko.

👑WHEN A GIRL MEETS HER BOY👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon