CHAPTER [6]

4 0 0
                                    

VI.

JUSTIN LYN


Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nakita ko kagabi si Cliff, at hindi parin mawala wala ang pag mumukha niya sa utak ko.

Kapag iniisip ko ulit ang ginawa niyang pag halik sa noo ko at ang pag yakap sa akin, bigla nalang akong kinikilig at bumibilis ang tibok ng puso ko. Ano ba namang puso binigay sakin timer! Kung kani-kanino nalang tumitibok.

"Hey, anong iniisip mo dyan beshty!" Sulpot ni Alyana sa likuran ko na ikinagulat ko, kaya naman hinampas ko siya sa braso.

"Aray! Ano kaba justin napaka hard mo lagi sakin" inis nitong wika habanh hinahagod hagod ang brasong hinampas ko.

"Bigla bigla ka nalang kasing nanggugulat dyan, ano kaba?!" Sagot ko.

"Napakalalim naman ata kasi ng iniisip mo kaya ka nagulat, ano ba kasing iniisip mo ha?!" Tanong niya sa akin.

"Kasi kagabi, pumunta si Cliff sa bahay..." Pag uumpisa kong kwento sa kanya halos kiligin naman si gaga at pinag papalo pako habang kinikilig. Lagi nalang talaga akong nalalamog dito sa babaeng to eh! Pag ako nainis dito gagawin ko tong punching bag  buong araw..

"Kyahh! ~~ landi mo beshty tapos ano sumunod na nangyari? Dali kwento mo na kyaaah~~" kilig kilig niyang tanong halos mapa face palm ako sa kabaliwan netong babaeng to.

"Sa amin siya nag dinner. Pero hindi ko maintindihan kung anong nangyayari dito" turo ko sa dibdib ko.

"Bakit? Ano bang nangyari talaga? Pinapa curious mo pa ako eh!" Kamot ulo niyang emote..

"Kasi bago siya dumating sa bahay, nag punta muna ako ng play ground then may lalaking tumulong sakin dahil gusto akong pag tripan ng mukhang adik na lalaki sa playground. Ng magkatitigan kami ng lalaking yun bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko na parang feeling ko kilala ko siya, and then ganun din iyong nangyari sakin ng makita ko si Cliff, bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko, tapos parang may dumaloy na energy sa buong katawan ko ng hawakan niya ako. Halos nabuhay lahat ng cells ko tapos lalong bumilis tibok ng puso ko. Sabihin mo nga alyana? Nababaliw na ba talaga ako o may sakit ako sa puso?" Tanong ko sa kanya..

"Hinawakan ka niya? Totoo talaga? Yiie~~ i'm happy for you beshty! Ninang ako" masayang masaya niyang bati. Okay? Natulungan talaga niya ako.

"Nakatulong ka talaga sakin alyana, thank you very much" sakristo kong pasasalamat sa kanya. Umasim naman ang mukha nito pagkatapos ay bumalik sa pagiging seryoso.

"Baka naman kasi kilala mo iyong lalaking nag ligtas sayo, maybe naging crush mo na siya noon or so what? Kasi hindi titibok yang puso mo kung hindi mo siya kilala" paliwanag niya. Siguro nga.. Pero sino naman iyong lalaking yun? Sa pagkakaalam ko kasi isa lang ang naging crush ko noon, at yun si Lee min hoo haha! Okay assuming e noh akala mo talaga si Lee min hoo iyong tumulong sakin. Sige scroll down na k.bye! Haha charot.

"Eh, kayo ba ni Xavier kamusta ang Date?" Tanong ko sa kanya halos mamula naman si gaga.

"Hinatid niya ako sa amin, sayang nga eh dapat ipapakilala ko siya kay kuya kaso umalis daw si kuya sabi ni mama kaya ayun," paliwanag niya habang namumula pa ang pag mumukha,

"Aba,  napaka bilis mo naman atang ilegal si Xavier kahit na WALANG KAYO taray mo beshty ah!" Capslock talaga iyong walang kayo para dama niya haha, maasar lang..

"Eh? Ano bang dapat kong gawin diba? Edi ipakilala siya just only a friend kasi yun lang din naman ang tingin niya sakin" sabi nito habang malungkot ang mukhang nakatingin sakin, nakakaawa talaga tong babaeng to.

👑WHEN A GIRL MEETS HER BOY👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon