Chapter 2

19K 409 5
                                    

Shin Won Ho as Zeus Rui Jadelania

----Madaling natapos ang mag hapon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----
Madaling natapos ang mag hapon. Uwian na. Inayos ko ang gamit ko at tumuloy sa locker room bago umuwi.

Pagbukas ko ng locker sumalubong saakin ang madaming kalat na inilagay nila.

Ilang segundo lang ay bigla nalang may bumuhos na harina mula sa itaas.

Nahulog ang salamin ko dahil sa nangyari. Nanlabo ang mga mata ko hindi ako maka kita ng maayos.

"You're so stupid talaga" narinig ko ang tawanan mula sa likuran ko.

Di ako lumingon, nanatili lang akong naka talikod sakanila.

"Wag kang iiyak Sahara. Matapang ka hindi ba?" Pag checheer up ko sa aking sarili.

Simula ata noong tumungtong ako sa paaralan lagi na akong na bubully dahil sa itsura ko.

Napaka kapal na salamain, mahabang buhok at bangs na halos matakpan na ang mukha ko.

Ano bang magagawa nila? Eto ang kinalakihan kong ayos. Di ko naman masisisi ang mga magulang ko sa pagkakaroon ko ng malabong mukha.

Bakit ba ganyan ang mga tao. Sumasaya sila kapag may nakikita silang nasasaktan. Imbis na maawa makikisali pa sila. Humanity is dead.

"Ts. Lets go girls. Wala naman kwenta yan"

Kahit nakatalikod ako sakanila alam ko kung sino ang may gawa nito.

Mata lang ang malabo saakin. Hindi ang tenga.

Lumuhod ako para hanapin ang salamin ko, kinapa ko ito sa sahig.

May naaninagan akong isang pares ng sapatos sa aking harapan.

*craaaaak*

May narinig akong naapakan na bagay.

"Get up. Dont make yourself look stupid. Pangit kana nga tanga kapa. Gustong gusto mong pinagtatawanan ka ng madaming tao. Nakakahiya ka sahara" masakit na salitang sambit nito saakin.

Amoy pa lang nya alam ko na kung sino to.

Inapakan nya ang salamin ko. Akala kasi nya nag papangap lang ako na malabo ang aking paningin.

Ngumiti ako at tumayo. Hinarap ko sya.

"I know. Thank you for always reminding me about my worth. Im just a trash" muntik na akong pumiyok. Buti nalang ay napigilan ko ang sarili kong maiyak.

Di na ako iiyak.

Di ako iiyak.

Di ko sya hinintay kumibo, isinara ko ang locker ko.

Kahit nahihirapan akong makakita. Pinilit kong maglakad ng normal.

Napaka tanga mo Sahara, paano mo nagawang mahalin ang isang tulad nyang napaka sama. Walang ibang alam kundi ang manakit at pagsalitaan ka ng masasama.

Taming The Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon