Kanina pa ako pa gulong gulong sa aking higaan. Hindi ko lubos maisip na gagawin saakin ni Zeus iyon.
Una, hinalikan nya ako.
Pangalawa, niyakap nya ako.
You shouldn't love me. Masasaktan ka lang
Anong ibig nyang sabihin?
Binuksan ko ang bintana ng aking kwarto, pagbukas ko napahiyaw ako dahil si Zeus ang nakita ko.
Isinara ko ang bintana, napa hawak ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng tibok nito.
"Ay kabayo!"
Sinamaan ko ng tingin si Kuya Ezikiel dahil sa ginawa nyang pang gugulat saakin.
"Napano kaba ah?" Natatawang puna nito. Halatang inaasar nya talaga ako.
Napatayo tuloy ako ng tuwid dahil baka mahalata ni Kuya na may sinisilip ako sa may bintana.
"Wala kuya. May tumalon kasing pusa kanina sa may bintana nagulat lang ako" pagsisinungaling ko.
Buti nalang ay kinagat ni kuya ang palusot ko. Nakahinga ako ng maluwag
"Here"
Iniabot nya saakin ang isang paper bag.
"Ano to kuya?"
"Open it"
Binuksan ko ang kahon na nasa paper bag. Napanganga ako sa nakita ko
"5 pairs of contact lense. May grado na yan. I just wanna see you comfortable. From now on itabi mo na yang eyeglassess mo okay?"
Di ako naka sagot agad, napako ang tingin ko sa mga contact lense na binili ni kuya.
"But" pagtutol ko pa
"No more buts little sis"
May laban ba ako sakanya?
"Salamat kuya"
"I know you're having hard time, kahit hindi mo saakin sabihin. I know you."
Kinabukasan nag dalawang isip pa ako kung isusuot ko na ang contact lense na bigay ni Kuya.
I guess I have no choice.
Noong una, sobrang hapdi sa mata pero nakakita naman ako ng maayos. Hindi ganon ka comfortable pero mas okay siya kesa sa salamin.
"Bagay mo naman pala" bulong ko sa aking sarili.
Sa salon ako tumuloy, mamaya pa naman ang pasok ko.
Matagal tagal na rin simula ng pumunta ako sa salon para mag pagupit.
"Hi madam" sinalubong ako ng isang bakla.
"Papagupit po ako"
"Hala, ang haba na ng buhok mo sayang naman kung gugupitin. Mas okay siguro kung yung bangs ko ang babawasan at konting trim lang" suggestion ni Jessa ang hair stylist dito.
Kahit ako ay nang hihinayang dahil hanggang bewang na ang aking buhok.
Pinagmasdan ko kang sila habang ginugupit nila ang buhok ko.
Pag nakita ako ni Zeus ano kaya ang magiging reakyon nya?
"Bongga!" Pumapalakpak na sambit ni Jessa.
Tinignan ko ang aking sarili sa salamin, ang dating whole bangs ko ay naging side bangs na. At ang dating hanggang bewang ko na buhok hanggang sa may siko nalang.
Kinulayan din nila ng brown ang buhok ko.
"Ang ganda ganda mo naman madam!" Puna saakin ng isa pang hair stylist.
BINABASA MO ANG
Taming The Cold Hearted
RomanceSahara Villareal a 4th year college student who fell inlove with the most cold hearted man, a mean and jerk. Zeus Rui Jadelania. A man who has a lot of secrets but eventually fell in love with Sahara. As they go through their life many struggle came...