Chapter 46

10.3K 194 17
                                    

"Alam ko pagod na pagod kana sa pagmamahal sa isang tulad ko kaya sumuko kana. Alam ko napaka hirap kong mahalin pero minahal mo ako. Alam ko lahat ng sakit na naramdaman mo noon at nagsisisi ako dahil pinakawalan ko ang isang tulad mo. Pero gayun paman nagpapasalamat ako dahil dumating ang isang tulad mo sa magulo kong mundo. Sahara, salamat dahil kahit saglit lang pinadama mo saakin ang pakiramdam na maging akin ka. Salamat dahil kahit sandali lang minahal mo ako at hinayaan mong mahalin ka ng isang tulad ko. Ang sakit sakit sahara na bitawan ka pero alam kong ito ang tama. Oo tama ka nga. Wala na. Tapos na. Kaylangan na natin palayain ang isa't isa. Mahirap bumitaw dahil gustong gusto kong kumapit pero wala e. Ang dulas. Kaya bumitaw na ako. I know I have a cold heart but you tamed it. You tamed the cold hearted jerk, Sahara. I'm sorry if I was late but I loved you and I always will."

Dahan dahan nyang binitawan ang kamay ko. Unti unting pumatak ang luha sa kanyang pisngi.

Ang sakit. Gusto ko syang murahin sampalin at sigawan pero hindi ko magawa.

He sadly smile "I love you and I will always do. Please be happy"

Humakbang sya palayo saakin.

Pagkatalikod na talikod nya binato ko sya ng sapatos ko.

"Fck!"

"Hindi mo man lang pakikinggan ang sasabihin ko?" Umiiyak na tanong ko sakanya.

Hinihimas nito ang ulo nya.

"That hurts!" Sigaw nito.

Binato ko uli sakanya ang isa kong sapatos. Pero this time nasalo nya ito

"Napaka gago mo talaga!"

"OO MINAHAL KITA! AY MALI! MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA HANGGA NGAYON KAHIT NAPAKA GAGO MO! KAHIT PAULIT ULIT MO AKONG SINASAKTAN IKAW PARIN ANG LAMAN NG PUSO KO! KAYA WAG MO AKONG DRAMAHAN! TANG*NA NAMAN ZEUS! HINDI BA PWEDING NAG PAPABEBE LANG AKO!"

Hingal na hingal ako pagkatapos kong magsalita. Pero nakatulala lang ito.

"Ano ba!" Naiiritang sigaw ko at humakbang ito papalapit saakin at niyakap ako ng mahigpit.

Bigla nalang lumiwanag ang paligid at isa isang nag silabasan ang mga kaibigan namin ni Zeus bitbit ang nakaka lokong ngiti nila.

Damn--

"Gotya!" Ramdam na ramdam ko ang pag ngisi ni Zeus.

"Walanghiya talaga kayo"

"Ayieee!" Pang aasar nila. Maging sina Tita Ayen at Tito Zeke ay nandito.

Pati si mama papa at kuya.

Isa isa nilang tinaas ang placard na dala nila. Nagulat ako ng biglang lumuhod si Zeus at may kinuha sa kanyang bulsa

W I L L Y O U M A R R Y ME?

My jaw literally drop.

"Will you let me change your surname?"

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"OO NA YAN!" Sigawan nilang lahat. Maging si mama ay tumitili.

"Sahara" hindi maipinta ang mukha ni Zeus.

Kumunot ang noo ko "Zeus,"

Lahat sila ay hinihintay ang magiging sagot ko.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at tumingin sa mga taong nasa paligid namin.

Maybe this is the right time for us.

A third chance I guess?

But who cares. As long as I have Zeus. I know everything is right.

Taming The Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon